Chapter 36

2 1 0
                                    

Chap 36: Jealous

3rd Person POV:

Flashback
(Ito ang flashback nung time na inaya ni Trina si Celeste na kumain sa labas)

Kumakain ng salad si Celeste at tinititigan siya ni Trina.

"I guess hindi mo pa nga talaga naranasan mainlove." nakangising sabi ni Trina kaya tumingin naman sa kaniya si Celeste na nakakunot ang  noo. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Celeste sa kaniya at itinigil muna ang pag kain sa kanyang salad.

"Kasi ang weird mo at saka ang cold mo, imposibleng maiinlove ka." tugon naman ni Trina kaya napairap na lang si Celeste.

"I don't know about love." malamig na sabi ni Celeste.

"Oh diba?" saad ni Trina.

"Bakit? Ano ba meron dyan?" seryosong tanong ni Celeste kay Trina.

Napangiti naman si Trina at inilagay ang mga siko sa mesa at nilagay ang mga palad sa magkabilang pisngi.

"Kung inlove ka sa tao hindi mo pa yan malalaman kung wala kang ibang senyalas na nararamdaman." ani Trina na nakatingin sa itaas, kaya tumingin naman si Celeste sa taas, at kumunot ang noo nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Celeste.

"Malalaman mo lang na inlove ka sa isang tao kapag bumibilis ang pintig ng puso mo pag nandyan na siya pagilid, nasa tabi mo na siya, at lalo na pag nakikita mo siya, malalaman mo din na inlove ka sa tao na yun pag palagi mo siyang iniisip, at hindi ka makatulog kakaisip sa kaniya, malalaman mo din na inlove ka sa kaniya kapag nakakaramdam ka na ng selos pag may kasama siyang iba." wika ni Trina sa kaniya kaya kumunot naman ang noo ni Celeste.

"Selos?"

"Oo, selos. Hindi mo ba alam yun?" tanong ni Trina pero dahan dahan namang umiling si Celeste.

"Ang selos ay isang emotion na mahirap pigilan lalo na kung mahal mo ang isang tao, pag nakaramdam ka ng ganitong feeling ibig sabihin mahal mo o inlove ka sa tao na yun, alam mo ba ang ibig kong sabihin? Lahat ng tao nakakaramdam ng ganyan lalo na kapag may minamahal na sila. Nasasaktan ka pag may kasama siyang iba, naiinis ka pag may lumalandi sa kaniya, at kapag may kasama siyang iba feeling mo na you're not enough at dun maiinsecure ka ng sobra." wika ni Trina.

"Ganun pala yun, ang dami mo namang alam." seryosong sabi ni Celeste kaya napangisin naman si Trina.

-Celeste POV-

"Bakit pala tayo nandito?" tanong ko kay Zephyr, hindi ko talaga alam kung bakit nandito kami ngayon sa field, gusto ko lang naman ulitin niya yung sinabi niya sa akin kanina pero dinala niya pa ako dito, ano namang gagawin namin dito? Gutom na gutom na rin ako ngayon.

Naalala ko yung sinabi ni Trina sa akin last time, tama siya, lahat ng mga senyales na binanggit niya ay naramdaman ko na, lalo na yung selos. Oo nagselos ako, nagselos ako dahil hindi ko gustong may kasamang iba si Zephyr, nagselos ako kasi hindi ko gustong makitang may kahalikan siyang iba, naiinsecure ako, lalo pa nakita ko na maganda yung babae na humalik sa kaniya. Mukhang talo ako.
Feeling ko naman nagustuhan ni Zephyr yung halik na yun. Pero bakit niya sinabi na mahal niya ako kung nagustuhan niya rin yung halik na yun?

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now