Chapter 8: Hate SchoolNang makaalis na si Lola sa kwarto ko ay iniwan niya ang isang kumpol ng mga red roses sa gilid ng kama ko, sinabi niya rin sa akin na nalalapit na ang pasukan argh! School days na naman ba? Nakakainis, ayaw ko mag aral pero wala naman akong magagawa kasi si Lola ang nagsabi na kelangan ko mag aral hays, wala naman akong bullies pero ayaw ko lang talaga mag-aral, gaya nga ng sabi ko ayaw ko sa mga lugar na matatao, gusto kong nasa bahay lang ako, nasa loob ng kwarto nagkukulong at walang kinakausap na mga tao.
At ito na nga mag 4th year high school na ako sa paparating na pasukan. Sa Cebu rin kasi ako nag-elementary, hanggang sa nag third year high school, and now dito na ako ngayon mag aaral, wew transferee. Argh! I hate school. I hate people.Kinuha ko ang kumpol ng red roses sa gilid ng kama ko at bumaba ng kwarto, nakita ko si maid Joan na nagwawalis kaya tinawag ko ito at lumapit naman siya.
"Bakit po ma'am?" tanong niya, kaya iniabot ko naman ang mga rosas sa kaniya at kinuha naman niya yun.
"Sa'yo na yan." malamig kong sabi at umalis na.Hapon na at nasa kwarto pa rin ako, medyo nab-bored na rin ako pero ayos lang mas gusto ko naman dito, nakadapa ako ngayon sa kama ko, at nanonood ng movie sa laptop ko, pati palabas boring argh!!!
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Joan."Oh anong kailangan mo?" tanong ko sabay taas ng kilay ko, at sinara ang laptop ko, "Next time kumatok ka kung papasok ka ah." sabi ko at inirapan siya. Tsk!
"Ma'am ready na po ang merienda sa baba." saad niya at lumabas ng kwarto ko.
Joan is one of Lola's maids, dalawa lang din naman ang maids ni Lola ewan ko ba bakit dalawa lang kinuha niyang maid, eh pwede namang tatlo o lima, para hindi naman napapagod ang dalawang maids dito. Yung isang maid may katandaan na rin yun nasa 40's na ata yun, siya yung sinungitan ko nun, pa'no ba naman si Lola lang binati ng welcome back hays!! But actually, Joan is actually a teen, I think nasa 18 or 19?kasing edad ko lang naman ata. Si Joan ay laging nakabun ang buhok, maputi ang kanyang balat, may tinataglay din naman siyang kagandahan, manipis din ang mga labi nito, singkit ang mga mata nito, payat siya at matangkad pero mas matangkad naman ako sa kaniya.
Habang kumakain ng merienda ay bigla akong nabulunan ng napansin ko na kanina pa nakatingin si Joan sa akin habang kumakain, teka isa sa ayaw ko yung tinitingnan ako habang kumakain ah.
"Tubig ma'am." sabi ni Joan sabay abot ng tubig sa'kin at ininom ko yun at pagkatapos nun ay tiningnan ko siya ng masama. "Sa susunod wag mo rin ako tititigan pag kumakain ako." sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa kinakain kong pasta.
Kinagabihan nasa kwarto na naman ako, nakahiga ako ngayon sa kama habang nakatingin sa kisame, naalala ko yung sinabi ni Lola na malapit na ang pasukan, pa'no kaya kung kausapin ko si Lola na paaralin din si Joan?
Pero baka hindi pumayag si Lola kaya wag na lang.Biglang may kumatok sa pintuan at pumasok si Joan na may dalang isang baso ng gatas.
"Ma'am Celeste, gising ka pa ba? Ito na po yung gatas niyo." wika niya at nilagay yun sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko.
"Ikaw na lang uminom niyan." I said.
"Ayaw niyo ba?" she asked, dahan dahan akong bumangon, tumango ako sa kaniya na nakahalukipkip.
"Ipapainom niyo ito sa akin?" she asked again and I nodded, mabilis na akong humiga sa kama at nagtalukbong.
"Good night, ma'am Celeste." she said
Kinaumagahan ay kumain na ako ng almusal, naligo, at nagbihis, I'm wearing off shoulder top again, this is actually my favorite top, nagpantalon na rin ako at rubber shoes rin, and of course my shoulder bag, nakalugay lang ang buhok ko ngayon. San pa nga ba ako pupunta?edi sa Mall. Kailangan ko kasing mamili ng mga gagamitin ko para sa paparating na pasukan. Nang makalabas na ako sa gate ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang golden retriever na lumabas sa kabilang gate. Kung minamalas ka nga naman! Bigla itong lumingon sa akin kaya yung puso kong mabagal lang sa pagtibok kanina ay bigla na lang bumilis, gusto ko tumakbo papasok sa gate ng bahay namin pero baka bigla akong kagatin at magkarabies pa ako. Nang makita kong papalapit ito sa akin at napapaatras ako, Celeste kalma, kailangan mo kumalma, gaya ng sabi nila you need to face your fear.
"Shoohh! shoohh! Alis alis!." sabi ko habang umaatras parin ako lumalapit parin ito sa akin, "Huwag kang lalapit sa akin please, huwag mo akong kakagatin." saad ko na parang maiiyak na hindi ko alam pero this creature is actually my fear.
"Lumayo ka please!" sabi ko sabay taboy sa asong papalapit sa akin nang bigla itong tumahol, "No stop! Please! Leave me alone!" sigaw ko at bigla na lang napayuko para takpan ang tainga ko, takot ako sa aso lalo na kapag tumahol na ito. When I was in States someone gifted me a golden retriever dog, it was damn cute but I hate it!
The way it licks your face, argh! Gross! Nagsimula akong matakot nito nung nasa America pa ako, yung aso kasi na niregalo sa akin ay laging kinakagat laylayan ng damit ko at hindi inaalis, natakot ako nun baka kasi ako yung kagatin eh, umiyak ako nung ginawa ng aso yun, nang malaman yun ng Ina ko ay ipinamigay niya yung aso na yun.Patuloy parin ito sa pagtahol, ako naman ay nakayuko parin at tinatakpan ang magkabila kong tainga.
"Leave me alone!" sigaw ko.
"Kiam stop it! Come here!" boses ng lalaki ang naririnig ko kahit nakatakip ang magkabila kong tainga.
Nang marinig ko ang boses ng lalaki na yun ay tumigil na rin ang aso sa pagtahol, inaalis ko na ang mga kamay ko sa magkabila kong tainga at nang iniangat ko ang ulo ko sa pagkakatungo nito ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng blue cap, naka black t-shirt ito at faded blue jeans, nakaside view ito sa akin at hinahaplos nito ang ulo ng aso. Biglang kumunot ang noo ko nang mapansin kong familiar ang lalaking ito sa akin. Teka! Siya yung lalaking nakita ko nun sa labas ng Cafe at yung sinampal ko kahapon. Anong ginagawa niya dito?
End of Chapter 8.
Thank you.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...