Chapter 17

6 1 0
                                    

Chap 17: SSG President

"Bro stop, let her go!"

"No." malamig na sambit ng presidente, nakahawak parin siya ng mahigpit sa braso ko at nakatingin sa akin ng masama. "A-aray." hindi ko na kaya ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko, napatingin ako kay Zephyr na nasa tabi na niya ngayon, seryosong seryoso ang mukha niya.

"Tama na, bitawan mo na siya." ani Zephyr.

"No, I must teach this girl a lesson." sabi ng lalaking nakahawak ng braso ko at mas lalo lang hinihigpitan pagkahawak sa braso ko, ang sakit.

"Ako na, ako na ang bahala sa kaniya bitawan mo na siya." sambit ni Zephyr, seryoso parin siyang nakatingin sa akin, is he mad? So what?

"Fine." malamig na sambit ng president at binitawan ang braso ko at humakbang na siya paalis para umupo sa upuan niya, nakita ko din na namula ang braso ko, ang sakit ng pagkahawak niya eh, namanhid na rin yung kamay ko at para akong nanghihina. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Zephyr ang kamay ko at hinila ako palabas ng classroom, nasa hallway kami at hila hila niya parin ako. Ano bang problema niya? Nakakainis siya bwiset! Mas lalo lang lumalala pagkamuhi ko sa kaniya

"Zephyr ano ba! Sandali lang bitawan mo ako!" kinuha ko ang kamay ko at tumigil kami sa paglalakad, humarap siya sa akin at seryoso ang mukha niya, ano bang problema niya?galit ba siya? Wala naman akong ginawa, nakakainis siya bwiset! bwiset, nakikita ko lang pagmumukha niya nasisira na araw ko.

"Celeste ano ba ginawa mo?!" malakas ang pagkasabi niya nun.

"Wala." akmang lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Zephyr ano ba!" sigaw ko sabay kuha ko ng kamay kong hawak niya, nakatalikod ako sa kaniya.

"Ganyan ka ba talaga ha? Kahit sa ibang tao pinapakita mo yung ganyan mong ugali?" Tangina ano? Ang kapal ng mukha niya bwiset siya.

"Bakit? Mas kinakampihan mo ba yung lalaki na yun?"

"Hindi sa ganun Celeste, wala akong kinakampihan."

"Eh bakit nagagalit ka?" tanong ko sa kaniya, kinuyom ko ang dalawang kamao ko, hindi ko alam pero naiiyak ako, pero kailangan kong pigilan ayokong umiyak dito. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang magkabila kong balikat at dahan dahan niya akong pinaharap sa kaniya.

He sighed, kitang kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. "I'm not angry ok? I'm sorry if I made you feel that way, I'm just worried about you." he said with a calm tone at hinawakan niya ang kaliwang braso ko, ang brasong hinawakan ng president kanina.

"Does it still hurt?" he asked, pero mabilis ko namang inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"I'm ok." malamig kong sambit at umiwas ng tingin sa kaniya. He was worried huh?bakit naman siya nag-aalala sa akin?Kanina seryosong seryoso yung tingin niya sa akin tapos ngayon titingnan niya ako ng mapupungay niyang mga mata.

Nandito kami ngayon sa hagdan, 4th floor din kasi ang building na ito, nakaupo kaming dalawa dito na magkatabi pero may space sa gitna, ayokong magkadikit kami. I still hate him tho. Nakaside view siya at nakatingin sa ere, hindi ko din mapigilang tumitig sa kaniya, kahit nakaside view ang gwapo niya, he's wearing white polo and black slacks, may bulsa sa gilid ng polo niya, Wait what?did I say gwapo?yuck noooo!!! Umiwas ako ng tingin at tumingin ako sa braso kong namumula parin.

"Ano ba kasi ginawa mo at bakit uminit ang ulo ni Nathan sa'yo?"

"Nathan?" kumunot ang noo ko at napatingin ako sa kaniya nakatingin na rin siya sa akin.

"Yeah, he's the SSG president last year." Oh?last year pa naman pala bakit SSG president parin ang tingin ng mga ibang estudyante sa kaniya?

"Hindi pa naman siya nakakaalis sa pagiging SSG President niya, kaya sa tingin ko hanggang ngayon siya parin ang SSG president ng school na ito." dagdag niya, ok so what? I don't care.
"He's my half brother." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya?ano?half brother?anong ibig niyang sabihin?

"Half brother?"

"Yeah." tipid niyang sabi at yumuko ito nakita ko rin na malungkot ito.
"Anak siya ng mom ko sa ibang lalaki." aniya, nakita ko rin na nakakuyom ang isa niyang kamao. Hindi ko gustong maging matanong pero curious ako, gusto ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Tumayo siya at nakita ko rin na nakatingin na siya sa akin at nakangiti, nilahad niya ang isang kamay nya sa akin.

"Halika na pumasok na tayo?" nakangiti niyang sabi, nakatingin lang ako sa kaniya. Gusto ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin, pero ayoko magtanong. May tinatago ba siyang lungkot sa likod ng kanyang mga ngiti? Hindi ko na inabot ang kamay ko sa kaniya bagkus ay tumayo na ako, nauna na rin akong maglakad at naiwan siyang magisa dun na nakalahad ang kamay sa ere.

Naglalakad ako sa hallway pabalik ng classroom nang tawagin niya ako, mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Section tulip ka rin pala." aniya, hindi ko na lang siya pinansin.

"Hindi ko inaasahan na magiging kaklase kita, same pala tayong 4th year." aniya pero hindi ko parin siya pinapansin.

Nang makapasok na kami sa classroom ay naupo na kaming dalawa parehas sa mga upuan namin, nagklase din kami, pero bago yun ay nag-introduce yourself pa, ako ang last sa introducing yourself kasi nga transferee, nung nagsasalita ako sa harapan ay pangalan ko lang at last name ko ang sinabi ko, yung iba kasi sinali pa mga edad nila. Nakakapagtaka rin na ang ibang mga lalaki ay napapatingin sa akin, yung ibang mga babae naman ganun din pero napapairap at nagbubulongan naman ang iba, anong problema nila?

Nakakainis din kasi yung half brother ni Zephyr ang katabi ko sa upuan, si Zephyr naman nasa pangalawang row nakaupo, nasa pangatlong desk siya, bawat row kasi lima lang ang desk at may dalawang upuan sa bawat desk, babae ang katabi niya dun, napapansin ko rin na parang kinikilig yung babaeng katabi niya. What the fudge, ito namang si tukmol pasulyap sulyap sa akin tapos yung babaeng katabi naman niya ang talim ng tingin sa akin pag nakikita niyang nagkakatininginan kami ni Zephyr, what's her problem?

Ewan ang awkward naman nito, bakit kasi sa dami dami ng estudyante yung SSG President pa ang makakatabi ko Argh!!

END OF CHAPTER 17.

TYSM!💗

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now