Chap 45: I love her since I was 8.
-Zephyr's POV-
Sabi na eh mahal na niya talaga ako, my Celeste loves me too, she loves me, my baby loves me, this is not a dream at kung panaginip man ito sana hindi na ako magigising but I know this is real, this is real damn it, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon, akala ko imposible dumating yung araw na mahalin niya ako pero hindi pala, nagkamali ako, mahal niya ako. And she's jealous of Trina and Eunice, kung alam niya lang sana gaano ako kabaliw sa kaniya.
Ramdam na ramdam ko yung panginginig ng katawan niya dahil sa lamig, kaya kailangang makauwi na kami asap, baka magkasakit pa siya.
Kumalas na siya sa pagyakap sa akin and she looks at me with teary eyes.I smiled at her and wipes her tears.
"Get inside baby, kailangan na natin makauwi." I said with a calm tone, kaya agad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan at naupo dun sa front seat.She's really cute. I wanna kiss her again.
Nang isinara ko ang pinto ay bigla na lang ako napangiti dahil na rin sa kilig na nararamdaman ko ngayon, I kissed her in the rain, I was able to confess my feelings, at ang saya malaman na mahal ka din ng babaeng matagal mo nang minamahal at kinahuhumalingan simula nung bata ka pa.
I love Celeste since I was 8.
At ngayong 19 na ako mas minamahal ko pa siya lalo.-Celeste POV-
Kumunot ang noo ko nang pumasok siya sa kotse na nakangiti, anong meron? Nababaliw na ba siya?
Nakangiti parin siya at teka...
napansin kong dahan dahan niyang inaalis ang butones ng polo niya.Umiwas ako ng tingin nang simulan niyang hubarin ang polo niya at tumingin na lang ako sa bintanang nasa gilid ko, tinted din ang bintana ng kotse niya. Pero teka- bakit niya hinubad ang suot niyang polo? May gagawin ba siyang masama sa akin? Pagsasamantalahan niya ba ako dito?
Kinuyom ko ang dalawang kamao ko, kahit mahal ko siya hindi ako papayag na babastusin niya ako dito sa loob ng sasakyan niy-
"Ito baby para hindi ka lamigin." rinig kong sabi niya at naramdaman ko na lang na may kung anong tela ang bumalot sa katawan ko, nang tingnan ko yun ay isang makapal na towel pala, nilagay niya sa yun sa katawan ko, damn ang bango ng towel niya.
Bumaling ako sa kaniya at nakita kong may suot na siya ngayon na kulay black na t-shirt. Shit!
Masyado akong naging judgemental argh! Akala ko may gagawin siyang masama sa akin! Magbibihis lang pala siya.Nagdadala pala siya ng mga gamit niya, masyado naman siyang prepared pero payong hindi niya naisipang dalhin.
He furrowed. "What's wrong?" he asked.
"W-wala." ani ko at tumingin ulit sa bintanang nasa gilid ko.
Nagulat ako nang bigla niyang isinuot ang seatbelt sa akin. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita ko siyang nakangiti sa akin kasabay nun ay ang pagtapik niya ng dahan dahan sa ulo ko.
Nanatili parin akong nakatingin sa kaniya, isinuot niya na rin ang seatbelt niya at sinimulan niyang paandarin ang sasakyan.
What the fudge! Hindi ako makafocus kakatitig sa kaniya dahil sa amoy ng towel niyang nasa katawan ko. Shit.
Ang bango bango ng jacket at towel niya, lalo na nung lumapit siya para isuot ang seatbelt sa akin, amoy na amoy ko siya. He smells so good. His scent is kinda addicting."Alam kong nakatingin ka sa akin." nakangisi niyang sabi habang nagmamaneho kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
Pinindot ko ang switch ng power window para ibaba ito, tumingin lang ako sa labas na nalalagpasan namin hindi rin kasi mabilis ang pagmamaneho ni Zephyr. Tumila na rin pala ang ulan pero basa parin ako hanggang ngayon, nakikita ko din ang mga vendors sa gilid ng kalsada at basang basa din sila, kawawa naman sila.
