Chapter 26

1 1 0
                                    

Chapter 26: Prince Charming

Zephyr's POV:

Pagsara ko ng pinto ng SSG office ay nakita ko sa labas si Eunice na nakatayo at nakasandal sa dingding.
Nakita kong bumaling siya ng tingin sa akin, nakasimangot siya. Tumalikod ako para umalis pero bigla ko na lang naramdaman na niyakap niya ako mula sa likuran ko. Mabilis ko ring hinawi yun pababa pero ibinalik niya rin ang pagyakap niya sa akin. Damn.

"Z-zephy please..." hinigpitan niya lalo ang yakap niya sa akin sa likod ko at narinig ko na lang na umiyak siya.

"Eunice what are you doing?" I asked, nararamdaman ko pa na mas hinihigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin, she's still crying and I can't do anything about it.

"Gusto ko malaman kung sino si Celeste, she's just a relative right?"
she asked, damn she's not a relative, she's my childhood crush, my baby, my girl, my everything. Ayaw kong sagutin ang tanong niya.
"Sorry Eunice, I have to go." sambit ko sabay hawi ng mga kamay niya pababa, at umalis na.

Hindi ko gustong manakit ng damdamin ng kahit sino, ang daming babaeng nagkakagusto sa akin pero lahat ng mga yun nasaktan ko, I'm just being honest with my feelings, hindi ko din intention manakit ng kahit sino, my heart only beats for her, only for Celeste. Only for her. But she hates me.

Maybe one day she'll see me the way I see her.

Pabalik na ako ngayon sa Clinic para puntahan si Celeste, iniwan ko kasi muna siya dun dahil na rin gusto ko puntahan si Nathan, that bastard, damn.
Sana naman gising na si Celeste ngayon, I miss her.

Celeste POV:

Kanina na rin ako gising, kumain na rin ako ng pagkaing binigay ng nurse sa akin at dun nanumbalik yung lakas ko, at nawala na rin yung nararamdaman kong panginginig, at pagkahilo, maliban na lang sa ulo at tiyan ko na medyo masakit parin hanggang ngayon. Sinabi din ng nurse sa akin na naramdaman ko lang lahat ng yun dahil sa sobrang gutom, sinabi niya rin sa akin na hindi ko dapat pinapabayaan ang sarili ko at dapat hindi ko binabalewala ang nararamdaman kong gutom. Uminom na rin ako ng gamot para mawala yung sakit na nararamdaman ko sa ulo ko at tiyan.

"H-hey!" tawag ko sa nurse ng clinic na may sinusulat sa logbook, lumapit naman siya ng may ngiti.
"Who brought me here?" tanong ko sa kaniya, tinaasan ko siya ng kilay, hindi ko naman kasi maalala kung sino ang nagdala sa akin dito eh, ang naalala ko lang masama lang ang pakiramdam ko at hila hila ako ni Nathan, damn him. Hindi ko rin kasi makita kung sino yung taong sumalo sa'kin kanina sa pagkakabagsak dahil na rin sa malabo ang paningin ko, but his scent was familiar damn. I shrugged.

"Prince charming mo." aniya sabay ngiti, what? is she crazy?

"Prince charming?" mahina kong tanong sabay kunot ng noo ko.

"Oo ano ka ba." tsk sampalin ko nurse na toh eh.

"Wala naman akong prince charming, who the hell is that?" don't tell me

Bumukas ang pinto ng clinic at iniluwa nito ang isang pamilyar na lalaki, ano ba yan.

"Oh nandito na pala siya." nakangiting sabi ng nurse at umalis na rin.

"Nandito na naman siya." bulong ko sa sarili ko,  kaya humiga ako sa kama ng patagilid, nakatalikod ako sa lalaking kakarating lang. Naririnig ko rin ang mga yapak niyang papalapit sa akin. I hate him bakit ba siya nandito? Kainis.

"Celeste kumusta na pakiramdam mo?" tanong niya pero hindi ko na lang siya sinagot.

"Celeste please answer me, kumusta ka na? kumusta na pakiramdam mo?" tanong niya ulit, naiinis na ako.

