Chap 25: CowardSSG SECRETARY POV:
I am Eunice Dela Cruz, and I'm 19 years old, 4th year high school Section Lavender, the SSG Secretary of this damn school. Trio kami nila Nathan Flores at Carl Romero, ewan ko ba bakit nakapaghiwa-hiwalay kaming tatlo, section tulip si Nathan, section dandelion naman si Carl, at ako naman ay section Lavender. Trio nga kami pero mas close naman kami ni Carl, masyado kasing aloof at seryoso itong si Nathan Flores eh nakakainis gwapo nga siya pero masungit naman, pero kahit gwapo siya mas gwapo parin yung kapatid niyang si Zephyr.
Damn. I really admire Zephyr simula nung 1st year pa ako, naiisip ko lang siya kinikilig na ako, lalo na 'pag nakikita ko siya parang sasabog na puso ko sa kakatibok, super pogi niya at ang talino sa math. Nagsimula akong magkacrush sa kaniya nung magkaroon ng Math Olympiad dito sa school, damn he's truly amazing. Hindi ako makakapayag na mauunahan ako ng kahit sino, magkakamatayan pa. Akin lang si Zephy.
SSG OFFICE
Hindi ko mapigilang matawa nung makita ko si Nathan na pumasok dito sa office habang hawak hawak ang salamin niya, Hahaha!
"Anyare sa mukha mo?" natatawang tanong ko kay Nathan habang iniikot ko ang isang daliri ko sa buhok ko.
"Shut up!" iritadong sabi ni Nathan sa akin, hindi ko parin mapigilang matawa lalo na pag naiirita siya.
"Hindi ko alam na basagulero ka na pala Nathan James Flores." natatawa kong sabi.
"Hindi ka nakakatulong sa pagtawa mo, manahimik ka!" sabi niya sa akin.
"Resbakan na ba namin ang may gawa niyan Pres?" tanong ni Carl habang nakaupo sa couch.
"No need." malamig na sabi ni Nathan.
"Poor you!" turo ko sa kaniya habang tinatawanan ko parin siya.
"Just shut up!" sigaw niya akin.
"I have to go may gagawin pa ako." sabi ko at natatawa akong umalis. Tangina.
Paglabas ko ng office ay nagulat ako nang makita ko si Zephyr na papalapit dito, omg! Nandito ba siya para makita ako? Kilala niya ako kasi alam niyang SSG Secretary ako dito, at alam niya rin na gusto ko siya kasi sinabi ng siraulong Carl argh! Damn ang gwapo niya kyahh!!!
Inayos ko lang buhok ko, ang blouse ko, tinanggal ko rin ang isang butones ng blouse ko sa dibdib, at inayos ang palda ko. Sinalubong ko siya ng may ngiti."Hi Zeph-" nagulat ako nang bigla niya akong nilagpasan, pumasok siya ng office at hindi ako pinansin, ano ba naman yan ang sakit sakit Zephy ah!
Pero ok lang hehe, pumasok ako sa loob at pagpasok ko ay nagulat ako nang bigla nyang kinuwelyuhan si Nathan, hala anong nangyayari?"What the fuck have you done?!" sigaw ni Zephy kay Nathan, kinuwelyuhan niya parin si Nathan, anong gagawin ko? Paano na to? Huhuhu help!
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo kaya bitawan mo ako tangina!" iritado niyang sabi at nanlaki ang mga ko nang bigla niyang itinulak si Zephy, napasalampak si Zephy sa sahig. Oh no. Kaya naman yumuko ako at tinulungan siyang tumayo.
"Zephy are you ok?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at sinagot nakatingin siya kay Nathan ng masama, ano bang nangyayari? Si Zephy ba ang kaaway niya kanina nung bago siya pumasok dito sa Office? Pero napansin ko wala namang pasa sa mukha si Zephy.
"Anong ginawa mo kay Celeste?!" sigaw ni Zephy, nagulat ako sa sinabi niya, Celeste?babae ba yun?sino siya? Anong meron sa kaniya? Siya ba ang pinag-aawayan nila ni Nathan? Bakit nasasaktan ako? Noooo, hindi hindi, baka pinsan niya lang yun o kamag-anak hindi hindi, Zephy is mine.
