Chapter 55

7 1 0
                                    

Chap 55: Headpats


Amy Point of View-

Nandito kami ngayon ni Sally sa isang cafe at tahimik na nakaupo sa iisang table, magkaharap lang kami.
Kailan pa siya bumalik ng Pilipinas?

"Kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya, nakatingin ako ngayon sa mesa.

"Kahapon pa ako bumalik dito, bakit hindi mo ako pinapasok sa bahay namin at dito mo ako dinala?" rinig kong tanong niya sa akin, kinuyom ko ang dalawang kamao kong nasa hita ko ngayon at tiningnan na siya ng seryoso.

"Bakit? Bakit kita papapasukin sa bahay?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"I wanna see Mama and Celeste, kumusta na ang anak ko?" napakagat na lang ako sa labi dahil sa inis.
Anak?

"Amy may problema ba?" tanong niya.

"Wala kang anak, ma'am Sally. Ilang taon kang hindi nagparamdam at nagpakita kay Celeste hindi ba?
Huwag mong tawaging anak si Celeste kasi kahit kailan hindi ka naging ina sa alaga ko." seryoso kong sambit sa kaniya pero napaismid lang siya.

"She's still my daughter, and I'm still her mom, kaya huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan dahil Yaya ka lang ng anak ko!"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nanatili paring nakatingin sa kaniya ng seryoso habang siya naman ay walang ekspresyong nakatingin sa akin.

"Oo ikaw ang nagsilang kay Celeste pero ako ang nag-aruga at nagpalaki sa kaniya, kaya wag mong sasabihing Yaya lang ako ni Celeste dahil ako ang tumayong ina niya!"

"Ano bang pinagsasabi mo, Amy? May lakas kana pala ng loob na sumbatan ako? Baka nakakalimutan mo amo mo parin ako!" walang ekspresyon niyang sabi sa akin, hindi ko alam bakit ang tamlay niya ngayon. Bumalik ba siya ng Pilipinas na ganito? Ano bang nangyari sa kanya sa US?

Agad akong napatingin sa bulsa ko at may dinampot dun. Kinuha ko ang kwintas ni Celeste na ibinigay ni Sally sa kaniya noon at inilapag ko yun sa mesa.

-Sally Point Of View-

Nanginginig ang bibig ko ngayon dahil naiiyak ako ngayon nang makita ko ang kwintas na may hugis puso na ibinigay ko kay Celeste noon. Nanginginig din ang kamay ko habang kinukuha ang kwintas na yun sa mesa. So hinubad niya pala ito?

Nang makuha ko ang kwintas na yun at hinalikan ko yun habang umiiyak at niyakap ko din.

"Sorry..." mangiyak ngiyak kong sabi habang niyayakap ang kwintas. "Sorry, anak."

"Nakita ko yan sa basurahan noon habang naglilinis ako, at kung hindi ako nagkakamali itinapon ni Celeste yan dun" rinig kong sabi ni Amy sa akin, napatingin ako sa kaniya at patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Nas'an siya ngayon? Nas'an ang anak ko, Amy?" mangiyak ngiyak kong tanong sa kaniya pero umiling lang siya at hindi sumagot.

"Bakit? Nas'an ba ang anak ko?"

"Ano ba ang nangyari sa'yo sa States ma'am Sally? Ano bang nangyari sa'yo at hindi mo na nagawa umuwi sa Pilipinas? Ano bang nangyari sa'yo at bakit hindi ka na nagparamdam at nagpakita sa anak mo? Hindi ba nangako ka sa kaniya na susunod ka?
Alam mo bang lumaki si Celeste na hindi na niya magawang ngumiti? Alam mo ba yung mga pinagdaanan ni Celeste dito sa Pilipinas? Ilang taong naghintay si Celeste sa'yo kahit nung nasa Cebu kami naghihintay siya sa'yo, nagdebut man lang siya na wala yung ina niya sa tabi niya. Ano ba kasing nangyari sa'yo sa States? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" seryosong sambit ni Amy sa akin, hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak, mabigat ang loob ko ngayon, hindi ko man lang alam mga pinagdaanan ng anak ko.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now