Chapter 33

2 1 0
                                    

Chap 33: Mahal kita

-Zephyr's POV-

"Zephy wait!" sigaw ni Eunice na nakasunod sa akin sa likod, mabilis akong naglalakad ngayon dahil gusto ko ngayon puntahan si Celeste. Where is she? Malayo na rin kami ngayon sa SSG Office.

"Zephy please sandali lang!"  narinig ko ang mga yapak niyang papatakbo papunta sa akin at naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Bakit?" malamig kong tanong sa kaniya, nakatalikod ako sa kaniya.

"Hindi pa okay mga pasa mo, pwede bang hayaan mo akong gamutin mga pasa mo, please?" aniya hindi parin niya binibitawan ang kamay ko kaya kinuha ko yun sa kaniya.

"Zephy please?" pakiusap niya. I sighed and humarap ako sa kaniya.

"Look, ang dami mong mga pasa gusto ko sana na gamutin yan eh, pwede ba?" nag-aalala niyang tanong at naramdaman ko rin na hinawakan  niya ang mukha ko.

"A-aray!" inda ko sa sakit ng pasa ko sa mukha na hinawakan niya kaya agad ko naman hinawi yun pababa, hindi ko gustong hinahawakan ako ng kahit sinong babae maliban kay Celeste. I want Celeste to touch me, to hold me, napangiti na lang ako bigla nang maalala kong niyakap niya ako kagabi, parang gusto ko magwala ngayon sa kilig dahil sa pagyakap niya sa akin kagabi. Damn.

-Eunice POV-

OMG!

Nakangiti siya, nakangiti siya!nakangiti ba siya dahil sa paghawak ko sa mukha niya? Omg ang gwapo niya! Kyahhhhh, hindi ko alam pero parang gusto ko ngayon tumalon sa saya dahil nakita ko siyang ngumiti, kinilig ba siya sa paghawak ko sa kaniya kaya ba agad niyang hinawi yung kamay kong nakahawak sa mukha niya kanina?

WAHHHH!!! Ang cute niya ngumiti I can see his dimple on his left cheek.
Nakangiti parin siya ngayon, he's really handsome, kahit may mga pasa yung mukha niya ang gwapo niya parin. I want him so bad. I'm so madly inlove with him.

-Celeste POV-

Paakyat ako ngayon sa hagdan para pumunta sa 3rd floor nandun kasi yung library at gusto kong pumunta dun, hindi naman ako pupunta dun para magbasa eh, gusto ko lang muna tumambay dun lalo pa hindi ko rin naman gustong pumasok ngayon sa klase, alam ko kasi na mas tahimik sa lugar na yun at alam kong hindi ako guguluhin ng kahit sino.

Nang nasa corridor na ako ay nagtataka ako kung bakit masyadong tahimik dito, at wala akong masyadong nakikitang mga estudyante na naglalakad, oo nga pala class hour pala ngayon.

Nang nasa gitna na ako ng paglalakad ko ay nakita ko ang lalaking nakatalikod. Likod niya palang ay alam na alam mo na kung sino ito, ang kisig ng pangangatawan niya. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin kong may babae palang nasa harapan niya, pamilyar ang babae na yun, bigla ko napagtanto na siya pala yung babaeng tumulong sa pag-awat sa kanila ni Nathan at ang babaeng humawak din sa braso niya kanina.

-Eunice POV-

"Z-zephy..."

"Hm?"

"I-i love the way you smile." nakangiti kong wika, kumunot naman ang noo niya, ano ba yan slow ba siya?

"Ganun ba?." saad niya
"Sige ah, I have to g-" hindi ko na tinapos kung ano man ang sasabihin niya dahil bigla akong lumapit sa kanya, sobrang lapit, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan  siya sa labi niya. He's my first kiss.

-CELESTE POV-

Hindi ko magawang makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko, kitang kita ng dalawang mata ko ang paghalik ng babae sa kaniya, nanginginig ako ngayon, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko at ang sikip sikip nito, nangingilid na ang mga luha ko, gusto ko tumakbo ngayon para umalis pero bakit hindi ko magawa? Bakit nasasaktan ako, parang hindi ako makahinga sa nakikita ko, bakit ko ito nararamdaman? Anong nangyayari sa akin?

