Chapter 35

3 1 0
                                    

Chap 35: Inlove

-Celeste POV-

Nakatingin parin ako sa kaniya habang nakatalikod at nakayuko, ang gulo na rin ng buhok niya dahil sa pagkakasabunot ko.

"Celeste sakay na please." pakiusap niya. Pinagpapawisan na rin siya dahil sa init ng araw na tumatama sa kaniya.

"Ayaw ko!" I blustered.

"Sige na, it's okay kung mabigat ka sumakay ka na sa likod ko dali!" aniya. Sa bagay pagod na rin kasi ako at kawawa naman siya, sige sasakay na lang ako sa likod niya.

Kahit hindi ko gusto ay sumakay na lang ako sa likod niya, tumayo na rin siya at pinulupot ang mga braso niya sa magkabilang calf ko, nagsimula na rin siyang maglakad, nakasandal lang ang magkabila kong kamay sa mga balikat niya, ramdam na ramdam ko parin ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko at amoy na amoy ko siya, sobrang bango niya, alam kong tumutulo parin ang mga pawis niya.

"Ang bigat mo nga talaga." humalakhak siya kaya kinurot ko ang tainga niya.

"Aray ko! Celeste naman grabe ka na ha."

"Edi ibaba mo na ako kung nabibigatan ka sa akin." naiinis kong sabi.

"Joke lang naman eh, ang gaan gaan mo lang." aniya at narinig ko namang humalakhak siya.

Naglalakad parin siya habang pinapasan niya ako sa likod niya.

"Sorry Celeste." aniya, bakit naman kaya siya nagsosorry?

"For what?" I asked.

"Because Eunice kissed me." tugon niya, Eunice huh? hindi ko alam pero bigla na lang sumikip ulit ang dibdib ko nung naalala ko yun, hindi ko namamalayan na parang nakakalmot ko na siya sa paghawak ko sa magkabilang balikat niya, tumigil siya sa paglalakad at nakita kong nandito kami sa field, walang katao tao dito. Bigla naman akong bumaba nang makita kong may iilang bench dito,
gusto kong umupo dun sa isang bench na nasa tabi ng isang malaking puno, masyado kasing mainit kaya alam kong makakasilong kami dun.

Lalapit na sana ako dun ng biglang hawakan ni Zephyr ang braso ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.

"Celeste, nagseselos ka ba?"  nagulat ako sa tanong niya, nagseselos?anong ibig niyang sabihin?anong nagseselos? humarap ako sa kaniya at kumunot ang noo ko.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Kaya kaba umiyak at tumakbo kanina? Nagselos ka ba?" tanong niya, kitang kita ko ang mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Zephyr." sabi ko at kinuha ang braso kong hawak niya, anong sinasabi niya?bakit naman niya tinatanong sa'kin yun?

"Gusto ko malaman kung nagselos ka please! Mahirap ba sagutin ang tanong ko?"

"Bakit naman ako magseselos?"

"Dahil hinalikan ako ni Eunice!"

"Bakit Zephyr? Bakit gusto mo malaman? Ano naman ngayon kung hinalikan ka ng Eunice na yun? Ano bang pakealam ko?" sabi ko sa kaniya, kahit sa totoo lang nasasaktan ako at kumikirot ang dibdib ko sa tuwing naalala ko yung paghalik ng babae na yun sa kaniya, at sobrang sama ng loob ko dahil dun sa nakita ko. Yun ba talaga ang ibig sabihin ng selos?
Pero bakit naman ako magseselos?

"Nothing, sorry." tipid niyang sabi, kitang kita ko na malungkot siya kaya bigla na lang akong umiwas ng tingin at tumalikod, tumakbo ako papunta sa isang bench na may isang malaking puno at naupo dun. Ang ganda at sarap ng hangin dito, kitang kita ko din yung kalangitan na kulay asul, at ang mga ibon na nagliliparan dun.

