Chapter 15

6 1 0
                                    

Chapter 15: His Arms

Naligo ako at nagbihis na rin ako. I'm wearing black spaghetti strap top at maikling shorts, mas komportable din kasi ako pag mga ganito nasusuot ko, mageenrol lang naman ako.

Nang makababa ako ay pumunta ako ng kusina, nagulat ako nang makita ko dun ay lalaking naglalagay ng mga pagkain sa mesa. Argh! Nandito na naman siya. Pumunta ako ng dining table at nakita ko na meron dung pancakes, hotdogs, fried eggs, bacon, at may kanin din, at orang juice na nasa baso.

Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin, tiningnan niya akomula ulo hanggang paa ko, seryoso ang mukha niya, anong problema niya?

"Ano yan?" tanong niya, nakita ko rin na nakatingin siya sa hita ko. Aba bastos!

"Anong ano yan?bastos ka!" sigaw ko sa kaniya kaya bigla namang kumunot ang noo niya.

"Celeste bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya seryoso ang mukha niya.
"Ano naman, may problema ka ba sa suot ko?" tanong ko, at umupo sa upuan para kumain, alam kong niluto niya ito, wala din naman akong choice kailangan kong kumain kasi nagugutom ako. "Oo" malamig niyang sambit. "Hindi ko gustong nagsusuot ka ng ganyan." aniya, at tinanggal ang apron niya nilagay yun sa mesa, ngayon ko lang siyang nakitang masama ang tingin sa akin, anong problema niya?pati ba naman sinusuot ko pinapakealaman niya? Ang kapal ng mukha akala mo kung sino.

"Aalis na ako, hindi na ako kakain, nawalan ako ng gana." wika ko at tumayo.

"Bakit?" tanong niya.

"Basta!"

"Saan ka pupunta?" tanong niya ulit.

"Ano bang pakealam mo?!" sigaw ko.

"Celeste hindi ako papayag na aalis ka ng ganyan ang suot mo!"

"Sino ka ba para pakealaman ang gusto ko ha, gawin mo ang gusto mong gawin Zephyr hindi kita papakealaman pero huwag mo naman ako pakealaman sa mga bagay na gusto ko, hindi kita tatay, at mas lalong hindi kita boyfriend para pagbawalan akong umalis na ganito ang suot ko!" sabi ko kaya umalis na lang ako, nakakainis.

Paglabas ko ng bahay ay sinara ko ang pinto padabog, nakakainis, wala pa akong kain oh! Kanina pa ako nagugutom nakakainis! Bakit ba kasi napakapakialamero niya!

Sumakay ako ng taxi para makapunta sa school na papasukan ko. Tumutunog parin ang tiyan ko, argh! Kasalanan niya toh eh.

Nang makarating ako ng school ay nakita kong medyo konti palang ang mga estudyanteng nagpapaenroll. Nag fill up na rin ako ng form at pagkatapos nun ay umalis na rin ako.

Naglalakad ako sa palabas ng school ng bigla kong nasalubong si Zephyr, he's wearing a white polo shirt and black pants nakapamulsa ito, anong ginagawa niya dito?sinundan niya ba ako? Nakatingin siya ng seryoso sa akin. Tsk. Kung galit siya sa akin wala akong pakealam!

Nagulat ako nang bigla niya akong lagpasan. Tiningnan ko lang siyang umaalis palayo, anong problema niya? Teka. Pumunta siya ng school, so ang ibig sabihin magpapa enroll din siya, akala ko sinundan niya ako.

Nang makauwi na ako ay kumain ako ng mga pagkain na inihanda niya kanina, tinakpan niya ito, siguro alam niyang uuwi rin ako agad. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng kwarto ko, malaki din ang kwarto ko, may tukador sa tapat ko, may cabinet sa gilid nito, at may bathroom din dito.

Gabi na, nasa salas ako at kumakain ng strawberry ice cream na dinala niya para sa akin kahapon, I'm feeling alone. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko kung gaano kasama ang ugali ko napakaiyakin ko, pikunin ako, madali ako mainis, maikli lang ang pasensya ko, hindi ko kayang ngumiti sa ibang tao, kahit sino I'm also rude. Kung naramdaman ko lang sana ang pagmamahal ng isang ina siguro hindi ako ganito ngayon. I just wanna feel loved.

I don't wanna be sad anymore.

Hindi ko kailan man naramdaman maging masaya, matagal na panahon na nawala ang ngiti ko. Matigas na ang puso ko, puro galit, poot, at sama ng loob ang meron sa puso ko, kaya hindi ko nagagawang maging masaya.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Habang umiiyak ako ay bigla na lang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang pamilyar na lalaki, nakita niya man akong umiiyak pero wala akong pakealam, nilagay ko ang isang bowl ng strawberry ice cream at inilagay yun sa maliit na mesa sa tapat ko, pinunasan ko ang luha ko at tumayo ako, gusto kong umakyat ng kwarto ko.

"Why are you crying?" he asked, nakakatatlong hakbang palang ako pero tumigil ako nang nagsalita siya, nakatalikod ako sa kaniya.

"Wala." malamig kong sambit.

"Madalas kitang nakikitang umiiyak, Celeste." aniya, naririnig ko rin ang mga yapak niya papalapit sa akin, nakatalikod pa rin ako sa kaniya, patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Wala ka nang pake dun." sabi ko.

"Gusto kong malaman kung bakit." wika niya.

"Hindi mo naman kailangan
malaman." saad ko.

"Matutulog ka na ba?" he asked.

"Yeah." tipid kong sabi.

"Then stop crying."

"I can't stop myself from crying, kaya please hayaan mo na lang ako." wika ko at napapikit na lamang ako habang nakakuyom ang kamao ko, naramdaman kong nasa harapan ko na siya ngayon.

"I don't want you to sleep with a heavy heart." aniya, napadilat na lang ako nang maramdam ko ang yakap niya. "Now tell me, what's wrong?" tanong niya pero napailing na lang ako habang umiiyak sa dibdib niya. "Shhh tahan na." aniya, nakayakap parin siya sa akin at hinahaplos ang buhok ko.

Yung bigat na nararamdaman ko at sama ng loob ko ay nawala nang bigla niya akong yakapin, hindi ko siya gusto pero bakit nawawala ang bigat ng pakiramdam ko pag niyayakap niya ako?

His arms are a haven, a temporary escape from the storm within. But I still hate him very much.

Nang kumalas siya sa pagkayakap sa akin ay pinunasan niya ang mga luha ko at ngumiti siya. "Now, go to sleep ok?" he's still caressing my hair gently. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na yun parang may kung anong mga kulisap ang naglalaro sa tiyan ko at ang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ganito siya sa akin?

End of Chapter 15.

Tysm!

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now