Chap 51: I'm sorry.
-Celeste POV-
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, kitang kita ko si yaya Amy na nasa gilid ni Zephyr, tinatakpan niya ng magkabilang kamay niya ang bibig niya at naiiyak ito na nakatingin sa akin. Nang mapatingin naman ako kay Zephyr ay nag-aalala itong nakatingin na para bang iiyak na rin.
Palipat lipat ako ng tingin sa kanila, parehas silang nag-aalala ang mukha na nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nanginginig ang buo kong katawan, at tumutulo parin ang mga luha ko.
Anong ginagawa nila dito?
"Jusko baby! Anong gagawin mo ha?! Baby masama ang binabalak mo! Ikaw talagang bata ka!" ani yaya na mangiyak ngiyak at bigla akong niyakap.
Hindi ko alam ano ang sasabihin ko, hindi ako makapagsalita ngayon, lumuluha parin ako hanggang ngayon.
"Wag mo na uulitin yun ha!" sambit ni yaya at kumalas na ito sa pagyakap sa akin, pinupunasan niya ang luha ko.
"Wag mo na uulitin yun please lang hindi ko alam ang gagawin ko 'pag may mangyayari masama sa'yo, jusko mabuti na lang at dumating kami ni Zephyr at nakita ka namin, alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap ha? Saan ka ba galing ha? Saan ka nagpunta? Paano kung hindi kami dumating at hindi ka namin nakita? Ano na kayang mangyayari sa'yo ha? Jusko!" dagdag ni yaya, tuloy tuloy ang pagbuhos ng mga luha niya habang hinahawakan ang mukha ko, at pinupunasan ang mga luha ko.Kanina pa nila ako hinahanap?
-Zephyr's POV-
I clenched my fist. This is damn my fault.
Kung hindi ko lang sana sinabi yung ganun sana hindi aabot sa ganito, sana hindi niya iisipin na magpasagasa at magpakamatay.
Para akong mawawalan ngayon sa katinuan at hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bagay na binabalak niyang gawin.
Hindi ko alam anong gagawin ko 'pag may mangyaring masama sa kaniya.Nakatingin ako sa kaniya ngayon habang tumutulo ang kaniyang mga luha na pinupunasan ni ate Amy.
She's crying and I hate it.
Gusto ko siyang yakapin ngayon.
Takot na takot ako ngayon, sobrang takot na takot ako na baka mawala na lang siya bigla, hindi ko kaya yun.
Hindi ko kayang mawala siya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.-Celeste POV-
Tumingin ako kay Zephyr at nakita kong nakatingin din ito sa akin na naiiyak, nakakuyom din ang isa niyang kamao. Tsk. Halatang wala talaga siyang pakealam sa akin. Anong tinitingin tingin niya dyan? At bakit siya naiiyak dyan?
"Gusto ko na umuwi yaya, masama ang pakiramdam ko." mahina kong sabi akmang lalagpasan ko na sana sila pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Zephyr ang braso ko, dahan dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, napaawang ang bibig ko sa ginawa niya at bumuhos pa lalo ang mga luha ko.
"I'm sorry baby, sorry sa sinabi ko kanina sorry....please.... don't ever..
do that...again." rinig kong sabi ni Zephyr habang yakap yakap niya ako, nanginginig ang boses niya habang sinasabi niya yun. "Hindi ko alam ang gagawin ko pag may mangyaring hindi maganda sa'yo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." dagdag niya pa ulit.Aaminin kong masama ang loob ko sa kaniya pero unti unting gumagaan dahil sa pagyakap niya sa akin.
Gumagaan ang lahat pag nandyan siya sa tabi ko at nasa paligid siya, gumagaan ang lahat pag niyayakap niya ako. Parang nakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko kanina dahil sa mga yakap niya. Ang init at ang sarap sa pakiramdam.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...