Chapter 20

5 1 0
                                    

Chap 20: Why do you hate me?

Celeste POV:

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, nararamdaman ko din na parang may nakahawak sa kaliwang kamay ko. Inilibot ko ang paningin ko at na realize ko na hindi ko pala ito kwarto nas'an ako? Dahan dahan akong bumangon sa kama na hinihigaan ko at tumambad sa akin ang pamilyar na lalaki na nakahawak sa kamay ko, nakapatong ang kaniyang ulo sa bed side at natutulog. Teka anong oras na? bakit ako nandito?

Naalala ko na ngayon, it's our math time and naglelecture yung teacher kanina and tumayo ako kasi gusto ko umalis dahil nab-bored ako at pagtayo ko bigla na lang nandilim ang paningin ko, nawalan pala ako ng malay kanina. Napatingin ako sa lalaking natutulog, dinala niya ba ako dito? Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang bigla itong gumalaw, sheyt naman bakit gumising ka pa.

Kinusot niya ang kanyang mga mata at tuwang tuwang tumingin sa akin.

"Celeste, mabuti naman gising ka na." nakangiting wika nito. "Musta na pakiramdam mo ha?" hinawakan niya ang leeg at noo ko at mabilis ko naman hinawi yun.

"Ano ba!" bulalas ko.

"Pinag-alala mo ako alam mo ba?"

"Hindi, pake ko ba sa'yo?" sabi ko sabay taas ng kilay ko.

"Ang sungit mo talaga."

"Kailan pa ba ako bumait ha, aber?" tanong ko nakahalukipkip na ako ngayon at nakataas parin ang kilay ko, nakakainis siya, kagigising ko lang siya na agad makikita ko?

"Kaya mo na bang tumayo?" he asked.

"Ano bang tingin mo sa akin ha, lampa?!" iritado kong sabi sa kaniya.

"Hindi sa ganun I'm just asking you ok?"

"Whatever! tumabi ka nga dyan." shit nagugutom na ako, medyo masakit din ang ulo ko at parang nahihilo pa ako, bababa na sana ako ng kama ko nang biglang tumayo si Zephyr. "Please tulungan na kita baka hindi mo kaya." aniya. Kairita naman ano bang tingin niya sa akin lampa?ang oa ah, "Tabi sabi!" sigaw ko.

"Celeste baka hindi mo kaya." sambit niya at inalalayan ako, argh naiinis na ako sa kaniya. "Sabing kaya ko ano ba!" bulalas ko at itinulak siya gamit ang isa kong kamay.

"Celeste naman."

"Lumayo ka, naiinis ako sa'yo, umiinit lalo ang ulo ko 'pag nakikita kita." malamig kong sabi at inirapan siya, akmang aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Do you really hate me, Celeste?" he asked, ano ba naman yan nakakainis naman, bingi ba siyang tao?ilang beses ko naman sinabi na hate ko siya, I hate him, I really hate him. I fucking hate him so much.

"Alam mo naman ang sagot dyan, Zephyr." malamig kong sambit. "Hindi naman magbabago yun." dagdag ko pa.

"Tell me why Celeste, why do you hate me?" tanong niya ulit napairap na lang ako at napakagat sa labi ko sa sobrang inis, humarap ako sa kaniya at at tiningnan siya ng  seryoso, humakbang siya ng konti palapit sa akin at nakatingin din siya sa akin, kitang kita ko rin na parang malungkot siya, at parang namumula ang mata niya, may sore eyes ba sya? pero sa tingin ko parang wala naman kasi parang naiiyak siya, hay naku. Ano naman kayang problema nito?

"I hate everything Zephyr, I hate everyone, including you." seryoso kong sambit.

"Ano ba ang dapat kong gawin Celeste? Sabihin mo sa akin ano ang dapat kong gawin please naman oh." pakiusap niya.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now