Chapter 48

4 1 0
                                    

Chap 48: Where are you

-Carl Romero POV-

Hindi ko talaga alam kung bakit ang seryoso ng mukha ni Zephyr ngayon habang nakatingin sa akin, tumingin din siya sa kamay kong nakahawak sa braso ng magandang dilag na'to na hindi ko alam kung ano ang pangalan, agad ko yun binitawan.

"Yo Zephy!" bati ko sa kaniya at kinawayan siya pero seryoso parin ang tingin nito sa akin. "May problema ba bro?" tanong ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" malamig nitong tanong sa akin, kumunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong ginagawa ah.

"Huh? Ano ka ba bro wala naman akong ginagawa eh! Ikaw talaga!" natatawa kong sabi.

"Pinaiyak mo ba siya?"

Hala putcha naman! Kanina si Pres sinisisi ko sa pagpapaiyak dito kay Miss beautiful eh tapos ngayon ako sisisihin ni Zephyr aba naman! Hahaha.

Umiling ako at tumawa. "Ano ka ba naman bro! Bakit ko naman siya paiiyakin? Hindi naman ako nag-paiyak dito kay miss beautiful eh." sabi ko humakbang ako papunta sa tabi ng babae at tumingin ako sa kaniya, napatingin ako sa kaniya at basa parin ang mga mata nito at isa pa nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin.

Nang tumingin ako kay Zephyr ay napansin ko ang pagkuyom niya sa dalawang kamao niya, ano bang problema niya?

Galit ba siya?

"Tinatanong kita ng maayos Carl." seryosong sambit niya kaya agad naman akong tumikhim.

"Ok bro let me tell you the truth ok?
Ang totoo niyan pumunta ako sa classroom niyo para puntahan si Nathan, tapos bigla ko na lang nakita na umiiyak itong si Miss Beautiful, akala ko nga pinaiyak siya ni Pres eh pero hindi pala, kaya nung nakita kong lumabas si Miss Beautiful nagulat ako kasi parang mawawalan na siya ng balanse kanina and I helped her, actually hindi ko alam nun na nilalagnat pala siya kaya balak ko nga sana siya ngayon ihatid sa Clinic." seryoso kong sabi kay Zephyr.

Nakita kong tumingin siya kay Miss Beautiful at seryoso parin ang mukha niya.

"Celeste may lagnat ka?" seryoso nitong tanong kay miss beautiful pero  nakita kong tumingin ito kay Zephyr at hindi sumagot, agad din niyang niyuko ang kaniyang ulo.

Teka.

Celeste? Hala putcha naman ang ganda ng pangalan niya.  Celeste pala ang ngalan niya, parang narinig ko na ang pangalan na yan pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko narinig. Ang ganda ng pangalan niya bagay na bagay sa kaniya, kasing ganda niya.

"Celeste pala ang pangalan mo ang ganda naman, bagay na bagay sa'yo." I smiled, pero tumingin na naman ulit siya sa akin na nakakunot noo. Napapansin ko din na parang nanginginig siya.

Shit. She's cold.

-Celeste POV-

Hindi ko alam pero kanina pa ako kinikilabutan sa pinagsasabi ng lalaking ito na nasa tabi ko na narinig kong Carl ang itinawag ni Zephyr sa kaniya, nakatingin ako sa kaniya at nakakunot ang noo ko. Damn ang corny niya.

Tumingin ako kay Zephyr at nakita ko na nakakuyom ang dalawang kamao nito, napatingin din siya sa akin at seryosong seryoso ang mukha nito. Huhuhu! Naiiyak na naman ako. Susuntukin niya kaya ako?

Gusto ko na talaga umalis ngayon at umuwi ng bahay, ang sakit sakit ng ulo ko at nanginginig ako ngayon dahil sa lamig sana hindi na lang ako pumasok ngayon huhuhu!

"Here." nagulat ako nang bigla kong naramdaman na may inilagay na malambot at makapal na tela ang lalaking nasa tabi ko sa likod ko at nang tingnan ko yun ay jacket pala.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now