Chap 11: Alone"Magpapakabait ka apo ah" ani Lola sabay yakap sa akin, nasa labas kami ngayon ni Lola, kasama din ang tukmol na nakikilola sa Lola ko.
Yumakap naman ako sa kaniya, mamimiss ko si Lola.
"Zephyr, hijo wag mong pababayaan ang apo ko ha." ani Lola at ngumiti, nang binaling ko ang tingin ko kay Zephyr ay nakangiti rin ito, ako lang naman ang walang emosyon dito.
"Opo naman lola, ako na po ang bahala sa kaniya, hindi ko po siya pababayaan." sabi niya, what the fudge, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya.
"Salamat hijo." ani Lola at biglang bumaling sa akin. "Apo magpapakabait ka ha, wag kang magpapalipas ng gutom."sambit ni Lola at tumango naman ako at hinalikan niya ang pisngi ko at noo.
"Mag-iingat ka lola." saad ko sabay punas ng luha kong ngayon lang tumulo.
Nang makasakay na si Lola sa taxi ay ningitian niya ako dun sa bintana at kinawayan ako. Nang makalayo na ang taxi ay dun na bumagsak ang mga sunod sunod na luha sa mata ko. Nakatalikod ako kay Zephyr dahil ayokong ipakita sa kaniya na iyakin din ako sa kabila ng paguugali ko.
"Huwag ka nang umiyak, Celeste. Nandito naman ako, hindi ka nag-iisa." aniya, alam niya palang umiiyak ako.
"Hindi kita kailangan." sambit ko at umalis at pinagsarhan siya ng gate.
Nang makapasok na ako sa loob ay pumunta ako ng kwarto ko at dun umiyak nang umiyak. Kahit na ganito ako, kahit na ganito yung ugali ko, napakaiyakin ko. Masakit lang isipin na nag-iisa na naman ako.
I may be grumpy, bitchy, and cold hearted person, but damn I'm such a cry baby.
Habang nanonood ako ng movies sa kwarto ko ay bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Joan, at ang isang maid. Anong ginagawa nila dito?
"Diba sabi ko kumatok kayo pag papasok kayo ng kwarto ko" sambit ko nang hindi nakatingin sa kanila.
"Ah ma'am Celeste, aalis po kasi kami ngayon ni Mama eh." napatingin ako sa sinabi ni Joan "Ano?" yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.
"Uuwi po kami ng probinsya ma'am, nasa hospital po kasi yung bunso kong kapatid, kaya magpapaalam po sana kami ni mama kung pwede kaming umuwi." saad ni Joan, napatingin naman ako sa isang maid, mama pala siya ni Joan.
"Ma'am, ok ka lang ba?" tanong ng isang maid sa akin, ang mama ni Joan.
"Yeah, I'm ok." walang emosyon kong sambit.
"Sigurado ka ba?" tanong niya ulit. "Yeah, I'm ok, don't worry." sabi ko naman at tumayo at lumapit sa cabinet. Binuksan ko ito at kinuha ang isang parihaba na kahon, may laman ito na mamahaling sapatos na binili ko kahapon. Hindi ko naman gagamitin to kaya ibibigay ko na lang kay Joan.
"Here." sabi ko sabay abot nun kay Joan.
"Ano po yan ma'am?" tanong niya.
"Open it."
Pagbukas niya nun ay biglang nanlaki ang mga mata niya at ngumisi, she looks so happy.
"Wow!! ma'am ibibigay niyo po ito sa akin?" tanong niya habang ngumingiti parin.
"Yeah."
"Mahal to ha, thank you po ma'am!!" lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.
"Yeah, you're welcome." walang emosyon kong sambit, niyayakap niya parin ako.
"Mabait ka rin po pala ma'am." ani Joan.
Seriously? I'm not, binigay ko lang naman yan kasi hindi ko naman gagamitin yan, sayang naman kung ididisplay ko lang yan sa loob ng cabinet ko, mahal pa naman, kaya ibigay ko na lang sa kaniya. Hindi ako mabait. Hindi ko nga siya niyakap pabalik eh, argh! Bakit may yakap yakap pa.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap at bigla niya akong ningitian ulit.
"Thank you po talaga ma'am." aniya
"Nga pala ma'am, pumapayag na po ba kayong umuwi kami ni mama?" tanong niya."Hm yeah, sure!" I said.
"Talaga ma'am?" ani nanay ni Joan na ngumingiti.
"Oo naman."
"Salamat talaga ma'am." pagpapasalamat niya.
Nang makaalis na sila ay ibibigay ko na rin ang sahod nilang mag-ina, alam ni Lola na mag-ina sila pero ako lang hindi dahil wala akong pakealam, hindi ko nga alam na mag-ina sila eh.
Sinabi sa akin ni Helena, ang mama ni Joan, na magkasing edad lang kami ng anak niya. Yeah Joan is 18 years old, 16 years old siyang magsimulang maging maid, nung nasa Cebu pa kami ay iniwan ni Lola Tiana kay Helena ang bahay na ito para bantayan niya, si Helena kasi ang loyal maid ni Lola and sinabi niya rin na nagpaalam din siya nun kay Lola kung pwedeng manilbihan yung anak niya bilang kasambahay, kaya pumayag na lang si Lola. Mayaman man kami pero wala kaming securities, may kotse sa garage pero hindi nagagamit kasi walang driver, may maids pero dalawa lang, it's Joan and Helena, mag-ina pa talaga.
Alam din ni Lola na uuwi ang mag-ina sa probinsya nila dahil kay Lola sila unang nagpaalam, at sunod sa akin na dahil ako ang maiiwan dito sa bahay.
Kaya pala tinanong ako ni Lola kung kaya kong manirahan dito ng mag-isa kasi alam niya pala na aalis din sila Helena at Joan.I'm all alone.
Walang kasama
Walang kausap
Walang nagmamahal.
End of Chapter 11
Tysm!
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...