Chapter 44

3 1 0
                                    

Chap 44: I love you.

 
-Celeste POV-

Hindi na rin malakas ang ulan ngayon, tumatakbo parin ako at umiiyak dahil na rin sa sakit ng nararamdaman ko, punong puno na rin ng mga putik ang puti kong sapatos. Nanginginig na rin ako dahil sa sobrang lamig. Wala na akong pakealam kung magkakasakit ako. I really wanna go home.

"Celeste sandali!" boses yun ni Zephyr alam ko, hindi na rin naman malakas ang ulan kaya naririnig ko siya, patuloy parin ako sa pagtakbo, sinundan niya ako? Dapat nandun siya kay Trina hindi niya dapat ako sinundan. Ang sikip sikip ng dibdib ko ngayon, hindi parin tumitigil ang mga luha ko sa pag-agos, kung may mahal siyang iba bakit sinabi niyang mahal niya ako? Yung Eunice ba? Yun ba yung mahal niya? Yung babaeng humalik sa kaniya?

"Celeste please sandali!" sigaw niya nanghihina na rin ako ngayon dahil pagod na pagod na ako sa kakatakbo, ang sakit sakit na rin ng tiyan ko,  nilalamig din ako ngayon ng sobra.

"Please sandali lang!" naririnig ko rin na nanginginig ang boses niya. "Please sandali lang hintayin mo ako."  tumigil ako sa pagtakbo at narinig ko din ang mga yapak niyang papatakbo sa kinaroroonan ko, nang makalapit na siya sa akin ay agad akong humarap sa kaniya at sinampal siya ng malakas, ang sikip sikip ng dibdib ko ngayon, umiiyak parin ako.

"I hate you!" sigaw ko sa kaniya. "I hate you Zephyr Camero! I hate you!" sigaw ko sa kaniya, pinaghahampas ko na rin siya naiinis ako sa kaniya naiinis ako dahil dapat hate ko siya dapat hindi ako nagkakagusto sa kaniya dapat wala lang siya sa akin pero bakit ngayon gustong gusto ko siya bakit mahal ko na siya, ayaw kong may kasama siyang ibang babae ayaw ko dahil nagseselos ako! Bakit niya sinabing mahal niya ako kung may iba pala siyang mahal?

Pinaghahampas ko parin siya at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko para pigilan ako sa paghampas sa kaniya, malakas ang pagkahawak niya nun at.....at nasasaktan ako.

"B-bitawan mo ako ano ba!"
mahigpit parin ang paghawak niya sa magkabilang braso ko. "Zephyr ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kaniya kaya dahan dahan naman niyang inalis ang mga kamay niya sa mga braso ko, kitang kita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"Baby, I'm sorry." mahinahon niyang sabi at dun na mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

"I hate you!" tinakpan ko ang mukha ko ng magkabilang palad ko dahil malakas ang pag-iyak ko ngayon, ang sikip sikip ng dibdib ko, bakit niya ako tinatawag na baby kung may mahal siyang iba? Bakit niya ako ginaganito? Bakit niya ako pinagtritripan?

"Baby please what did I do?
Did I do something wrong? Tell me, please let me make it better." aniya malakas ang pagkasabi niya nun.

Inalis ko ang magkabilang kamay ko sa mukha ko at tumingin ako sa kaniya. Nakikita ko rin ang mga mata niyang parang iiyak na, bakit?

"Hindi ko kinakayang nakikita kang ganyan kaya please sabihin mo sa akin kung bakit nagkakaganyan ka? May ginawa ba akong masama? Galit ka ba sa akin? Baby please tell m-" hindi ko na tinapos ang sinabi niya dahil bigla akong nagsalita.

"Nakita ko kayong magkasama ni Trina kanina! Anong pinag-uusapan niyo? Gusto mo rin ba siya? May gusto ka ba kay Trina?"

Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Huh? What are you talking about?"

"Zephyr naman ano ba! Bakit mo ba ako pinagtritripan?"

"Hindi kita maintindihan." sabi niya sabay iling ng kanyang ulo.

"Pinagtritripan mo lang ako Zephyr! Nakipaghalikan ka sa ibang babae tapos sinabi mong mahal mo ako? Tapos kanina makikita kong kasama mo si Trina? Pinagtritripan mo lang ako! May mahal kang iba tapos sasabihin mo sa akin na mahal mo ak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang siko ko at hinila niya ako ng malakas palapit sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi ko, matagal, sobrang lapit niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko habang ginagawa niya yun.

Hindi parin siya tumitigil sa paghalik sa akin, bakit niya ako hinahalikan ngayon?

Dahan dahan siyang bumitaw sa paghalik sa akin.
"I love you, Celeste." aniya, gulat akong nakatingin sa kaniya ngayon at hindi ako makapagsalita dahil na rin sa ginawa niyang paghalik sa akin at sa salitang narinig kong sinabi niya ngayon, tama ba ang narinig ko? He loves me?

