Chap 54: Sunsets
-Celeste Point Of View-
Tumigil kami ni Zephyr sa isang park kung saan may madaming tao ang nagpipicnic ngayon at tinitingnan ang paglubog ng araw sa kalangitan.
Akmang tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko pero inunahan ako ni Zephyr dahil siya na ang nagtanggal nito, bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ako dahil napakagentleman niya talaga.
Bumaba na rin siya sa sasakyan dahil alam kong gusto niya rin na siya ang bubukas ng pinto para sa akin.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ginagawa niya. Nang buksan niya ang pinto ay dahan dahan na akong bumaba habang hawak hawak ang bouquet ng roses. Paglabas ko ay nagtataka ako dahil hindi niya pa sinasara ang pinto. Hala. Bakit? Wala naman siguro akong naiwan sa loob eh, nandito naman ang sling bag ko.
"B-bakit?" utal kong tanong sa kaniya pero itinuro niya lang ang bouquet na roses na hawak ko ngayon.
"Bakit?" tanong ko ulit.
"Pwede namang iwan mo muna yan sa loob eh, hindi naman tayo magtatagal dito eh, we're just here to watch sunsets together" he said with a smile.
Eh?
"Sandali lang tayo dito?" tanong ko ulit kaniya kaya tumango naman siya habang ngumingiti.
"I knew just how much you love watching sunsets, so I brought you here to share this moment with you."
Mas lalo bumilis ang pintig ng puso ko ngayon dahil sa sinabi niya, paano niya kaya yun nalaman? Nakatingin lang ako sa kaniya habang ngumingiti siya, mahangin din ngayon at nililipad ng hangin ang buhok ko sa ere.
Marahan kong inilagay ang bouquet of roses sa seat at tumayo na ako, isinara na rin ni Zephyr ang pinto ng sasakyan niya, pagkatapos nun ay bigla niyang inilahad ang palad niya sa akin. Tiningnan ko lamang yun.
"Halika na?manonood tayo ngayon ng sunsets," nakangiti niyang sabi habang inilalahad parin ang palad niya sa akin kaya dahan dahan kong inilagay ang kamay ko dun.
Nang mailagay ko ang kamay ko dun ay bigla niyang hinawakan yun ng marahan at hinalikan iyon.
My eyes widened, nakaawang din ang bibig ko, nililipad parin ng hangin ang buhok ko sa ere, mabilis din ang pintig ng puso ko ngayon at para akong nakuryente sa ginawa niyang iyon, nakatingin lang ako sa kaniya ngayon at hindi parin nawawala ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko dahil sa ginawa niyang yun, pagtapos niya halikan ang kamay ko ay ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. Hinawakan niya na rin ang kamay ko at hinila ako.
Habang hila hila niya ako ay inilagay ko na lang ang kamay ko sa dibdib ko dahil sa lakas at bilis ng pintig nito.
Ang gaan gaan ng lahat pag kasama ko siya, feeling ko kapag kasama ko si Zephyr safe na safe ako at wala akong dapat proproblemahin kasi nandyan lang siya sa tabi ko.
🎶
Your morning eyes, I could stare like watching stars~
I could walk you by, and I'll tell without a thought~
You'd be mine~
Would you mind if i took your hand tonight~
Know you're all that I want this life~
I'll imagine we fell in love~
I'll nap under moonlight skies with you~
I think I'll picture us, you with the waves~
The oceans colors on your face~
I'll leave my heart with your air~
So let me fly with you~
Will you be forever with me~-3rd Person Point Of View-
Nakaupo si Zephyr at Celeste sa isang bench sa park kung saan dun nila pinagmamasdan ang sunsets.
Tuwang tuwa naman si Celeste sa panonood ng sunsets habang si Zephyr naman ay tinitingnan si Celeste na may ngiti sa mukha.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...