Chapter 10

11 1 0
                                    

Chap 10: I've never seen your smile

Pagkatapos kong mamili ng mga kagamitan para sa school at iba pang mga gamit ay agad akong pumunta ng cafe, iilan lang din naman ang mga tao dito kaya pumasok na lang ako and ganun parin, umorder ako ng matcha, I like it! It's good, hindi naman lasang damo, pauso kayo.

Nagulat ako nang may umupo sa harapan ko while drinking my matcha, he's staring at me. Argh!

"Hi Celeste." bati niya sabay ngiti, kaya bigla ko siyang nabugahan ng iniinom kong matcha, deserved!

"Celeste naman, ang sama mo talaga." he said while wiping his face with his handkerchief. Wow prepared!! may panyo na agad.

"So what are you doing here?" I asked and raised my eyebrow.

"I saw you here." He said.

"Then?" nakataas parin ang kilay ko.

"Lumapit ako sa'yo at umupo dito." saad niya

"So you followed me?" I asked at bahagya siyang umiling.
"Liar." sabi ko.

"My dad own this cafe," aniya, nalaglag panga ko sa sinabi niya, nilibot ko ang tingin ko sa malaking coffee shop na ito, malaki ito brown at puti ang dingding nito, may malaking chandelier sa kisame nito, marami rin silang barista, puro babae at iilan lang ang lalaki.
"So you love matcha huh?" he asked na parang nandidiri ang mukha.
Agad akong tumayo sabay sabit ng shoulder bag ko, hindi na ako tumingin sa kaniya,

"Uuwi ka na ba?" He asked pero hindi ko siya sinagot kaya umalis na lang ako. Ang daldal niya.

Paglabas ko ng Cafe ay nagulat ako nang biglang may kumuha ng tatlong paper bags sa kamay ko.

"Let me bring these" sabi niya, nasa harapan ko na siya"I'll take you home." aniya at ngumiti pero tumingin lang ako ng masama sa kaniya. "No!" pagmamatigas ko. "Akin na yan!" sabi ko sabay kuha ng mga paper bags na kinuha niya sa akin.

"Mag-tataxi ako hindi ko kailangan ng pa gentleman mong acting!" sigaw ko sa kaniya pero sumeryoso ang mukha niya. "Anong sinasabi mo?" tanong niya pero seryoso parin ito. "Kaya kong umuwi mag isa ok?" saad ko pero kinuha niya ulit yung mga paper bags sa akin, "Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita." aniya at lumakad na ito papunta sa Blue BMW niya na kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto pero tinitingnan ko parin siya ng masama.

"Pumasok ka na, ihahatid kita." aniya, pero hindi parin ako pumapasok sa kotse niya, bahala siya.

"Celeste ihahatid na kita wag kana makulit at tama na yang kakatitig mo sa akin ng masama." aniya pero tinitingnan ko parin siya ng masama, nakahawak parin siya sa pinto ng front seat hinihintay ang pagpasok ko, sa loob, hell nah! "Try to smile sometimes." wika niya at inilagay ang mga paper bags sa front seat at isinara ang pintuan ng kotse niya. Lumapit siya sa akin. "Simula nung mga bata pa tayo lagi ka na lang ganyan tumingin sa akin, try to smile sometimes, I've never seen you smile." aniya, so what?hindi naman ako palangiti eh, kahit si Lola nga at Yaya Amy hindi ko ningingitian.

"Kung ayaw mong magpahatid sa akin, hayaan mo na lang na ako ang magdala ng mga yun para hindi ka na mahirapan at mabigatan, hindi kita pipilitin na ihatid ka Celeste, kasi ayaw mo naman, pero magiingat ka sa paguwi." he said with a serious face at umalis na para pumasok sa kotse.

Nang makarating ako sa bahay ay tumambad na lang sa akin ang isang pamilyar na lalaki na kumakain ng pakwan sa salas, nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako, kumaway pa siya sa akin pero napailing na lang ako, tsk! Feeling close, pumunta na lang ako sa kusina, at kumuha ng tubig, isinalin ko ang tubig ng pitsel sa baso at ininom yun, pagkatapos nun ay biglang dumating ang piste at uminom din ng tubig aba! yung baso ko yung ginamit niya. Yuck!