"Z-zephy s-sino si Celeste?" tanong ko naninikip parin ang dibdib ko, ang sakit sakit.
"Oh Zephy, sino ba yang si Celeste nagseselos na si Eunice oh, kawawa naman." natatawang sabi ni Carl, nakakainis siya, ang lakas lakas niya mang-asar.
"Wala akong ginawa sa kaniya bakit ba ako ang tinatanong mo?! Why don't you ask her?" saad ni Nathan kay Zephy, napako parin ako sa kinatatayuan ko hindi ko alam bakit ang sakit sakit, sino ba itong Celeste na to? Nilandi landi niya ba si Zephy? Damn slut! Ang kapal naman ng mukha ng babae na yun, argh nakakainis. Pag makita lang talaga kita Celeste. Kinuyom ko ang dalawa kong kamao at mabilis na umalis.
SSG VICE PRESIDENT POV:
I'm Carl Earl Romero, 20 years old, the SSG Vice President of this school. Last year vice president din naman ako at hanggang ngayon hindi pa naman nakakaalis sa pwesto. Trio kami nila Eunice at Nathan, at ako pinakamatanda, si Nathan naman ang pinakabata sa amin, itong si Nathan hindi talaga ito interesado sa kahit na sinong babae, pero madaming nagkakagusto dito kahit yung mga lower grades tsk! Lalo na yung kapatid niyang si Zephyr Kyle, madami ding nagkakagusto dun, kahit itong si Eunice patay na patay dun tsk!
Nagulat ako nang biglang pumasok si Zephyr sa office at kinuwelyuhan patayo si Pres. Nathan, what the ito talagang magkapatid na'to. Bahala nga kayo dyan, hindi ko kayo aawatin kung magsusuntukan kayo sa harap ko, may popcorns naman akong baon.
Sino ba itong si Celeste na ito at bakit siya pinag-aawayan ng magkapatid?Ayos ah babae pinag aawayan nila. Natatawa na lang talaga ako nung umalis si Eunice hahaha! Selos girl?
"Alam mong hindi kita papatulan pero pwede bang umalis kana?" iritadong sabi ni Pres Kay Zephyr, wow hindi raw papatulan?tinulak mo nga kanina eh, minsan talaga tanga tong Pres namin eh.
"Because you are a fucking coward!" sigaw naman ni Zephyr sa kaniya, wow magandang eksena to, teka saan na ba yung baon kong popcorn?
"What did you say?" inis na sabi ni Pres at lumapit kay Zephyr.
"You're a coward!" sigaw ni Zephyr, nakita ko ring tumalikod saglit si Nathan sa kaniya at sinuntok nito si Zephyr sa mukha. Susuntukin din sana siya ni Zephyr pero mabilis akong tumayo para pinigilan ang kamao niya, nasa gitna nila akong dalawa. "Nasa SSG office tayo, kaya pwede ba huwag kayong mag-away dito, baka may makakita pa sa atin dito mauwi pa sa Guidance Office ayaw niyo naman ng ganun diba? Ikaw Zephyr umalis ka na!" sabi ko sa kanila baka pati ako madamay pa eh.
"Pwede bang 'wag kang makialam ha?" iritadong sabi ni Pres sa akin, bumaling naman ako kay Zephyr na masama ang tingin sa akin. Please naman ayoko madamay oh.
"Ah Zephyr lumabas ka na, baka masuntok ka pa ulit ng kapatid mo."
"Hindi ko kapatid yan!" sigaw niya na nakatingin ng masama kay Pres. mabilis din siyang umalis at padabog din niyang isinara ang pintuan ng Office. Grabe naman yan dineny pa talaga na hindi kapatid si Pres hay naku, hindi lang naman kayo parehas ng apelyido eh pero magkapatid kayo, ewan ko sa inyo sakit niyong dalawa sa ulo.
End of Chapter 25.
Tysm!💗
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...