"A-anong sabi mo?" I stuttered.

"I said I love you." aniya
"Mahal na mahal kita Celeste, ikaw lang ang babaeng mahal ko."  hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko sa sinabi niya, mahal niya rin ako? Kaya niya ba ako hinalikan kanina? Ako ba yung babaeng mahal niya na sinasabi ni Trina? Ang bilis parin ng tibok ng puso ko, medyo tumigil na rin ang ulan sa pagbuhos at ambon na lamang ngayon ang pumapatak.

"Kung ano man ang iniisip mo tungkol sa amin ni Trina, at sa paghalik ni Eunice sa akin, just stop it ok? Wala akong ibang mahal kundi ikaw lang, totoo yung sinabi ko kahapon na mahal kita, mahal kita Celeste. Matagal na kitang mahal, 'wag na wag mo din isipin na pinagtritripan kita dahil kahit kailan hindi ko magagawa yun sa'yo."  kalmado niyang sabi sa akin, matagal na niya akong mahal? Anong ibig niyang sabihin? nanginginig ako ngayon dahil sa lamig na nararamdaman ko, gusto ko na umuwi. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "Let's go home, baby." aniya at hinila niya ako kaya nagpahila na rin ako kahit na nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang lamig na nararamdaman ko pareho kaming basa ngayon dahil sa ulan.

Habang hila hila niya ako ay hindi parin tumitigil ang puso kong sobrang bilis ng tibok, nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, siya naman ay nakatingin lang sa dinadaanan namin, nanginginig na ako dito sa lamig pero siya ay parang hindi nilalamig at parang wala lang sa kaniya ang pagkabasa niya sa ulan.
Sanay na siguro siya mabasa ng ulan.

Kakaunti na lang ang ambon na pumapatak ngayon, tumigil kami sa paglalakad at napansin kong parking lot pala ito ng school. Binitawan niya ang braso ko at lumapit siya sa asul na kotse niya. Binuksan niya yung kotse niya at nakita kong may kinuha siyang hindi ko alam kung ano.

Sinara niya ang pinto ng kotse niya at nakita kong may hawak siyang brown na makapal na jacket, lumapit siya sa akin at dahan dahan niyang inilalagay yun sa likod ko nang hindi nakatingin sa akin, kumunot ang noo ko anong problema niya?

Binaba ko ang tingin ko sa suot kong blouse na basa at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kitang kita pala ang pink kong bra sa loob. Agad kong kinuha ang jacket na nilagay niya sa likod ko at tinakpan ko ang dibdib ko. Tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Nakita ko siyang humakbang palapit sa kotse niya at binuksan ang pinto ng front seat.

"H-halika na, umuwi na tayo." aniya nakatingin ako sa kaniya pero siya hindi nakatingin sa akin, hawak  hawak ko ng mahigpit ang jacket niyang tinatakpan ko sa dibdib ko, damn amoy na amoy ko ang jacket niyang sobrang bango.

Malakas at mabilis parin ang tibok ng puso ko ngayon.

Yung sikip sa dibdib na nararamdaman ko kanina at sama ng loob ay nawala na lang bigla dahil sa kaniya, bigla niya akong hinalikan kanina pero hindi ako nagalit dun, nagulat lang ako na ginawa niya yun, at natutuwa ako dahil narinig ko sa kaniya na mahal niya rin ako. Mahal ko din siya. I love Zephyr,  I'm inlove with him.

Hindi ko alam pero mabilis akong humakbang palapit sa kaniya at niyakap ko siya, nabitawan niya rin ang pinto ng kotse at naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"Baby, you're so cold, come on umuwi na tayo." mahinahon niyang sabi sa akin, hindi parin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kaniya, alam kong nanginginig parin ako sa lamig na nararamdaman ko at pareho parin kaming basa hanggang ngayon. Gusto kong sabihin sa kaniya na parehas kami ng nararamdaman.

"M-mahal din kita Zephyr!" sabi ko, mahal ko si Zephyr, mahal ko siya.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang kamuhian yung lalaking hindi ko inaakalang mamahalin ko rin pala ngayon.

I'm inlove with him, I'm inlove with Zephyr and I never thought I'd be the type to fall for someone but here I am completely captivated by him.

Perhaps my heart was never truly cold, but merely waiting for the right person to thaw it, and even the most hardened heart, like a frozen lake in winter, can be melted by the warmth of unwavering kindness. It takes time, patience, and a gentle touch, but the sun of compassion can eventually break through the ice and reveal the beauty that lies within and I realized na si Zephyr ang dahilan ng mga pagbabago ko, siya ang dahilan kung bakit bumalik ang mga ngiti ko.

-End of Chapter 44-

Tysm.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now