Chapter 16

13 1 0
                                    

Chap 16: First Day

Kinaumagahan pagbaba ko ng kwarto ko ay nakita ko na lang ang mga pagkain nakahain sa dining table.
Nakita ko din si Zephyr na nagtitimpla ng kape. Umupo na ito at biglang tumingin sa akin.

"Good morning!" bati niya at ngumiti, "Let's eat?" aniya at lumapit ito sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papuntang dining table, nang makapunta kami ng dining table ay binitawan na niya ang kamay ko, hinila niya ang upuan dun.
"Maupo ka na." aniya, nakakainis ito na naman yung mga kulisap sa tiyan ko, di na bale gutom lang ata ako. Nang maupo ako ay sinimulan ko na kumuha ng plato at naglagay ng kanin dun, naglagay din ako ng isang hotdog at bacon. Napansin ko din na madami siyang inihandang pagkain, mabuti pa siya marunong magluto.

Habang kumakain ako ay napapansin kong nakatitig siya sa akin habang humihigop siya ng kape niya, anong problema niya? Kumunot ang noo ko, may muta kaya ako sa mga mata ko?

"Alam mo bang nawawalan ako ng gana kumain kapag tinitingnan ako?" sabi ko habang kumakain hindi ako nakatingin sa kaniya.

"Sorry ang ganda kasi." aniya at natigilan ako sa pag kain ko, dahan dahan lang ako sa pagnguya at tiningnan ko siya, kumunot ang noo ko.

"A-ang ibig kong sabihin ang ganda ng
kutsara!" he blustered nakita ko rin na kumuha siya ng kutsara. "Oo, ang ganda ng kutsara!" sabi niya na nakangiti, what the fudge he's so weird. Nagpatuloy na lang ako sa sa kinakain ko.

"Ah Celeste sorry pala kahapon." aniya.

"Ok lang wala naman akong pakealam sa'yo." sabi ko kahit hindi ko naman alam bakit siya nagsosorry.

"Grabe ka naman, ang sungit mo talaga, sana naman bumait ka na, at sana kahit minsan lang makita ko na ngiti mo." aniya pero hindi ako tumitingin sa kaniya patuloy parin ako sa kinakain ko.

"Sorry talaga kung nagalit ako sa'yo dahil sa suot mo kahapon." aniya, wow buti naman nags-sorry siya.

Bakit naman siya galit kahapon dahil sa suot ko? ang kapal talaga ng mukha akala mo talaga kung sino para magalit eh.

"Ayaw ko lang na lumalabas ka ng ganun ang suot mo kasi ayokong mabastos ka." napatingin ako sa sinabi niya, seriously?

"Hindi naman ako nabastos kahapon ah!" I blustered.

"Kahit na, basta hindi ko gusto na nagsusuot ka ng ganun."

"Wala ka nang pake dun ok? Kung ano man ang suotin ko wala ka nang pakealam, doon ako komportable!" sabi ko at tumayo na para umalis, nakakainis siya, lahat na lang ng bagay pinapakealaman, bakit kasi hindi na lang siya umalis dito at umuwi sa bahay nila, bakit kasi nandito pa siya? Hindi ko naman siya kailangan. Epal lang siya sa buhay ko.
Nakikita ko palang siya naiinis na ako, sa tuwing pinapakealaman niya ako mas lalo lang lumalala pagka hate ko sa kaniya, sinisira niya lagi araw ko. I really hate him. I hate him so much! I hate him.

Pero...

Naisip ko na kahit hate ko siya gumagaan ang pakiramdam ko pag niyayakap niya ako, nawawala ang bigat ng loob ko sa tuwing ginagawa niya yun. Kahit na ang sungit ko sa kaniya, nagiging mabait pa rin siya sa akin. Pero bakit ba ang bait niya sa akin? Mabait ba siya sa akin dahil kaibigan siya ni lola? O sadyang mabait lang talaga siyang tao.

