Chapter 5

12 1 0
                                    


Gwapo

Matapos kong mamili sa mall ay dumiretso kami sa isang cafe, umorder ako ng matcha, siya naman ay espresso wow social ang isang to ah.

"Mahilig ka pala sa matcha ma'am." aniya habang nakatingin sa akin na nakangiti, napakunot naman ako sa noo, what's with her?

"Stop looking at me and drink your coffee para makaalis na tayo dito." sabi ko sa kanya na walang ekspresyon, napapansin ko rin kasi sa peripheral vision ko na nakatingin parin mga tao sa akin, what's with  them ba?

"Sige po ma'am." aniya at sinunod ang sinabi ko.

"Wait here, mag-ccr lang ako." sabi ko at tumayo agad para pumunta ng restroom.

Hindi naman talaga ako mag-ccr I just wanna stay here for a while since kanina pa ako naiilang, unang labas ko lang naman to treat myself pero bakit ganito? it makes me feel weak, I don't want people to look at me, I also hate crowded places. Arghh.

Bigla kong binuksan ang gripo at hinugasan ang kamay ko, kinuha ko ang tissue sa shoulder bag ko at pinunasan ang kamay ko.

"Argh I wanna go home!"
naiinis kong sabi habang nagpupunas pa rin ng kamay gamit ang tissue.

I looked myself in the mirror and kitang kita ko dun ang pawis ko sa noo ko, at sa leeg ko, ewan ko ba pero hinang hina ako pag ganito, lalo na pag madami ang mga tao sa paligid ko at lalo na pag may mga taong nakatingin sa akin. Kalma self! Kalma!
It'll be okay.

Nagulat ako nang biglang may lumabas na babae galing sa cubicle, lumapit ito at pumunta sa tabi ko and she also washed her both hands, pagkatapos niya gawin yun at tumingin siya sa akin at ningitian ako.
Arghh! ang weird!

"Hi, you look pale are you ok?" she asked but I didn't answer her.

"May pinagtataguan ka ba sa labas?" tanong niya ulit pero hindi na lang ako kumibo, inayos ko na lang ang itim kong mahabang buhok, naglagay ng konting pink lipstick sa pink ko nang lips na manipis, at naglagay ng konting powder sa makinis kong mukha, I'm petite, and syempre sexy, matangos ang ilong ko, at medyo mahaba ang mga pilik mata ko.
I look at her in the mirror and nakangisi naman siyang tinitingnan ako. So weird!

"Kung ganyan lang din ako kaganda, hindi na ako talaga magtatago." sabi niya at umalis na siya at naiwan akong mag isa dito sa restroom, natulala na lamang ako sa mukha ko sa salamin, arghh!

"Ma'am ang tagal niyo namang mag cr, tumae po ba kayo?" tanong ng maid kaya umalis na lang ako at hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Ma'am teka lang!" sigaw niya.

"Bilis!" sabi ko at lumabas ng Cafe argh I wanna go home!

Paglabas ko ng Cafe ay nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isang lalaking matangkad at nakabaseball cap sa di kalayuan, may kasamang golden retriever na aso agad akong tumawag ng taxi at sumakay dun.

"Ma'am Celeste!!" tawag niya pero nakalayo na ang taxi, argh ang bagal niya kasi naiwan tuloy.

Napaisip tuloy ako pa'no kaya siya makakauwi sa amin, ah oo nga pala binigyan ko siya ng limang libo kanina siguro hindi naman niya yun inubos kaya may pamasahe siya pabalik ng bahay. Bakit ba kasi may aso dun? Phobia ko talaga yung aso ano ba yan! Pero bakit ganun? Kilala ba ng maid yung lalaki kanina na nakabaseball cap? nung nakita ko kasi na patakbo yung maid nung tinawag niya ako, biglang lumapit sa kaniya yung lalaki, hala! Hindi kaya boyfriend yun ng maid? What??????? Pero imposible naman maid yun eh at saka halata namang mayaman yung lalaki.

"Oh apo, mabuti naman at nakarating ka na." sabi ni lola at biglang napatingin sa likod ko. "Nas'an si Joan?" tanong ni lola sa akin kaya napakibit balikat na lang ako, malay ko. "Who's Joan, la?" tanong ko at napahiga sa malambot na sofa at pumikit, I'm tired.

"Eh sino pa ba eh di yung maid na kasama mo kanina." ani Lola.

"Ewan ko." saad ko naman habang nakapikit parin.

"Celeste apo, kung may sama ka ng loob at problema you can tell me ok? Huwag mo ibuntong sa iba yung sama ng loob mo, alam kong iniwan mo si Joan, tama ba ako?" tanong ni lola pero nakapikit parin ako. Joan pala pangalan niya ano bang pake ko.  Teka! napadilat ako at tumayo nang marealize ko na nandun pala sa kaniya lahat ng mga pinamili ko sa mall.

"Apo bakit?" tanong ni lola kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Sorry lola, nakakita kasi ako ng aso kanina at nung nakita ko yung aso na yun bigla akong natakot tapos mabilis akong sumakay ng taxi kaya naiwan ko yung maid." wika ko sa kaniya kaya lumapit naman si Lola sa akin para yakapin ako, Lola knows that I'm scared of dogs. Nang kumalas na si lola sa pagkayakap ay biglang dumating si Joan, ang maid na iniwan ko kanina hays. Buti naman at nakabalik ka pa.

"Akin na mga pinamili ko!" lumapit ako sa kaniya at hinablot ang mga pinamili ko. " Mabuti naman at hindi mo ito naiwan dun." sabi ko pero ngumiti lang siya sa akin, ano na namang ningingiti ng babaeng to? Teka!

"Naku mag-usap nga kayong dalawa, maiwan ko muna kayong dalawa at may gagawin pa ako." sabi ni lola at hinalikan muna ang pisngi ko bago ito umalis.

"Oh anong meron dyan sa ngiti mo?" tanong ko sa kaniya pero nakangiti parin ito, parang timang.
"Oh, ihatid mo lahat ng yan sa kwarto ko." inabot ko ang mga paper bags sa kaniya at tinanggap naman niya yun ng may ngiti, parang tanga!

"Ang gwapo niya talaga, naku kung yun lang magiging boyfriend ko papayag talaga ako." aniya at bigla namang kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya, pero nakaakyat na ito sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Hindi kaya yung lalaking yun hinatid niya si Joan papunta dito? Gwapo?? Boyfriend? Papayag? Ano? Hinatid ka lang nangangarap ka na.

End of Chapter 5.

Thank you.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now