Chapter 12

9 2 0
                                    

Chap 12: Ice cream

Hapon na at nasa salas ako ngayon at nagmumuni muni nang biglang may kumatok sa pintuan. Teka. Sino yan? Bakit bigla na lang kumakatok sa pintuan? Nakasara naman ang gate sa labas ah. Mabilis akong umakyat ng kwarto ko para kumuha ng baseball bat, kung hindi ako nagkakamali magnanakaw to, pero bakit naman kakatok ang magnanakaw? Argh! Pahakbang na ako papuntang pintuan, hinawakan ko ang doorknob at binuksan ito akmang hahampasin ko na ang magnanakaw pero nanlaki ang mata ko nang makita ang tukmol na nasa harapan ko marumi ang suot nitong white t-shirt at nakablack pants siya, at may dalang hindi ko alam kung ano.

"Teka teka, ano yan?anong gagawin mo diyan, ang sama mo talaga, wag mong sabihing hahampasin mo ako niyan." sabi niya na parang takot na takot.

"Hahampasin talaga kita, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at ibinaba ang kamay hindi ko parin binibitawan ang baseball bat na hawak ko, "at pa'no ka nakapasok eh nakasara naman ang gate?" tanong ko ulit.

"Inakyat ko kasi, alam ko naman na kahit pindutin ko yung doorbell niyo hindi mo ako pagbubuksan ng gate kaya inakyat ko na lang." aniya at ngumiti, inirapan ko naman siya.

"Alis na, wala akong oras sa'yo!" akmang isasara ko na ang pinto pero tinutulak niya ito gamit ang siko niya ang lakas ng pwersa niya.

"Celeste please, gusto kitang bantayan dito, alam kong mag-isa ka lang." sambit nito.

"Alam ko, hindi mo kailangang ipamukha sa akin na nagiisa lang ako, na wala akong kasama na walang nagmamahal sa akin." sabi ko, huli nang maisara ko ang pinto dahil bigla na siyang pumasok ng mabilis sa loob. Kumunot ang noo ko.

"You're not alone, Celeste! I'm here."
saad nito.

"But I don't need you." sambit ko naman na walang emosyon, itinaas ko ang kamay ko na may hawak na baseball bat. "Umalis ka na, huwag mong hintayin na hahampasin kira nito"  dagdag ko pa.

"Sige." seryoso niyang sabi at lumapit siya sa akin napaatras ako ng konti.
"Hampasin mo ako Celeste, kung yun ang magpapasaya sa'yo, pero hindi ako aalis dito, gusto kitang bantayan, hindi kita pababayaan." seryoso parin ang mukha nito.

"Hindi kita kailangan Zephyr, hindi kita kailangan, umalis kana!" sigaw ko sa kaniya, mahigpit na ang pagkakahawak ko sa baseball bat.

"Please Celeste, hayaan mo naman akong bantayan ka." aniya, seryoso parin ang mukha niya.

"Hindi kita kailangan, Zephyr umalis kana!" sigaw ko.

"Hindi ako aalis sa tabi mo." aniya

"Hindi nga kita kailangan tama na!"
inagaw niya ang baseball bat na hawak ko at nang makuha niya yun sa akin ay bigla akong nanghina, ang lakas niya, para niya rin akong hinila papunta sa kaniya dahil magkadikit na ang dalawang kamay ko sa dibdib niya, nakatitig naman ako sa mga mata niya, nakatitig din siya sa mga mata ko. At sa pagkakataon na yun ay pareho kaming nakatitig sa isa't isa.

"Ang ganda."

Nang magsalita siya ay bigla akong lumayo sa kaniya, argh! Gross!
Pero teka lang ano yung sinabi niya kanina hindi ko narinig.

"Umalis kana." sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Ang kulit mo talaga, basta hindi ako aalis dito." sabi niya at nilagpasan ako, pumunta siya ng dining table, at inilapag ang isang supot dun na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Halika na kumain ka muna dito." sabi niya at napalunok ako nang  inilabas niya ang iba't ibang klaseng flavor ng selecta ice cream. Kumuha din siya ng maliit na bowl at kutsara dun sa kusina at bumalik ng dining table, nakita kong binuksan niya yung tupperware ice cream, kinuha niya rin yung scoop ng ice cream at inilagay yun sa munting bowl na kinuha niya sa kusina. Umiwas ako ng tingin ng bumaling siya sa akin.

"Ayoko, hindi ako nagugutom." pagsisinungaling ko dahil sa totoo lang favorite ko ang ice cream, pero ayoko kainin yun, naiinis ako sa kaniya, hindi ko siya gusto.

"Ayaw mo?" he asked, nanatili pa rin akong nakatitig sa sahig dahil ayokong tumingin sa mga ice cream at lalo na sa kaniya.

"Everyone wants ice-cream, Celeste." he said.

"So what? except for me, I don't like it." pagsisinungaling ko, argh I want ice cream, narinig ko rin na ang yapak niyang papalapit sa akin.

"Lumayo ka sa akin." sabi ko pero nagulat ako nang inabot niya ang ang  munting bowl na may lamang vanilla ice cream. Nakuyom ko ang kamao ko.
Hindi ko'to kaya tanggihan, I can never say no to ice cream. Oh please.

"Binili ko lahat ng iba't ibang flavor ng ice cream just for you, Celeste. Sayang naman kung hindi mo kakainin." he said and narinig ko rin na bumuntong hininga siya.

"Ayoko nga, lumayo ka!" sigaw ko,
gusto ko ng ice cream huhuhu.

"Ice cream is like a magic potion, capable of transforming frowns into smiles, worries into giggles. One scoop at a time, it reminds us to savor life's sweet moments and embrace the joy of simple pleasures." he said, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at tumingin ako sa kaniya,  hindi ko parin tinatanggap ang ice cream sa kamay niya.

"In short, ice cream can alter someone's mood." dagdag niya at bahagya siyang ngumiti, kitang kita ko na naman ang dimple niya.

Dahan dahan kong tinanggap ang munting bowl na yun dahil baka matunaw pa ang laman neto, wala akong pakealam sa pinagsasabi niya basta gusto ko ng ice cream, nang makuha ko yun ay agad akong tumakbo paalis at umakyat ng kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ay sinara ko ang pintuan at naupo sa sahig, napasandal ako dun sa pinto ng nagsimulang kumain ng ice cream. Naramdam ko rin na biglang tumulo ang luha ko habang kumakain nun.

Ice cream can alter someone's mood huh?

End Of Chapter 12.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now