Chap 24: Let me go
Celeste POV:
Kinaumagahan, naligo na ako at nagbihis, I'm wearing white blouse with black necktie, medyo fit din ang blouse na'to sa'kin, black pleated mini skirt naman at nakain-shirt din may bag pack na rin ako na kulay puti, sneakers naman ang suot kong sapatos na may puting medyas na maikli lang. Sinabihan din kasi ako na dapat magsuot na ako ng uniform ngayon nakakainis naman grabe naman sila, ganun ba talaga sila sa mga transferee na estudyante?
Hindi na rin ako kumain kasi alam kong late na ako ngayon kaya lumabas na lang ako ng bahay at mabilis tumawag ng taxi. Masakit din ang ulo at tiyan ko ngayon argh!!
8:20 na ako nakarating ng classroom
Nang malapit na ako sa entrance ng classroom ay napahawak muna ako sa dingding at yumuko para hawakan ang tiyan ko, ang sakit sakit hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng tiyan ko, ngayon ko lang toh naramdaman hindi ko na kaya huhuhu ang sakit, masakit din ang ulo ko at sinasabayan ng hilo.Nang nasa entrance na ako ay bigla akong hinarangan ng SSG PRESIDENT argh! 2nd day na naman ba ng pamb-bwiset sa araw ko ha? Hindi ko na talaga kaya ang sakit sakit ng tiyan at ulo ko please naman. Sana pala hindi na lang ako pumasok.
"You're 50 minutes late Miss. Gonzales." malamig niyang sabi, pero hindi ako nakatingin sa kaniya dahil nakayuko ako at nakahawak sa tiyan ko ang sakit sakit.
"Miss Gonzales?"
Napahawak ako sa dibdib ko ang bilis bilis at lakas ng tibok nito, hindi ko alam kung bakit ganito?
Dahil ba ito sa nararamdaman kong gutom kasi kahapon pa ako hindi kumakain, salad lang kasi kinain ko kahapon nung nasa cafeteria ako, hindi ako kumain kagabi pag -uwi ko ng bahay kasi natulog na ako, napahawak ako sa temples ko dahil ang sakit sakit ng ulo ko, nahihilo ako ng sobra, ang sakit sakit din ng tiyan ko."Miss Gonzales?"
Napahawak ang isa kong kamay sa dingding habang isa ko namang kamay ay nakahawak parin sa temples ko.
"Miss Gonzales, wala akong oras sa pag-iinarte mo!" bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako paalis dun, hindi ko na rin alam kung saan niya ako dadalhin, wala akong lakas ngayon at ang dilim dilim ng paningin ko, nahihilo ako, saan niya ba ako dadalhin?
"B-bitawan mo ako please." mahina kong sambit.
"No, I have no time for your stupid acting." malamig niyang sabi, anong sinabi niya? San niya ba ako dadalhin? Nasasaktan na ako.
"Please...tama na nasasaktan na ako, b-bitawan mo na ako. "
Zephyr's POV:
Nasa school na ako at alam kong late na rin ako ngayon, nasa hagdan palang ako papunta sa classroom namin, nang nasa corridor na ako ay nagulat na lang ako nang makita ko si Nathan at hila hila nito si Celeste, napansin ko rin na parang hindi ok ngayon si Celeste, kumunot ang noo ko at kasabay nun ang pagkuyom ko sa kamao ko.
Celeste POV :
Unting unti na nanghihina ang tuhod ko, ang sakit sakit ng ulo at tiyan ko ngayon na hindi ko maipaliwanag, nahihilo ako at para akong nasusuka. Hindi ko alam kung nas'an na kami ngayon, hindi ko alam saan niya ako dadalhin, nasasaktan na ako.
"Please let me go." mangiyak ngiyak kong sambit, wala akong lakas sa pagpupumiglas ngayon dahil na rin sa panghihina ko, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako.
Nagulat ako nang biglang tumigil si Nathan sa paglalakad, at binitawan ang braso ko, kasabay nun ay narinig ko rin na parang may bumagsak na kung ano sa sahig. Anong nangyayari?
Zephyr's POV:
Dali dali akong lumapit kay Nathan, at nang makita niya ako ay tumigil siya sa paglalakad, binitawan niya rin ang braso ni Celeste at seryoso siyang nakatingin sa akin, tangina.
Kaya naman bigla ko siyang sinapak ng dalawang beses sa mukha niya at kaya napasalampak na lang siya sa sahig at nalaglag din ang salaming suot niya dahil sa ginawa ko, nakita ko rin na dumugo bibig niya."Damn you, bro." ngisi niyang sabi sabay tayo at punas ng dugo sa bibig gamit ang hinlalaki niya, at mabilis ko siyang kinuwelyuhan.
"You fucking asshole, sa oras na makita kong hawakan mo pa si Celeste ay hindi lang yan ang aabutin mo sa akin." iritado kong sabi sa kaniya, kinukwelyuhan ko parin siya.
"Tsk." padabog niyang hinawi ang magkabilang kamay ko sa kwelyo niya. "I'm not fucking scared of you." malamig niyang sambit at yumuko siya para pulutin ang salamin niyang nalaglag, nang pulutin niya yun ay umalis na rin siya. Damn him.
Celeste POV:
Hindi ko parin alam ano ang nangyayari, nakahawak parin ako sa temples ko at nakasandal ang palad ko sa dingding. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nanghihina na rin ang mga tuhod ko.
Babagsak na sana ako nang biglang may sumalo na lang sa akin, nagulat ako.
"Celeste? Celeste are you ok? Can you hear me?"
Hindi ko alam kung sino 'to kasi nanlalabo parin ang paningin ko, pero pamilyar ang kaniyang amoy, ang bango, naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at kasabay nun ay pagdilim na ng mga paningin ko.
End of Chapter 24.
Tysm!💗
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...