Chap 38: Laki ng pinagbago
-Zephyr's POV-
Gabi na at nasa tapat na ako ng bahay nila Celeste, napansin ko rin na nakasara na ang gate nila, hindi ko din naman kayang akyatin toh ulit, gising pa kaya siya? Sinubukan kong rin namang mag-doorbell ng dalawang beses, siguro nga tulog na siya.
Nagulat ako nang bigla kong narinig na may bumubukas ng gate at nang bumukas ito ay nakita ko ang isang babae na hindi ko alam kung sino pero parang nakita ko na siya.
"Sino po sila?" tanong ng babaeng bumukas ng gate.
"Sino po kayo ma'am?" I asked, hindi ko alam pero pamilyar talaga siya, parang nakita ko na siya nun eh.
"Diba ako ang unang nagtanong sa'yo kung sino ka?" sabi ng babae at tumawa ito.
"Nandyan po ba si Celeste?" tanong ko bigla namang nawala ang tawa ng babae at kumunot ang noo. "Bakit mo naman hinahanap si Celeste? Sino ka hijo? Ikaw ba ang boyfriend ng alaga ko?" tanong ng babae sa akin, teka alam ko na, siya pala ang yaya ni Celeste, si ate Amy mabuti naman nandito na siya may makakabantay na kay Celeste.
"Ako po si Zephyr, ako po yung bata na may alagang aso na kinakatakutan ni Celeste, ako yung nakatira dyan sa kabilang bahay na kaibigan po ni Lola Tiana." sabi ko sabay turo sa bahay namin na nasa tabi lang ng bahay nila Celeste.
"Ah ikaw pala yan hijo, halika pumasok ka sa loob." aniya at pinagbuksan na ako ng gate pumasok na rin kami dun.
Nang makapasok na ako sa loob ay dumiretso na ako sa salas at naupo dun, dinalhan na rin ako ni ate Amy ng pagkain na sandwich at gatas.
"Salamat po." nakangiti kong sabi.
"Si Celeste po?" tanong ko kaya bigla namang ngumiti si ate Amy."Naku tulog na ang alaga ko, pinatulog ko na, bakit mo nga pala siya hinahanap?" tanong ni ate Amy.
"Wala naman po." tugon ko. "Kumusta po siya?" tanong ko, bigla namang naupo si ate Amy sa couch na nasa tabi ko pero may space sa pagitan namin.
"Ayos lang naman ang alaga ko." sagot niya nakita kong nakayuko ang ulo niya at parang malungkot ito.
"May problema po ba ate?" tanong ko, kaya naman biglang tumingin si ate Amy sa'kin.
"Nag-aalala lang ako sa alaga ko." malungkot na sambit ni ate Amy, teka bakit?anong nangyari?
"Bakit po?may nangyari ba sa kaniya? May sakit ba siya?" sunod sunod kong tanong dahil sa totoo lang nag-aalala na rin ako, nakita ko naman na umiling siya.
"Lumaki siya na wala ang ina niya sa kaniyang tabi, ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin nagparamdam ang ina nito sa kaniya, nag-celebrate kami sa mga lumipas na kaawaran ng alaga ko pero hindi pumunta ang kaniyang ina hanggang sa nag-debut na ito, hindi namin alam kung nas'an ang mommy niya, kung ano ang nangyari sa kaniya sa America, kaya hindi mo makikita na nakangiti ang alaga ko dahil may tinatago itong sama ng loob, sakit, at pait na nararamdaman sa kaniyang puso." malungkot na wika ni ate Amy.
Hindi ko alam na parehas lang pala kami ng pinagdaanan ni Celeste, parehas kaming lumaki na wala ang ina sa tabi namin. Kaya ba madalas ko siyang nakikitang umiiyak?
Parehas man kami ng pinagdaanaan pero ang alam ko mas masakit yung sa kaniya.Hindi niya ito deserve, hindi ito deserve ng babaeng mahal ko. She have been through a lot, ang sakit malaman na pinagdaanan niya rin pala ang mga pinagdaanan ko. Kaya naman gagawin ko ang lahat para pasayahin siya, at pangitiin siya.
My baby deserve happiness."Ah hijo pasensya kana ha, napansin ko lang kasi, bakit may mga pasa ang mukha mo?" tanong ni ate Amy, hindi ko akalain na mapapansin niya pala ang mga pasang nasa mukha ko.
