Chap 40: Celeste
-Sally POV-
Flashback
Naglalakad ako nun sa labas ng hospital nang bigla kong makita ang ex boyfriend ko, ang ama ni Celeste.
Bakit sa dinami dami ng lugar dito sa mundo dito ko pa siya makikita?"Oh Sally kumusta kana? Nandito ka rin pala sa US? What a coincidence love, I didn't know na nandito ka rin pala." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nanganak ka na ba? Seriously Sally? I can't believe kaya mong ipalaglag ang anak natin!" he said kaya mabilis ko siyang sinampal ng malakas at tumakbo para umalis. Wala siyang alam!
I can't believe na makikita ko siya dito sa US. Pumunta na nga ako dito sa States para makalimutan yung ginawa niya sa akin sa Pilipinas. Pero hindi ko pala kayang kalimutan lalo pa naisilang ko na ang anak namin
-Another Flashback of Sally-
-Pilipinas -
Nung high school ako ay nagkaroon ako ng boyfriend dito sa Pilipinas, he's handsome, matangkad siya inosente at ang amo ng mukha nito. Mayaman ako at siya ay hindi masyadong mayaman, lahat ng material na bagay ay hinihingi niya sa akin kaya binibigay ko naman sa kaniya dahil mahal ko siya, hanggang sa umabot ang point na iba na ang hinihingi niya sa akin.
Niyaya niya akong pumunta sa isang bar dahil gusto niya raw na makipag-date sa akin, at pumayag naman ako dahil lahat ng bagay na hihiniling niya at hinihingi niya ay agad kong binibigay, ganun ko siya kamahal. Kahit na dapat nag-aaral ako nung gabing yun ay hindi ko na nagawa dahil na rin sa boyfriend ko.
He forced me to wear revealing clothes, like mini skirt, strapless top na halos kita na ang dibdib mo, kitang kita ko yung pagtitig niya sa akin while drinking his alcohol. Hindi ko alam pero nung mga oras na yun ay alam kong lasing na lasing na siya.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko at hinila ako sa isang lugar dito sa bar, isang kwarto.
Alam ko kung gaano ko siya kamahal pero hindi ko kayang ibigay yung isang bagay na dapat sa isang asawa lang ibinibigay.Nang makapasok kami sa kwarto na yun ay agad niya iyon ini-lock at hindi ko alam pero sobrang takot na takot ako sa gabing yun, ibang iba siya hindi ko alam kung bakit nagkakaganun siya, gusto ko nun buksan ang pinto pero hindi ko yun mabuksan. Gustong gusto ko lumabas nung mga oras na yun.
Alam kong wala siya sa katinuan niya dahil lasing siya pero hindi niya dapat to ginagawa sa akin. I'm still her girlfriend pleaseeeee.
Habang pinipilit na buksan ang pinto ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila, naramdaman ko din ang malakas na pagtulak niya sa akin sa kama. Umiyak ako nang ginawa niya yun akin. Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko magawa dahil na rin sa pagpatong nito sa katawan ko. Gusto ko umalis dito.
Mama I'm sorry.
Nanghihina na rin ako dahil sa ginawa niya, hinayaan kong baboyin niya ako, wala akong nagawa, baka saktan niya ako.
******
"Bakit ka nagsusuka?" tanong ni mama Tiana sa akin nang makita niyang nagsusuka ako sa sink.
Dahan dahan akong lumapit kay mama nang maluha luha.
"Ma, buntis ako." sunod sunod na luha ang tumulo nang sabihin ko yun kay mama, at naramdaman ko din ang malakas na pagsampal niya sa pisngi ko, sinabunutan rin ako ni mama nang matapos niya akong sampalin, hindi ko sinabi sa kaniya na ginahasa ako ng boyfriend ko dahil kahit ganun yung nangyari mahal ko parin siya, at ayaw kong makulong siya. Gusto ko malaman niya na buntis ako.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...