Lunes na at pasukan na hindi ko alam pero kinakabahan ako. Naligo na rin ako at kumain, sandwich lang na nilagyan ng lady's choice hindi pa rin kasi ako marunong magluto at isa pa tulog pa yung tukmol sa sofa ewan ko ba kung anong grade niya hindi ko din naman natanong kasi wala akong pakealam sa kaniya, alam niya kayang pasukan na? sa totoo lang para ko na siyang personal guard dahil sa kakabantay niya sa akin dito sa bahay, pero hindi parin naman nagbabago ang lahat I still hate him. Hindi pa naman ako nagsuot ng school uniform kasi nga transferee ako, I'm wearing white puff sleeves and blue jeans, at tote bag na rin.

Umalis na ako ng bahay at iniwan ang tukmol na yun na natutulog sa sofa bahala siya. Sumakay na lang ako ng taxi para makarating ng school medyo malayo din kasi ang school eh.
Hinanap ko na rin ang section ko and it's section tulip.

Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay umupo na agad ako and I chose to sit in the back and it is near the window, hindi ko mapigilang mamangha, maganda kasi ito at malinis, brown ang dingding at puti naman ang kisame nito, the room is filled with rows of student desks, the desks are made of light colored wood with metal frames and each desk has a matching chair, also with a metal frame, a large green chalkboard dominates the front of the room, and a small desk at the front of the room, likely for the teacher, also a large windows provide natural light, suggesting a bright and airy and a clock on the wall.

Napatingin ako sa upuang nasa tabi ko sino kaya ang makakatabi ko dito?
Medyo konti palang ang mga estudyanteng nasa loob nito at yung iba may sariling upuan na, naguusap sila, napansin ko din na yung iba nakatingin sa akin at nagbubulongan.
Ano naman kayang problema nila sa akin? Nilagay ko muna ang tote bag ko sa upuan ko, at tumayo. Gusto kong lumabas muna. Nang malapit na ako sa exit ay nagulat ako nang mabangga ako ng isang lalaki, napaupo ako sa sahig ng mabangga ako nito, aray ko! argh this is the reason why I hate boys! tumatakbo kasi hindi man lang alam pa'no maglakad, tapos sa exit pa talaga papasok baliw ba siya?

"Hey miss, I'm sorry." tsk! hindi ko makakain yang sorry mo bwiset!
Tumayo ako at nang makatayo ako ay nagkatinginan kami masama ang tingin ko sa kaniya siya naman ay nakakunot ang noo, he's wearing an eyeglasses, itim at magulo ang buhok nito, matangkad, oo may hitsura siya pero ang tanga niya bakit sa exit papasok?hindi ba siya nagbabasa ng sign?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ."Are you new here?" he asked, pero inirapan ko lang siya at hindi sinagot, akmang lalagpasan ko na siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko, mahigpit ang pagkakahawak niya nito at hindi ko alam pero nasasaktan ako, anong problema niya? Aray!

"Aray! Bitawan mo ako!" I blustered pero napansin ko na yung ibang estudyante sa loob ay napatingin sa amin, ano ba first day palang nasisira na agad araw ko.

"You're rude miss, tinanong kita kung bago ka lang dito pero bigla mo ako sinungitan at tatalikuran ha? do you know that is disrespectful to me, huh?" malamig niyang sambit, hindi niya parin binibitawan braso ko.

"Bitawan mo ako!" sabi ko habang pilit na inaalis braso ko sa pagkakahawak niya. "Nasasaktan ako ano ba."

"That's your punishment."

"Bitawan mo ako ano ba!" sigaw ko sa kaniya, napansin ko rin na madami na ring humihinto sa paglalakad sa hallway dahil pinagtitinginan nila kami, pati na rin ang mga estudyante sa loob ng classroom ay nakatingin sa amin.

"Hala sino ba yang babae na yan at bakit niya sinisigawan ang SSG President?"

"Mukhang bago lang siya dito ah."

"Akala mo kung sino para sigawan ang SSG President ang kapal ng mukha."

Mga linyang naririnig ko sa hallway, so he is a SSG president huh?so what?wala akong pakealam! kahit siya pa ang presidente ng bansang ito.

"Bro stop, let her go!" pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko at nasa likuran siya ng lalaking nakahawak sa braso ko, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin at sa braso kong hinahawakan ng president.

End Of Chapter 16.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now