"Ah wala lang po ito." pagsisinungaling ko. "Nadapa kasi ako kanina kaya napasubsob ang mukha ko sa sahig kaya nagkapasa ako." natatawa kong sabi pero natawa din naman siya, ayaw ko din naman sabihin ang totoo, baka isipin niya na basagulero ako.
"Ikaw talaga." natatawa niyang sabi. "Sa susunod magiingat ka na ha." dagdag niya at napangiti naman akong tumango. Mabait talaga si ate Amy isa rin siya sa naging kaibigan ko dito sa Manila, ramdam na ramdam ko na mahal niya talaga si Celeste.
Nang gabing yun ay umuwi na rin ako at dun na sa bahay natulog pero bago ako umalis sa bahay nila Celese ay ginamot muna ni ate Amy ang mga pasang nasa mukha ko at nilagyan ng band-aids, ayaw ko rin naman gawin niya yun pero pumayag na lang ako, sinabi ko rin sa kaniya na ako ang nag-bantay kay Celeste noong mga panahon na nag-iisa lang si Celeste dito sa bahay nila.
-Celeste POV-
Kinaumagahan.
Pagising ko ay agad na akong bumangon ngayon sa kama ko, tiningnan ko ang alarm clock ko at alas sais palang, mabuti naman makakapagready pa ako. Bumangon ako at naligo na rin, nagbihis na rin ako ng school uniform. White blouse, black pleated skirt, at nagsuot na rin ako ng puting cardigan jacket nag hair dry na rin ako.
After few minutes ay agad ko nang itinali ang buhok ko.
Actually ito yung first time na nag-ponytail ako, palagi kasing nakalugay ang buhok ko. Kinuha ko na rin ang bag pack ko at isinabit ang dalawang strap nun sa magkabilang balikat ko. Pagbaba ko ng kwarto ko at nasa hagdan na ako ay nakita ko si yaya Amy na naglalagay ng mga pagkain sa mesa.Bumaba na rin ako at pumunta sa dining table naupo na ako sa upuan, kyahh miss ko na talaga ang mga pagkaing niluluto ni yaya Amy para sa akin, may mga gulay, bacon, hotdogs, fried eggs, at chicken adobo. Actually natuto akong kumain ng gulay nung bata pa ako ito kasi madalas pinapakain ni yaya Amy sa akin nung bata pa ako at nung nasa Cebu pa kami.
Naglagay ako ng kanin sa pinggang nasa tapat ko at mga ulam na iniluto ni yaya para sa akin. Nagsimula na rin akong kumain, damn miss ko na talaga kumain nito, ang sarap!!
"Nagustuhan mo ba baby?" rinig kong tanong ni yaya kaya napatango na lang ako habang kumakain, ang sarap!! Kyahhhh!! puro kasi sandwich, green salad, at ice cream kinakain ko kaya parang kaya kong ubusin ngayon yung mga pagkain inihanda sa akin ni yaya. Sarap!
"Baby dahan dahan lang!" rinig kong saway ni yaya pero hindi ko na lang siya pinapansin.
Uminom na rin ako ng tubig. "Ang sarap yaya!!!!" malakas kong sabi.
"Naku, talaga ba?"
"Opo!"
Narinig kong humalakhak si yaya Amy at lumapit siya sa akin, umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko, nakangiti siya sa akin.
"Bakit po yaya?" nagtataka kong tanong kay yaya habang nakatingin sa kaniya.
"Masaya lang ako na nagustuhan mo ang niluto ko para sa'yo, at ito yung unang beses na narinig kong pinuri mo ang mga pagkaing niluto ko para sa'yo." nakangiting sabi ni yaya.
Oo nga pala, tama siya, ito yung first time na pinuri ko ang mga pagkaing niluto niya para sa akin. Si yaya palagi ang nagluluto ng mga pagkaing kinakain ko nung bata ako, at nung nasa Cebu pa kami pero never ko pinuri ang mga luto niya nun, wala akong pake dati kung ano ang niluluto niya para sa akin, kinakain ko na lang mga yun."Ang laki na nga talaga ng pinagbago mo." nakangiting sabi ni yaya at tumayo na siya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang ibig niyang sabihin? Hala?? nagbago na ba talaga ako?paano? Si yaya talaga kung ano ang pinagsasasabi.
End of Chapter 38
Tysm!💗
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...