Chap 31: Who's that girl?
-CELESTE POV-
Hindi ako tanga para sumunod sa utos nyang linisan ang buong cafeteria? Ano siya? A king? A prince? Para mag-utos ng ganun ganun, he's really an arrogant, hindi porke SSG President na siya eh kailangan na niyang mag-feeling hari o prinsipe ang kapal kapal ng mukha niya. Hinayaan ko na lang ang lampaso na nakahiga sa sahig, at umupo sa sahig at sumandal sa dingding. Alam kong nakatingin ang ibang estudyante sa akin pero wala na akong pakealam. Hindi ako tanga para maging sunod-sunuran sa gago na yun!
Nakatulala ako ngayon at walang pakealam sa mga estudyanteng paparating na nakatingin sa akin.
Sige titigan niyo lang ako wala naman kayong mapapala sa kakakatitig niyo sa akin. Kailangan ko na masanay na hindi ako swerte sa school na napasukan ko."Celeste!" isang pamilyar na boses ang narinig ko, and I know it's Zephyr. Bakit ganun? Tinatawag niya lang pangalan ko bumibilis na agad pintig ng puso ko? Nagulat ako nang lumapit siya sa akin, hindi ako nakatingin sa kaniya, kailangan ko na siyang iwasan simula ngayon para matigil na tong weird na nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag pag nandyan siya sa paligid at pag nasa tabi ko siya. Tumayo ako nang hindi nakatingin sa kaniya, nakita ko din si Nathan na seryosong nakatingin sa akin, nakita ko rin na hawak niya ang bag pack ko, lumapit siya at ibinagsak yung bag ko sa sahig malapit sa paa ko.
"Ano bang problema mo?!" nagulat ako nang makita kong kinuwelyuhan siya ni Zephyr, nakita ko rin na galit ang mukha ni Zephyr habang nakatingin at kinukwelyuhan si Nathan, first time ko siyang makita na galit na galit, si Nathan naman walang ekspresyon na nakatingin kay Zephyr.
Magka-away ba silang magkapatid?"Wala akong problema, bakit hindi mo tanungin ang babae na yan?!" seryoso parin ang mukha niyang nakatingin kay Zephyr, kinukwelyuhan parin siya neto, nakatingin na rin ang mga estudyante sa amin.
"Ikaw ang tinatanong ko ano bang problema mo kay Celeste?!" sigaw ni Zephyr sa kaniya, hindi niya parin binibitawan ang kwelyo ni Nathan.
"Pwede ba huwag mo akong ipahiya dito Zephyr? Nageeskandalo ka na! hindi ko akalain na kaya mo akong ipahiya sa maraming tao dahil lang sa babae na yan?" nakita ko rin na tumingin si Nathan sa akin, at nilipat naman niya ang tingin niya kay Zephyr.
"Punong puno na ako sa'yo gago ka!" nagulat ako nang biglang suntukin ni Zephyr si Nathan, nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko alam ang gagawin ko, nakita ko rin na sinuntok siya pabalik ni Nathan, nagsusuntukan sila, hindi ko alam kung bakit wala akong magawa para tumigil sila, kitang kita ko yung pagsusuntukan nila. Ngayon ko lang nakita si Zephyr na nakikipasuntukan, at kapatid niya pa.
Kinakabahan ako, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam pa'no ko sila aawatin. Nakatingin ang lahat ng estudyante sa kanila, ang iba naman ay nagvivideo sa ginagawa nila Nathan at Zephyr. Bakit hindi nila inaawat ang dalawang magkapatid na nag-aaway? At bakit wala akong magawa para awatin sila?
Nagulat ako nang may biglang dumating na babae at lalaki, inaawat nila ang dalawang nagsusuntukan dito sa loob ng cafeteria, hindi parin sila tumitigil.
"Ano ba naman kayo! Tama na itigil niyo na yan! Kahapon pa kayo ah!"
sabi ng lalaki sa kanila, nakita kong nakasalampak na lang sa sahig si Zephyr, akmang lalapitan sana siya ni Nathan pero hinarangan siya nung lalaki. "Pres naman tama na!" bulalas ng lalaki, ano? Kahapon? Nag-away din sila kahapon? Kaya ba may band aids sa mukha ni Nathan?Nakita ko rin yung babae na yumuko para tulungan si Zephyr na tumayo, nakahawak siya sa braso ni Zephyr ar nag-aalala ang mukhang nakatingin kay sa kanya habang tinutulungan itong tumayo, sino siya?
