Chapter 28

10 1 0
                                    

Chap 28: Hush

- CELESTE POV-

"Ayaw mo ba talaga manood ng sine with me mamaya?" she said while pouting her mouth, kainis babae na toh parang bata, feeling close masyado eh.

"Ah hindi, ayoko, uuwi na ako masama kasi pakiramdam ko" pagsisinungaling ko sabay hawak ng temples ko, sana naman gumana ayoko talaga sumasama sa hindi ko naman masyadong kilala at close.

"Sige na nga, sorry talaga uuwi ka na ba?" tanong niya tumango na lang ako.

"Sige na nga sana next time kapag hindi na masama pakiramdam mo pwede na tayong manood ng sine." she said, ewan ko sa babae na to feeling close talaga masyado eh nakakainis.

Nasa exit na kami ng mall at tumawag na rin ako ng taxi paglabas kasi gusto ko na umuwi.

"Bago ka umalis at pumasok sa loob, pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" nakangiti niyang sabi, gusto niya talaga malaman pangalan ko hays sige sasabihin ko na para hindi na mangulit.

"Celeste." tipid kong sabi at pumasok na sa loob.

"Celeste? Ingat ka Celeste! See you tomorrow!" kaway niya sabay ngiti pero hindi ko na lang siya pinansin.
Mabait siya pero hindi ko mapigilang mainis kasi masyado siyang makulit at feeling close argh!!

Nang makarating ako ng bahay at ay naligo ako at nagbihis, I'm wearing my terno pajama, mabuti na lang wala dito ang tukmol, walang eepal sa gabi ko.

Makalipas ang mga ilang minuto ay humiga ako sa kama ko pinagmamasdan ko ang kisame.

Ito na naman ang feeling na nag-iisa ako, sumisikip na naman ang dibdib ko, nilalamig ako at parang nanginginig, bakit lagi ko'tong nararamdaman? Bakit ang sikip sikip ng dibdib ko? Bakit ako naiiyak?
Damn, I'm feeling empty. Sadness is killing me, gusto ko na makaramdam ng saya kahit minsan lang pero bakit hindi ko maramdaman? Bakit ang sikip sikip ng dibdib ko?

Nang pumikit ako ay nagsimula nang bumuhos ang mga luha ko. Gusto ko na maging ok, gusto ko na sumaya, gusto ko na makaramdam ng saya. Gusto ko na makalimot sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

God help me.

Idinilat ko ang mga mata ko at bumangon ako at naupo sa kama ko, hindi ko parin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko, bawat hikbi ay sumisikip ang dibdib ko.

Ngayon ko lang naramdaman ito, malakas ang pag-iyak ko, hindi tumitigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Niyayakap ko ang sarili ko. Ang lungkot lungkot ko, hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako maging malungkot. I want to be okay.

Tumayo ako at kumuha ng jacket, lumabas ako ng bahay at naupo ulit sa gutter, isinuot ko ang jacket ko dahil sa lamig na nararamdaman ko pero hindi parin ito nawawala, patuloy parin ako sa pag-iyak, niyayakap ko ang sarili ko, I want someone to hug me. Ang sakit sakit ng puso ko, hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako.
I really want to be okay, I'm so tired.

Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko at sumigaw ng malakas, wala akong pakealam kung maririnig nila yun, hindi ko na kaya, nahihirapan na ako, sumigaw na ako pero hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Nababaliw na ba ako? Patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Celeste!"

Malakas parin ang pag-iyak ko, bumubuhos parin ang mga luha ko at hindi nawawala. Narinig ko din na parang may tumawag sa pangalan ko? Sino yun?

Dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa magkabilang tainga ko at dahan dahan ko ring iniangat ang ulo ko and then I saw Zephyr, nakatayo siya at kitang kita ko yung mukha niyang nag-aalala. Umiiyak parin ako habang nakatingin sa kaniya. Kitang kita ko rin na unti unti siyang humahakbang palapit sa akin. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo ko sa gutter, hindi ko alam pero tumakbo ako palapit sa kaniya at bigla ko na lang siya niyakap.

I hate him but I hate myself for hugging him, alam kong hate ko siya pero hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya, hindi niya ako niyayakap pabalik pero wala akong pakealam. Idinikit ko ang mga mukha ko sa dibdib niya at dun ako umiyak nang umiyak, hindi ko parin inaalis ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Zephyr's POV:

Kakauwi ko lang ng bahay at pagdating ko ay ipinasok ko na agad ang sasakyan ko sa garahe namin, pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko para maligo at magbihis, kailangan ko kasi puntahan ngayon si Celeste, gaya ng sabi ko babantayan ko siya, ayaw ko kasing may mangyaring masama sa kaniya lalo pa babae siya at mag-isa lang siya sa bahay nila, iniingatan ko siya't lahat lahat, makita ko lang siyang umiiyak natataranta na ako. Damn Celeste, you're driving me crazy.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa bahay namin, nagulat ako nang marinig ko ang ingay sa labas. Damn, that's Celeste's voice. Bakit siya sumisigaw? Kinakabahan ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong lumabas sa gate ng bahay namin at nakita ko siyang nakaupo sa gutter, she's sobbing.

"Celeste!"  tawag ko sa pangalan niya,  Bakit siya umiiyak?anong nangyari?who the hell hurt her? Damn.
Bawat tunog ng hikbi niya ay nakakapanghina sa akin.

I hate seeing her cry.  It makes me feel so vulnerable, like I'm the one who's broken.  I want to shield her from all pain.

Nang tawagin ko siya ay dahan dahan niyang inalis ang mga kamay niya sa magkabilang tainga niya, inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.

Damn it!
The sight of her crying makes me want to cream.

Unti unti akong humahakbang palapit sa kaniya, nakita kong dahan dahan siyang tumayo at tumakbo palapit sa akin, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Hindi ko alam pero para akong nakuryente nung naramdaman kong yakapin niya ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya niyayakap pabalik dahil hindi parin ako makapaniwala na niyakap niya ako, hindi ko magawang igalaw ang katawan ko at ang braso ko, nagulat din ako nang maramdaman kong idinikit niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko, umiiyak siya dun, she's still hugging me. Hindi ko mapigilang mapangiti, kaya niyakap ko siya pabalik, sobrang higpit, magkayakapan kami ngayon. Tuwang tuwa akong niyayakap siya dahil niyayakap niya rin ako. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa isang mata ko.

"Shhh tahan na please, my heart aches with every tear that falls from your eyes."

I hate seeing her cry because it reminds me of how much I love her.

END OF CHAPTER 28

TYSM!💝

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now