Chap 9: I live her
Anong ginagawa niya dito sa lugar namin?
Mabilis na umalis ang aso sa lalaking yun at lumapit ito sa akin, tumatahol ito sa harapan ko.
"Stop!" sigaw ko kaya naman tinakpan ko ulit ang magkabila kong tainga.
"Kiam stop it, leave her alone she's scared of you, come here!" tumigil ang aso sa pagtahol at ito'y umalis na sa harapan ko, nang tumayo na ako ay nagtama ang paningin namin ng lalaking yun. Oh no! It's really him, the man I slapped 2 times yesterday.
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin habang ang aso niya ay nasa gilid niya. Lumapit siya sa akin."Oh it's you! What are you doing here miss? Are you following me?" he asked, ang kapal naman ng mukha nito.
"What are you talking about? You're the one who's following me, what the hell are you doing here?" I asked and he grimaced. Damn, what's with him? Why is he here with his dog?
"Huh? I live here." he said and kumunot ang noo ko, what? He lives here? Mabilis kong tiningnan ang isang bahay sa tabi ng bahay namin, malaki ito, so it means ito yung lalaking may aso na kaibigan ni Lola? Yung nagpaabot kay Lola ng red roses para sa akin? Bakit hindi ko alam na siya yun, that boy na palagi akong inaasar dahil takot ako sa aso, hindi ko alam na yung lalaking nasampal ko kahapon at yung batang lagi akong inaasar dati ay iisa. Alam niya kayang ako si Celeste? Ayaw kong malaman niya, aasarin niya lang ako! Mabilis ako mapikon baka masampal ko ulit siya.
"Miss?" natauhan ako nang bigla siyang magsalita, "Why are you here? Are you following me?" he asked and with that tiningnan ko siya ng masama, at ngumisi naman siya. What's with him? Grabe yung pinagbago niya at katawan niya, medyo mataba kasi ito nung bata siya, laging nakasleeveless shirt at short lang, pero ngayon nang tingnan ko siya, ang tangkad niya, makising ang katawan niya, may dimple ito sa kaliwang pisngi niya na lumalabas pag ngumingiti siya.
"Hindi ko akalain na magkikita ulit tayo, miss. Nandito ka ba para makita ako? Do you like me?" he asked and grimaced, damn I wanna slap his face again.
"No, I hate you, and your damn dog, I hate you both!" sigaw ko sa kaniya at bigla namang nawala ang ngisi niya at kumunot ang kanyang noo. Hayan nakakapikon ka kasi.
"So, you're scared of dogs, aren't you?" He asked at nakatingin pa rin ako ng masama sa kaniya.
"Hindi ko akalain na susundan mo pala ako dito, so stalker na pala kita ah," he said, damn him I really wanna slap his face.
"Aalis na ako may lakad ako!" malamig kong sabi, akmang tatalikuran ko na siya nang biglang hawakan niya ang kamay ko.
"Miss sandali!"
"Sabing 'wag mo'kong hahawakan!" mabilis kong kinuha ang kamay ko at tinuro siya sa mukha. "Sa oras na hahawakan mo ulit ako, hindi lang talaga sampal ang aabutin mo sa akin." sabi ko at nanlaki ang mga mata niya, hayan you should be scared. "I'm warning you." I said, pero nakatingin lang siya sa akin.
"But miss I just wanna ask kung anong ginagawa mo dito?" He asked ano ba yan nakakainis naman, may lakad pa ako oh.
"What do you care?!" sigaw ko sabay taas ng kilay ko pero bigla siyang ngumisi sa akin, argh nakakainis yung ngiti nya nakakainis pagmumukha niya, I hate him!
"So you're following me?" He asked and inirapan ko naman siya nakakainis bakit ba ang kapal ng mukha niya? Dito rin naman ako nakatira!
Biglang bumukas ang pinto ng gate namin at lumabas si Joan, crap!
"Ma'am Celeste naiwan niyo po pala yung cell-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong lumapit sa kaniya at hinablot ng mabilis ang cellphone kong nasa kamay niya. Nilagay ko yun sa shoulder bag ko. Crap!
"Aalis na ako, pakisabi na lang kay lola uuwi din ako pagkatapos, pumasok ka na sa loob at tapusin mo na mga trabaho mo." sabi ko sa kaniya, pero tumango lang siya, at nakita ko naman na tumingin siya dun sa lalaki, bigla kong nakita na ngumiti siya, flirt maid tsk! "Sabing, pumasok ka na at tapusin mo mga trabaho mo sa loob!" sigaw ko kaya bigla naman siyang umalis at pumasok, sinara niya na rin ang gate.
Nang tingnan ko si Zephyr ay nakatingin din siya sa akin at nakanganga ng konti, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, wala kang makitang expression sa mukha niya kundi ang pagkagulat.
"Ano, sa tingin mo ba sinusundan kita? I also live here!" sabi ko at nakataas ang kilay ko sabay turo sa bahay namin ni lola. Bakit ang tahimik niya? Hala hindi niya rin ba inaasahan na ako pala si Celeste? Ang batang inaasar niya lagi nun dahil takot sa aso?
"Bakit hindi mo sinabi na ikaw si Celeste?" tanong niya kaya bigla akong napairap at humalukipkip.
"Why would I tell you, huh?" saad ko habang nakahalukipkip parin nakataas ang kilay ko."You should've tell me." aniya kaya binaba ko ang kamay ko at kumunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko. "Para aasarin mo ako dahil takot ako sa aso ha?" dagdag ko pa pero seryoso talaga ang tingin niya sa akin.
"No, it's not like that!" aniya kaya tinalikuran ko na lang siya pero sinundan niya ako.
"Hey, saan ka pupunta? Can I come with you?"
"No." malamig kong sabi.
"Celeste!" tawag niya sa akin kaya bigla ko siyang hinarap at tiningnan siya ng masama.
"Ikaw lalaki ka!" turo ko sa kaniya, "wag mo akong tatawagin sa pangalan ko hindi tayo close!" sabi ko at umalis na. Argh! Nakakainis! Kasalanan toh ng Joan na yun argh!!!!!!End of Chapter 9
Thank you.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...