Nagugutom na rin ako ngayon at inaantok na.
-Zephyr's POV-
Medyo malayo pa bago kami makarating sa bahay, ayaw ko din bilisan ang pagmamaneho lalo pa kasama ko si Celeste.
Bumaling ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa labas mula sa bintana ng kotse. Ito yung first time na nakasama ko siya sa pagmamaneho. Ang bilis ng pintig ng puso ko.
Nakayakap siya sa sarili niya dahil sa lamig na nararamdaman niya, ang cute niya talaga.
"Just close the window, baby." nakangiti kong sabi at tinuon ko na ang atensyon ko sa pagmamaneho. Alam kong nakatingin na siya ngayon sa akin. I can't stop myself from smiling.
Nakakamiss din yung pagsusungit niya sa akin, baliw na nga ata ako kasi dahil sa sinabi niyang mahal niya din ako nakalimutan kong sinampal niya pala ako kanina. Napapailing na lang ako habang nakangiti.
"Anong ningingiti ngiti mo dyan?" narinig kong tanong niya kaya tumingin ako sa kaniya, nakakunot ang noo niya.
"Nothing." tipid kong sabi, nakangiti parin ako hanggang ngayon. Hirap talaga pigilan ng kilig pag kasama ko siya.
"Baka makabangga pa tayo sa ginagawa mong pag-ngiti dyan!" she said. "Magdrive ka na nga lang!"
"Yes ma'am!" ani ko at tinuon ko na ulit ang atensyon sa pagd-drive, damn I'm still smiling.
"Baliw." narinig kong sabi niya.
I chuckled.
-Celeste POV-
Nababaliw na siguro siya kanina ko pa siya nakikitang nakangiti eh, ano bang ningingiti ngiti niya dyan?
"Z-zephyr." mahina kong tawag sa kaniya, kaya bigla naman siyang bumaling sa akin, he's smiling.
"Yes po?"
"Magkakilala pala kayo ni Trina?" I asked and his smile faded.
He nodded. "We were friends." tugon niya kaya tumango na lang din ako ng dahan dahan, magkaibigan pala sila. Ok. "Close kayo?" I asked again.
"Not really." he said at nagulat ako nang bigla niyang itinigil ang sasakyan.
"Why did you stop?" I asked.
"Sorry baby, hindi ako makafocus sa kakadrive lalo na kinakausap mo ako kaya itinigil ko muna." mahinahon niyang sambit at nakita ko siyang ngumiti ulit at naramdaman ko din ang pagpisil niya sa pisngi ko.
"Nagseselos ka ba?""Huh?" nakaawang ang bibig ko.
"I know you're jealous, baby." he said, kalmado parin ang tono niya kaya umiwas ako ng tingin.
Oo nagseselos ako, lalo na magkasama sila kanina at saka hindi ko parin nakakalimutan yung paghalik ng babae sa kaniya kahapon na Eunice pala ang pangalan.
"Magdrive ka na lang ulit please, gusto ko na umuwi." sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
"Just tell me you're jealous please."
"I'm okay Zephyr." malamig kong sambit.
"Please baby." pakiusap niya kaya umiiling na lang ako. "Gusto ka niya diba?"
"Pero ikaw ang gusto ko." narinig kong sabi niya, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa narinig kong ako lang ang gusto niya.
"She loves you." ani ko.
"But I love you." narinig kong sabi niya ulit hindi parin ako nakatingin sa kaniya, namumula na rin ang mga pisngi ko.
Nagulat ako nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa kanang pisngi ko. "Baby please look at me." mahinahon niyang sabi sa akin, napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin din siya sa akin at nakangiti, nakahawak parin siya sa kanang pisngi ko hanggang sa dalawang pisngi ko na ang hawak niya. Hinahaplos haplos niya ang mga pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.
Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko.
"I love you Celeste, I love you so much and I just want you to know that I've liked you since we were kids and I've been holding onto that feeling for a long time. I've always had a thing for you, baby and you were the only girl I could think about."
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...