Habang tinitingnan ang kalangitan ay nagulat ako nang biglang tumabi si Zephyr sa akin. Ang lapit lapit niya sa akin, pero hindi ko siya pinapansin, nakatuon parin ang pansin ko sa panonood ng kulay asul na kalangitan.

"Ang ganda." sabi ko habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Sobra." narinig kong sabi niya at bumaling ako sa kaniya nakita kong nakatingin siya sa akin, kumunot ang noo ko.

"You love watching skies huh." aniya pero nakakunot parin ang noo kong nakatingin sa kaniya.

"Umusog ka nga dun! Masyado kang malapit eh, alam mo namang mainit bigla bigla ka dumidikit!" I blustered at nakita ko naman na bumungisngis siya, kitang kita ko ang dimple niya at ramdam na ramdam ko ang puso kong sobrang bilis ng pintig.

"Ang cute mo talaga." wika niya hindi ko alam pero parang biglang umiinit ang pisngi ko ngayon kaya umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa kalangitan na pinagmamasdan ko kanina, tumingin ulit ako kay Zephyr na nasa tabi ko at nakita kong nakatingin parin siya sa akin, napaawang ang bibig ko dahil hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa akin. My heart feels like it's going to explode everytime he looks at me. Kitang kita ko ang mga pasa niya sa mukha niya. Sinabi ko sa sarili ko na dapat iiwasan ko siya at hindi papansin pero hindi ko yata kaya yun, feeling ko hahanapin ko siya kapag wala siya sa tabi ko at wala siya sa paligid.

Kung nagseselos man ako dahil sa nangyari kanina dapat malaman ko kung bakit, at dapat malaman ko din kung bakit nakakaramdam ng aliw ang puso ko kapag nasa tabi ko siya at lalo na kapag nakikita ko siya, gusto ko malaman kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Ito ba ang ibig sabihin ng inlove?
Ito ba ang pakiramdam na inlove ka? Inlove ba ako?inlove na ba ako kay Zephyr?

Hindi!hindi, siguro normal lang na nararamdaman ko ito hindi naman siguro ako inlove sa kaniya, mali mali, hindi ako inlove sa kaniya. Wala lang toh, wala to, alam kong hate ko siya, oo hate ko siya! Tama tama!
Pero bakit nakakaramdam ako ng weird na pakiramdam kapag nasa tabi ko siya, kapag nasa paligid siya, kapag may ginagawa siyang bagay na hindi ko naman inaasahan, at bakit sobrang kirot ng dibdib ko nung nakita kong hinalikan siya ng ibang babae?bakit sumikip ang dibdib ko nun na para bang nadudurog ako.
Ganito ba feeling nang mainlove? Pero ang alam ko hate ko siya, hate ko siya diba? Anong nangyayari sa'kin?
Sa tuwing naalala ko na hinalikan siya ng ibang babae nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano ko yun kakalimutan.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.
Pinunasan ko yun at kumunot naman ang noo ni Zephyr nang makita niyang lumuluha ako.

"Baby, what's wrong?" he asked pero umiwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang luha ko. "Why are you crying?" tanong niya ulit pero umiling na lang ako. "I'm not, napuwing lang ako." pagsisinungaling ko kaya bigla siyang umalis sa pagkaupo sa tabi ko at nakita ko na lang na nasa harapan ko siya nakayuko siya at nakatingin sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at dahan dahang pinupunasan ang mga luha ko.

"Don't ever lie to me, ok? I know you're crying, shh tama na." mahinahon niyang sabi at tumayo siya para yakapin ako. Lumuluha parin ako habang nakayakap siya sa akin. Damn Zephyr.

Perhaps hate and love are not so different after all. His touch proves that even the most bitter of emotions can hold a spark of something else.

And I now I realized, I'm inlove with him, I'm inlove with Zephyr, I'm inlove with a boy na sobrang kinamumuhian ko nung bata ako.
I'm inlove with my neighbor.

End of Chapter 35.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now