Chap 43: His first love.-Trina POV-
Flashback
Magkaibigan kami ni Zeph nung 3rd year kami sa high school, actually transferee rin naman ako that time super mahiyain ko nun, I was nerd and palagi akong nabubully pero si Zeph yung palaging nagtatanggol sa akin.
Nagsimula kaming nagkakilala nung pauwi ako nun tapos may isang lalaking kumuha ng bag ko tapos pinagpasa-pasahan nila yun ng mga barkada nila hindi ko sila kilala pero 3rd year din sila. Pilit kong kinukuha yung bag na yun pero hindi nila binibigay sa akin, hanggang sa dumating si Zephyr at bigla na lang niya sinaway yung mga lalaki na yun, actually natatawa nga ako nun kasi agad naman binigay nung isang lalaki yung bag ko tapos bigla na silang umalis, natakot ata sila kay Zeph eh.
"Ah miss ok ka lang?" he asked, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ngayon dahil ang init nito ackk!!! Ang pogi niya! Hindi ako makasagot nun kasi nakatingin ako sa kaniya, ang pogi niya talaga!
"Are you ok?" tanong niya ulit kaya tumango na lang ako, nakakainis ang pogi niya talaga.
"Hayaan mo na mga yun ah! Wala lang talaga sila magawa sa mga buhay nila kaya ganun sila." aniya, nakatingin parin ako sa kaniya, super pogi niya talaga! Ang kisig ng katawan niya, matangos ang ilong, itim ang kaniyang buhok, bagsak na bagsak ang mga buhok niya at may bangs ito, manipis ang mga labi niya, ang ganda din ng mata niya, at maputi din siya.
Damn, he's perfect. Napalunok ako nang makita ko ang tipid niyang ngiti, kahit tipid siyang ngumiti ay may lumalabas na dimple sa kaliwang pisngi niya."Sige ha, I have to go." aniya at umalis na siya, tumalikod ako para tingnan ang pag-alis niya, ano kayang pangalan niya?
Gabi gabi ako kinikilig pag iniisip siya, at araw araw akong excited pumasok dahil alam kong makikita ko siya, ang pogi niya!!! Sinusubsob ko na ang sarili ko sa unan kakaisip sa kaniya.
*******
After few weeks ay naging magkaibigan din kami ni Zeph nun, halos mababa nakukuha kong score sa math dati pero palagi niya akong tinutulungan at tinuturuan, siya din ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa top list dati. Top 1 si Zeph, top 2 ang kapatid niyang si Nathan, top 3 ako, top 4 yung SSG VC President na si Carl Romero, at Top 5 naman yung SSG Secretary na si Eunice Dela Cruz ang pinakamalanding admirer ni Zeph na palagi akong inaaway dahil close kami ni Zeph. Saya saya ko kasi nakilala ko si Zeph dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako makakapasok sa top list. Nung una ko siyang nakilala alam ko na sa sarili ko na mahal ko na talaga siya kasi hinding hindi siya nawawala sa sistema ko. Parang nababaliw na ako sa kaniya.
****
Isang araw, nasa study hall ako nun kasama si Zeph. Dala dala niya noon ang mga notebooks niya, malapit na rin kasi ang exam nun sa final kaya nag-aaral kami nun.
"Ah Trina, lalabas lang muna ako saglit."
"Saan ka pupunta Zeph?" tanong ko.
"Naiwan ko kasi yung bag ko sa classroom nandun kasi yung ballpen ko, ayos lang bang kukunin ko muna?
Babalik naman ako dito." aniya kaya tumango na lang ako, huhuhu isa lang din ballpen ko dito sayang naman naiwan sa bahay yung iba, sana dinala ko na lang para hindi na niya kailangang lumabas para kunin yun.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...