Chapter 6

16 1 0
                                    


Chapter 6: Familiar


Kinabukasan ay naisipan kong magjogging muna mula dito sa bahay hanggang sa Park lang naman hindi rin naman matao sa Park kaya naisipan kong gawin toh. Naka purple t-shirt ako at itim na leggings, pagkarating ko ng Park ay nagpahinga muna ako saglit nauuhaw na rin ako kasi hindi pala ako nagdala ng tubig.

"Last!" sabi ko at nagjogging pabalik ng bahay hindi rin naman malayo ang Park sa bahay, pero napatigil ako sa pagjogging ng may makita akong mag-inang nakaupo sa isang bench, sinusubuan nito ang anak ng ice -cream, hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sa dalawa ng matagal at bigla na lang tumulo ang aking mga luha at pinunasan yun arghh!!! ano ba makaalis na nga!

Habang nagj-jogging ay hindi ko parin maiwasan na umiyak dahil sa nakita ko, bagay na lagi kong hinihiling nung bata pa ako, pero bakit kahit tumigil na ako sa kakaasa na makita ko pa ulit siya nasasaktan pa rin ako. Iniisip niya kaya ako? Mahal niya parin ba ako? May pamilya na ba siya sa States at kinalimutan na niya ako?
Pinunasan ko ang mga luha ko habang patuloy parin sa pagj-jogging hanggang sa-

*Bogsh*

"Aray!"  sigaw ko at biglang napaupo sa sahig, yung pwet ko! ang sakit nun ah aray ko, napahawak ako sa lower back ko sheyt bakit ang sakit.

"Miss ok ka lang?" boses ng lalaki naririnig ko teka, marahan kong iniangat ang ulo ko at nakita kong may kamay na nakalahad sa akin.

Tiningnan ko lang yun at hindi tinanggap ang kamay niya, kaya tumayo naman ako at tinitigan siya ng masama.

"T-teka sorry hindi kita nakita, ok ka lang ba n-nasaktan kaba? Sorry talag-" hindi na natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinampal sa kaniyang pisngi, hayan. Hindi ko alam pero sa mga oras na yun masama ang loob ko, at hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga iniisip ko kanina o dahil nabangga ako ng lalaking nasa harapan ko na tumatakbo kanina, nagmamadali siya sa pagtakbo na parang may hinahanap. Matalim lang akong nakatingin sa kaniya habang tumutulo ang mga luha ko, kita ko naman yung gulat sa pagmumukha niya.

"Miss I'm sorry, please umiiyak ka ba dahil nasaktan ka?" tanong niya pero nakatingin parin ako ng masama sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?"
tanong niya ulit pero bigla na lang dumilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.

3rd Person Point Of View.

Nang mawalan ng malay si Celeste ay agad naman itong binuhat ng lalaking nakabangga sa kaniya. Si Zephyr. Binuhat niya ito at dinala sa malapit na hospital.

"How is she?" tanong ni Zephyr sa isang doctor, nakahiga parin ang walang malay na si Celeste sa higaan nito.

"Don't worry she's ok, maaaring stress lang siya at walang kain, wala namang natamo sa pagkakabagsak niya kanina, ikaw talaga hijo." wika ng doctor sabay ngisi.

"Thank you Doc."

"Do you know her?" tanong ng doctor sa kaniya kaya napailing naman si Zephyr bilang sagot. "Maiwan na kita." sabi ng doctor at umalis na at iniwan dun si Zephyr kasama si Celeste na natutulog "But she's familiar." bulong nito sa sarili habang nakatingin kay Celeste. "I think I've seen you before pero hindi ko lang maalala." bulong niya ulit sa sarili niya, napansin niyang gumalaw ang dalaga kaya umayos ito ng upo.

Celeste POV.

"Lola...." napadilat ako ng unti unti at bigla ko nakita ang isang lalaki sa gilid ko, itim ang buhok nito, makisig ang pangangatawan, manipis ang kaniyang mga labi, hindi mapagkaila na may angkin itong kagwapuhan, matangos ang ilong, may kaputian at maganda rin ang kaniyang mga mata. But I'm just describing him hindi siya gwapo sa paningin ko.

"Nas'an ako? Bakit ako nandito?sino ka?" sunod sunod na tanong ko at bumangon. "Uuwi na ako." sabi ko at biglang tumayo.

"Teka sandali!"

"Ano?!"

"Ihahatid na kita saan ka nakatira?"
tanong niya kaso hindi ko na lang siya pinansin at umalis na lang ko dun.
Ano ba! Bakit ba kasi nandito ako?anong nangyari?

Pagbukas ko ng pintuan dito sa kwarto at agad na akong lumabas palabas, ewan kung nas'an dito ang exit, nahihilo na rin ako at nagugutom.

"Hey miss sandali!" sigaw ng lalaking nasa likuran ko nakahawak siya sa kamay ko kaya agad ko naman yun kinuha at humarap sa kaniya.

"Ano ba! Pwede bang huwag mo akong hahawakan! Hindi kita kilala at pwede bang hayaan mo na akong umuwi?" sabi ko sa kaniya, kitang kita ko yung pamumungay ng mga mata niya, pero wala akong pakealam, gusto ko na umuwi.

"Hindi diyan ang exit, miss. Dito!" hinawakan niya ako at hinila, akala ko sa bandang kaliwa yung exit, sa kanan pala. Hindi ko nabasa yung sign kanina hays, gutom na gutom na ako.

Paglabas ng hospital ay mabilis kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I told you na huwag mo akong hahawakan!" sigaw ko sa kaniya at tiningnan siya ng masama, teka pamilyar ang isang toh ah, kumunot ang noo ko nang maalala ko na siya pala yung lalaking sinampal ko kanina at siya din yung lalaking nakita ko kahapon palabas ng cafe at may kasamang golden retriever na aso.

"Ok ka lang ba?" tanong niya pero nakakunot parin ang noo kong nakatingin sa kaniya. "San ka ba umuuwi ihahatid na kita sa inyo." aniya pero nilagpasan ko na lang siya nakakainis ayoko! hindi ako comfortable sa kaniya.

"Miss sandali!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sa sobrang pagkainis ko ay nasampal ko ulit siya sa mukha niya.

"Bakit ba ang kulit mo?!" sigaw ko sa kaniya pero napansin ko na namula ang mukha niya, tsk! yan kasi ang kulit.

"Nakakadalawa ka na." sabi niya sabay ngisi, baliw! nasampal na nga ngumingisi pa, kaya mabilis na akong tumakbo paalis dun at para hindi na siya mangulit pa sa akin kasi baka masampal ko na naman siya.

Nagj-jogging ako pauwi nun habang pinupunasan mga luha ko, nang bigla kaming magkabanggaan at napaupo na lang ako sa sahig sa pagkakabagsak,  nang tumayo ako nun sa pagkakabagsak ko ay bigla ko siyang nasampal sa pisngi niya,  pagkatapos nun hindi ko na naalala ibang mga nangyari ang naalala ko lang ay dumilim ang paningin ko.
Nawalan ba ako ng malay? Kaya ba ako nasa hospital dahil dinala niya ako dun?

Kahit na nasampal ko siya nun ay dinala niya parin ako sa hospital, at nung nagising na ako ay gusto niya akong ihatid pauwi, kahit na nagmagandang loob siya ay hindi ko parin yun tinatanaw na utang na loob, hindi ako comfortable sa kaniya,  hindi ako comfortable sa mga lalaki, lalo na sa lalaking yun.

End of Chapter 6.

Thank you.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now