Pumikit ako at natulog tulugan, bahala siya.

"Celeste?" rinig ko parin ang mahinahong tawag niya sa akin. Damn him.

"Celeste are you sleeping?"
Tangina naman Zephyr ang ingay ingay mo argh!!! Nagtalukbong ako at nagpanggap parin na tulog, naririnig ko parin siya, nakakainis bakit ba hindi pa siya umaalis?

"I know you're not sleeping, please Celeste." mahinahon parin ang boses niya.

Hindi ko alam kung bakit bumibilis na naman ang pintig ng puso ko, kailangan ko na yata magpacheck sa doctor eh, ang weird kasi ng feeling na'to hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Ok, sleep well." he said, narinig ko rin na parang lumayo na siya, siguro naman umalis na siya buti naman.

Idinilat ko ang mga mata ko at dahan dahan kong ibinaba ang puting kumot na nakabalot sa akin, dahan dahan din akong bumangon at nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa couch sa gilid, what the. Nakatingin siya ng seryoso sa akin at nakahalukipkip siya. Problema ng tukmol na'to? Nakakunot naman ang noo ko kaya kinuha ko ang unan na na nasa kama at ibinato ko sa pagmumukha niya. Kainis.

"Celeste! Ano ka na naman hindi sa'yo ang unan na to ha baka masira!" sabi niya pero inirapan ko naman siya, like I care? Argh I hate him so much!

"I knew it, you're not sleeping." nakangiti niyang sabi at kinuha ang unan na ibinato ko sa pagmumukha niya, lumapit siya sa akin.

"Umalis ka nga dito naiinis nga ako sa'yo 'pag nakikita kita alis na! Nakakasira ka ng araw eh!" iritado kong sabi sa kaniya, pero nakangisi lang siya sa akin. Psh kainis sarap punitin ang mukha.

Nagulat ako nang umupo siya sa gilid ng kama at ibinalik ang unan na yun.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang pasa sa kanang pisngi niya. Anong nangyari?nakipagbugbugan ba'to?

Zephyr's POV:

Nagulat siya ng bigla akong umupo sa gilid ng kama na inuupuan niya, malapit ako sa kaniya, damn she smells so good. While looking at her, nagulat na lang ako nang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa pisngi ko, hmm? Hahalikan niya kaya pisngi ko? Damn sana naman oo, mababaliw ako sa saya pag hinalikan niya ako eh, siya lang ang pwedeng humalik sa akin. Pero naiisip ko palang na hate niya ako alam kong imposibleng halikan niya ako. Imposible iyon!

"Celeste?" nakatingin parin siya sa pisngi ko, are you going to kiss my cheek huh? I smirked pero nagulat na lang ako nang bigla niyang sapakin yun. "Aray!!!!" napasigaw ako sa sakit, damn ang sakit! Akala ko naman kaya niya tinitingnan pisngi ko kasi hahalikan niya hindi ko akalain na mapapansin niya yung pisngi kong sinuntok ni Nathan, ang sakit, dinagdagan niya pa talaga.
"Celeste naman ang sakit bakit mo naman ako sinapak?" tanong ko sa kaniya nakahawak ako sa pisngi kong sinapak niya, grabe she's too aggressive, but damn I love her.

"Ang pangit mo kasi umalis ka nga dyan!" sigaw niya sa akin, wow ha!

"Alis sabi! Ang pangit mo!" sigaw niya, kitang kita kong inis na inis siya. She's really cute.

"Celeste grabe ka naman, sinapak mo na nga yung mukha ko tapos sasabihan mo pa ako niyan ang sakit sakit ah!" sabi ko sa kaniya.

"Ang pangit mo kasi putangina umalis ka!" naiinis niyang sabi, natatawa ako, wala pang babaeng nakapagsabi sa akin na pangit ako kundi siya lang, damn yung babaeng gustong gusto ko nagsabi sa'kin ng ganun, eh yung mga babaeng hindi ko naman gusto sila pa magsasabi sa akin na gwapo ako. Pero ok lang si Celeste toh eh.
Damn.

End of Chapter 26.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now