Nakatingin lang ako sa kaniya kahit nandididri ang mukha ko. Tiningnan niya ako at nilagay ang baso sa mesa.

"Oh? anong problema? may dumi ba sa mukha ko?" tanong niya habang nakakunot ang noo, I sighed and tumingin naman ako sa kaniya ng masama. "Ikaw lalaki ka, ang daming baso dito bakit yung akin yung ginamit mo, ugali mo ba talagang mameste ha?"

"Grabe ka naman, mameste agad nauuhaw lang naman ako, huwag kana kasing magsungit dyan." aniya.
"Ah Joan, salamat pala sa watermelon ah!" sabi nito at ningitian si Joan, napangiti naman si Joan sa kaniya.

"Ang cute niya noh? dapat ikaw nakangiti ka rin para cute ka." aniya na nakangiti at tinataas taas ang dalawang kilay, kairita.

"Whatever!" sabi ko pero aalis na sana ako nang naalala ko na nasa kaniya pala yung mga pinamili kong mga gamit kanina sa Mall.
"Ah hey, nas'an pala yung mga pinamili ko kanina?" tanong ko sa kaniya.

"Ah ma'am nasa kwarto niyo po nilagay ko na dun" ani Joan na nakangiti "Sabi kasi ni sir Zephyr na pinamili niyo daw po yun kaya nilagay ko sa loob ng kwarto niyo, akala ko talaga ma'am mag isa kayong pumunta ng Mall kanina, kasama niyo pala si sir Zeph-"

"Oo mag-isa lang naman talaga ako, ano ba sabi sa'yo ng tukmol na'to?"

"Oo magkasama kami sa Mall kanina, sinamahan ko siya dun." ani Zephyr, kaya binalingan ko siya ng tingin at tiningnan ng masama, nasa tabi ko na siya ngayon kaya bigla ko siyang siniko.

Kitang kita ko yung ngiti ng tukmol na ito nung tiningnan ko siya, pero nung tiningnan ko si maid Joan ay hindi ko alam kung bakit nawala yung ngiti niya. I knew it. She likes Zephyr.
Wala naman akong pakealam kung gusto rin siya ni Zephyr, Joan is actually pretty and cute, and imposibleng hindi siya magkakagusto dito.

Kinagabihan habang kumakain kami ni Lola ay bigla itong nagsalita.

"Apo, nalalapit na ang pasukan at isang linggo na lang papasok ka na ng school." ani Lola.

"Alam ko naman yun Lola, namili na nga ako ng mga gagamitin sa school eh." saad ko.

"Kaya mo bang manirahan muna dito pansamantala habang wala ako?" tanong ni lola kaya tumigil ako sa pag kain ko at ibinaba ang kutsara at tinidor. "Bakit Lola? Aalis ka?" tanong ko kaya napatigil rin si Lola sa kinakain niya at tumango ito.

"Iiwan niyo rin ba ako Lola?" tanong ko.

"Hindi sa ganun apo, pupunta ako ng Tarlac para bisitahin yung nakakabata kong kaibigan dun, may sakit kasi siya at malala yung sakit niya, kaya kailangan kong bisitahin siya." ani Lola sa malungkot na boses, kaya tumango na lang ako at nagpatuloy sa kinakain ko.

"Naiintindihan ko lola." yun na lamang ang nasabi ko.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga ako sa kwarto ko at nanood ng movie, sinabi rin ni Lola sa akin na bukas ang alis nya papuntang Tarlac, at matagal pa siya makakabalik dito, hays mamimiss ko si Lola.
Mag-isa na lang ba talaga ako dito?

Pagkatapos kong magmuni muni ng ilang minuto ay humiga na ako sa kama ko at natulog ng may luha sa mata.

End of Chapter 10.

Thank you.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now