-Zephyr's POV-

Nagulat ako sa ginawa ni Eunice kaya bigla ko siyang itinulak. Gusto ko siyang sigawan ngayon at pagalitan, hinding hindi ko gusto yung ginawa niya. Hindi! Hindi!

Hindi ko matanggap na hindi si Celeste ang first kiss ko. Fuck!!

"Z-zephy why?"

"Sino bang nagsabi sa'yo na pwede mo akong halikan?" galit kong sabi.

"Zephy sorry nadala lang ako ng emosyon ko, hindi ko sinasadya!" sabi niya, seriously?

"Nadala ng emosyon? Talaga ba? Dapat kinontrol mo ang sarili mo, Eunice. Hindi kita girlfriend at hindi mo ako boyfriend kaya wala kang karapatan na halikan ako!"

"S-sorry Zephy." naiiyak niyang sabi at niyuko ang ulo, hindi ko intention na magpaiyak ngayon galit lang ako dahil sa ginawa niya Hindi niya kailangang umiyak.

"I have to go." malamig kong sabi at tumalikod na sa kaniya, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na babae sa di kalayuan, nakatayo siya at nakatingin sa kinaroroonan ko. Napansin ko din na umiiyak siya. Damn, bakit siya umiiyak?

-Celeste POV-

Nang makita kong humarap siya ay bigla na bumuhos ang mga luha ko, kaya bigla akong tumakbo para umalis.

Umiiyak ako habang tumatakbo, sana hindi na lang ako pumunta dito at sana hindi ko na lang pinanood yung nangyari kanina.

Hindi matigil ang mga luha ko sa pagtulo, hindi ko alam bakit umiiyak ako dahil sa nakita ko.

A wave of sadness washed over me, leaving me feeling empty and confused. I couldn't focus on anything but the pain that was consuming me.

My heart shattered into a million pieces each one reflecting the pain of the moment. I just wanted to disappear, to escape the sudden ache in my chest.

Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong naramdaman na may humawak sa braso ko kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Celeste sandali!" hinihingal siya habang sinasabi niya yun.

"Please bitawan mo ako."  naiiyak kong sabi.

"Kanina ka pa ba dun?" tanong niya, pero hindi ko siya sinagot. "Zephyr please bitawan mo na ako please." gusto ko siya saktan ngayon, gusto ko siya sampal sampalin, naiinis ako sa kaniya naiinis ako dahil hindi ko gusto yung ginawa ng babae sa kaniya. It felt like a punch to the gut but I couldn't figure out why I was so upset.

"Please answer me, kanina ka pa ba dun? Bakit ka umiiyak ha?" mahinahon niyang tanong sa akin kaya humarap ako sa kaniya at kinuha yung braso ko na hawak niya, kitang kita ko yung mapupungay niyang mga mata, at ang mga pasa nito sa mukha niya.

"Baby, please answer me." my eyes widened, anong tinawag niya sa akin?baby?

"I hate you! I hate you!" sigaw ko at nagsimula akong hampas hampasin siya. "I hate you so much!" hinahampas hampas ko parin siya, naiinis ako sa kaniya, dapat iniiwasan ko siya ngayon dapat hindi ko siya nakikita ngayon, dapat hindi ko siya pinapansin, nakakainis siya! Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, kaya tumigil ako sa paghampas sa kaniya, hindi ko siya niyayakap pabalik dahil naiinis ako sa kaniya at hindi ko makalimutan yung paghalik ng babae sa kaniya.

"Please tama na, hindi ko gustong umiiyak ka dahil nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak, tama na please." mahinahon niyang sabi at niyayakap niya parin ako ng mahigpit. "Dahil.... dahil mahal kita."  dagdag niya pa, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, mahal? Mahal niya ako? Anong sinasabi niya? Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ningitian ako, nakatingala lang ako sa kaniya, at ramdam na ramdam ko ulit ang puso kong parang sasabog na sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok.

Anong ibig niyang sabihin na mahal niya ako? At bakit niya ako tinawag na baby?

End of Chapter 33.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now