Chapter 39

2 1 0
                                    

Chap 39: Deceit

-3rd Person POV-

U.S

"Mabuti naman at gising ka na Ivy, ok ka na ba??" tanong ng isang lalaki na nakaupo sa sofa nang makita ang babaeng kakababa lang sa hagdan.

"Ivy? Really huh? Pwede bang itigil mo na ang kasinungalingan mo!" sigaw ng babae sa lalaki.

"What are you talking about honey?" malambing na tanong ng lalaki sa babae at lumapit ito sa kaniya.

"Hindi Ivy ang pangalan ko, and don't call me honey dahil kita asawa, hindi tayo ikinasal, hindi kita mahal! Niloko mo lang ako! naaalala ko na ang lahat Diego, niloko mo ako! Pinagsamantalahan mo ang pagkawala ng mga alaala ko para lokohin mo ako, hindi ako si Ivy! Ako si Doctora Sally G. Thimpson, hindi mo na ako maloloko ulit." matapang na tugon ni Sally sa lalaki at nagulat naman ang lalaki sa sinabi niya.

"What are you talking about hon?" natatawang tanong ng lalaki sa kanya. "You're Ivy! You're Ivy Sanchez you're my wife!"

"No!" sigaw ni Sally. "Tama na Diego, ayoko na gusto ko na umalis dito, babalik na ako ng Pilipinas!" dagdag ni Sally, akmang tatalikuran sana niya si Diego pero hinawakan siya nito sa braso at pinaharap sa kaniya.

"Hindi ka aalis! Dito ka lang!" sigaw ni Diego kay Sally.

"Bitawan mo ako!" kinuha niya ang kaniyang braso sa pagkakahawak ni Diego. "Ngayong bumalik na ang mga ala-ala ko hindi mo na ako kailanman maloloko, ilang taon mo akong niloko, ilang taon mong ipinaniwala sa akin na asawa mo ako kahit hindi!"

"Baka nakakalimutan mo, iniligtas kita nung naaksidente ka!
Binantayan kita ng maayos nung na-comatose ka tapos ngayon aalis ka ha?!" sigaw ni Diego, "Hindi ka aalis! Dito ka lang!" dagdag niya ulit.

"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw naman ni Sally kaya naman bigla siyang sinampal ni Diego ng malakas sa mukha. "Wala kang utang na loob!" sigaw ni Diego, napahawak si Sally sa kaniyang pisngi habang umiiyak ito.

-Sally POV-

Hawak ko ngayon ang pisngi kong sinampal ni Diego, habang umiiyak. Oo alam kong siya ang nagligtas sa akin noong naaksidente ako, pero hindi naman niya kailangang magsinungaling sa akin. Hindi porke nawala lahat ng mga ala-ala ko nun ay pwede na niya akong lokohin.

Flashback

Diego Sanchez was my bestfriend, siya ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan  dito sa US he's also a doctor. Lahat ng mga pinagdaanan ko ay alam niya, lahat ng sikreto ko ay alam niya. Siya ang palagi kong nasasandalan noon.

Nung mga panahon na pinauwi ko si Celeste sa Pilipinas ay lumapit ako sa kaniya dahil masakit sa akin na mawala sa tabi ko ang anak ko. Nakakausap ko dati ang anak kong si Celeste pero sandali lang din dahil na rin sa sobrang busy ko dito sa hospital.
Alam kong sobrang nalulungkot ang anak ko dahil wala ako sa tabi niya nung kailangan niya ako, wala ako para yakapin siya, halikan siya at alagaan. I'm sorry daughter. I'm sorry for everything, sana napatawad mo ako. Mahal na mahal kita anak.

It's been 5 months noon nang pinauwi ko si Celeste kasama si Amy, dala dala ko noon ang mga bagahe ko dahil balak ko na nun umuwi ng Pilipinas dahil na rin sa pangungulila ko sa anak ko, nakasakay ako sa Taxi noon pero ang hindi ko alam na lasing pala ang taxi driver at nakabangga kami ng malaking truck, hindi ko din alam nun kung buhay pa ang driver ng taxi, nawalan na rin ako ng malay hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa akin noon pero ang pagkakaalam ko critical ang naging condition ko at naapektuhan ang ulo ko, dahil ilang taon din akong na-comatose.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now