Nang makatayo si Zephyr ay pinunasan niya ang sariling bibig na dumudugo gamit ang kamao niyang nakakuyom, ang dami niya na ring pasa.
"Zephy are you ok?" malungkot na tanong ng babae kay Zephyr, nakita ko ring tumingin si Zephyr sa kaniya at hindi sinagot ang tanong ng babae.
Who's that girl? Bakit hawak niya ang braso ni Zephyr? Nakita ko ring tumingin yung babae sa akin pero sandali lang dahil nilipat niya rin ang tingin niya kay Zephyr.
Sino siya? Kanina na ako dito sa kinatatayuan ko at nandito parin ako sa pwesto kong inuupuan kanina.
Pinulot ko na rin ang bag pack kong nasa sahig at isinuot yun."Ano na naman bang pinag-aawayan niyong dalawa ha? Hindi naman kayo nag-aaway dati ha!" bulalas ng lalaki sa kanila, matangkad at payat ang lalaki na to chinito siya, maputi at magulo din ang itim niyang buhok, may angkin din itong kagwapuhan pero ang sakit niya sa tenga magsalita. Kaibigan ba siya ni Nathan? Nakita kong tumingin ang lalaki sa akin at ningitian ako at kinindatan, kumunot naman ang noo ko, pero nakita kong hinampas ng babae yung mukha niya. Deserved!
"Aray ko!" bulalas ng lalaki at hinawakan ang mukhang hinampas ng babae.
"Landi mo kasi!" sigaw ng babae sa kaniya nakita ko namang tumingin si Zephyr sa akin, seryoso siyang nakatingin sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin at umalis.
-SSG VC CARL ROMERO'S POV-
Papunta kami ngayon ni Eunice sa cafeteria dahil nagugutom daw siya eh pa'no ba naman hindi daw siya kumain ng agahan kanina.
Nang malapit na kami sa cafeteria ay nagulat kami ng makita namin na parang may nagkakagulo sa cafeteria kaya naman dahil Vice President ako sa school na ito dapat malaman ko din kung ano ang meron, saan na ba kasi si Pres at bakit wala sa Office at classroom nila. Nang makapasok kami sa cafeteria ay agad akong lumapit dun sa gulong nangyayari medyo madami ding estudyante na nandito halos itulak ko na yung iba para makadaan lang. Nakakainis naman.
Nagulat ako nang makita kong nag-aaway ang dalawang magkapatid, amputcha naman kaya pala wala si Pres sa office at classroom nila dahil nagbubugbugan sila dito ng kapatid niya amputek naman, dito pa talaga sa cafeteria nagbubugbugan. Kawawa naman si Pres sige pres kaya mo yan.
Inaawat din namin sila pero ayaw nilang tumigil hay naku nakakainis, nagulat ako nang mapasalampak sa sahig si Zephyr, ayan kasi. Nang lalapitan sana siya ni Pres pero mabilis ko siyang hinarangan. Nakakastress talaga sila bakit ba nag-aaway sila? Ano namang pinag-aawayan nila hindi ko talaga alam bakit eh, dati naman hindi naman sila nag-aaway eh.
Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo sa di kalayuan, tangina ang ganda naman niya! Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko siya ah, ito na ba yung sinasabi nilang love at first sight? Aba tangina di hamak na mas maganda pa ito kay Eunice eh! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang babae! Mahaba at itim ang mga buhok niya, hindi siya gaanong matangkad, payat siya, maputi at ang ganda ng mga mata niya at mga labi, putcha naman ang ganda! Kaya naman ningitian ko siya at kinindatan, natatawa ako nang kumunot ang noo niya. Sheyt! Ano kayang pangalan niya?
Nagulat naman ako nang hampasin ako ni Eunice sa mukha sheyt naman ang sakit! napansin kong tumingin si Zephyr dun sa babae at bigla na lang umiwas ng tingin yung babae at umalis, anong problema nun?
END OF CHAPTER 31.
TYSM!!💝
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...