Chapter 52

8 1 0
                                    

Chapter 52: Get well soon

-Celeste POV-

Pagkarating namin ng bahay ay nagbihis na ako sa kwarto ko ng damit. Humiga na rin ako sa kama para magpahinga. Balot na balot ng kumot ang katawan ko ngayon dahil sa ginaw na nararamdaman ko, naglagay din si Yaya Amy ng basang bimpo sa noo ko. Shit it's so cold.

"Baby saan ka ba nanggaling kanina ha?" tanong ni yaya sa akin pero hindi ko siya sinagot, sabihin ko kaya sa kaniya na galing ako sa hospital at dinala ako ng isang hindi kilalang lalaki dun?

"Yaya gusto ko na po talaga magpahinga ngayon." mahina kong sambit sa kaniya, ang sakit sakit ng ulo ko.

"Sige na nga magpahinga ka na. Nga pala sa susunod wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo kanina ha alam mo naman na masama yun hindi ba?"

"I know, yaya." I uttered.

"Alam mo bang ganun din ang ginawa ng...." she paused. Napatingin ako sa kaniya nang tumayo ito sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama ko.

"What is it yaya?" I asked.

"Ah wala baby, sige na magpahinga ka na lalabas na muna ako para ibalik ang batya sa baba ha, wag mo muna tatanggalin ang bimpo na yan sa noo mo ok?" ani yaya kaya dahan dahan naman akong tumango. Tumalikod na siya dala dala ang maliit na batya na may tubig at umalis na siya. Ano kaya yun bakit niya pinutol ang sasabihin niya?

-Amy POV-

May sakit pa siya ngayon, at madaming nangyari ngayong araw kaya hindi ko muna sasabihin na kaniya ang tungkol dun, alam kong ayaw niyang marinig ang tungkol kay ma'am Sally ayaw kong umiyak pa siya ulit, lalo pa nakita ko rin kaninang umaga sa paglilinis ko ang kwintas niya na nasa basurahan na binigay ng kanyang ina, at alam kong itinapon niya yun.

Paglabas ko sa kwarto ni baby Celeste ay nasalubong ko si Zephyr na umaakyat sa hagdan, may dala itong isang basket ng prutas at isang kumpol ng mga pulang rosas.

"Ate pwede ba akong pumasok sa kwarto ni Celeste?" tanong nito sa akin kaya agad naman akong tumango. "Sige ok lang, pumasok ka na sa loob basta kumatok ka muna ha, ayaw niya kasing may pumapasok sa kwarto niya tapos hindi kumakatok." wika ko naman kaya napangiti naman si Zephyr at tumango.

"Opo ate kakatok po ako, at saka pwede po bang ako na po ang mag-aalaga sa kaniya?" tanong niya ulit kaya tumango na lang ulit ako at ngumiti. "Oo naman."

"Magluluto lang muna ako ng tanghalian natin, sige na ha ikaw na ang bahala sa kaniya." dagdag ko pa.

"Sige po ate, salamat po talaga." aniya kaya ngumiti naman ako at tumango.

Mabait talaga na bata si Zephyr, magalang din at masunurin.
Kaya botong boto ako sa kaniya para sa alaga ko. May mga prutas pa siyang dala at kumpol ng mga rosas.

-Zephyr's POV-

Flashback

"Ate may mga gusto sana akong itanong sa'yo tungkol kay Celeste." sabi ko nang matapos kong sabihin na liligawan ko si Celeste.

"Ano yun?"

"About her favorites" tugon ko naman kaya ngumiti naman si ate Amy.

"Ano bang gusto mong malaman tungkol sa kaniya sasabihin ko sa'yo mukhang interesado ka talaga malaman ang tungkol sa baby Celeste ko ha." nakangiti nitong sabi sa akin.

Syempre wala pa akong alam kay Celeste, maliban lang sa hindi siya marunong magluto at takot siya sa aso hahaha! Yun lang naman.

I'm so inlove with her and I wanna know everything about her.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now