Chapter 4

11 1 0
                                    

Ganda

Celeste Point Of View.

"Ma'am Celeste ito na po ang gatas niyo." sabi ng isang maid at nilagay ang isang baso ng gatas sa mesa sa gilid ng kama ko.

"Sige iwan mo na lang yan dyan, salamat." sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya, syempre nagbabasa ako ng libro.
Paglabas niya at pagsara niya ng pinto  ay bigla ko namang hinagis ang librong binabasa ko sa dingding.

"Nakakaumay, ano ba 'tong mga niregalo regalo nila sa akin puro romance books what the fudge, mukha ba akong mahilig sa mga romance books?!" naiinis kong sabi at sunod sunod na inihagis sa sahig ang mga librong nasa kama ko, nakakainis! Sa sobrang inis ko ay pati yung mga unan, at stuff toys na nasa kama ko ay inihagis ko na rin. Argh!

Balak ko rin sanang ihagis yung baso ng gatas sa mesa kaso bigla akong natigilan ng makita ko ang isang kwintas dun na may hugis puso. Oh hell. Kinuha ko yun at itinapon sa sahig argh, promises are meant to be broken!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si lola. Crap! I made a mess.

"Celeste ano na naman ba ito?! Ano bang nangyayari sa'yo at nagkakalat ka?" tanong ni lola at lumapit siya sa akin, umupo siya sa gilid ng kama ko at ako naman ay bigla na lang napaluha.

"I'm sorry lola, sorry, I'm really sorry." iyak ko at bigla na lang akong napayakap sa kaniya habang umiiyak.
Niyakap niya naman ako pabalik at tinapik tapik pa likod ko.

"It's ok apo, hindi ako galit, naiintindihan kita." ani Lola at sa pagkakataon na yun ay bigla na lang akong humagulgol habang nakayakap parin sa kaniya. Sorry.

Lola is always there for me when I feel sad and down, siya lang yung taong umintindi sa'kin including my yaya Amy, sa tuwing nagwawala ako sa sarili ko ay si lola lang ang tanging nagpapakalma sa'kin and that makes me feel better, si Lola at yaya Amy ang taong nagpalaki sa akin, hindi man ako kagaya nila na mabait pero lagi nila akong iniintindi at dinadamayan, lagi silang nandyan para sa'kin.

Nang makalma na ako ay pinahiga na ako na ako ni lola sa kama ko,  at pinatulog , ininom ko na rin naman ang gatas na tinimpla ng maid kanina, at tinawag din siya ni lola para linisin ang mga kalat ko, kita niyo na, ako nagkalat pero yung maid ang naglinis pero pake niyo ba, trabaho niya naman yun eh.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising, naligo muna ako at nagbihis, I'm wearing off shoulder top, denim skirt and white shoes at may shoulder bag na bitbit sa balikat, kumain na rin ako ng breakfast, it's sandwich at nilagyan ko ng palaman na lady's choice, syempre hindi ako magluluto kasi hindi naman ako marunong nun.
Sinabihan ko na rin naman si Lola kagabi na mags-shopping ako ngayon, and pumayag naman siya kasi para naman sumaya naman daw ako kahit papaano. Pero unfamiliar pa ang lugar na to sa'kin, kaya nagpasama na lang ako sa isa pang maid ni lola dalawa lang naman ang maid ni lola dito sa bahay, ayoko talaga ng kasama pero sige ok na yan hindi ko alam saan ang Mall dito eh.

"Ma'am ok lang talaga na sumama ako sa inyo na ganito ang suot ko?" sabi niya habang nasa loob kami ng taxi nakamaid outfit kasi siya.

"Buti nga sinama kita diba? kaya huwag ka nang magreklamo." sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Pero ma'am hindi pa kasi ako nagpapaalam sa lol-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng inabutan ko siya ng limang libo.

"Buy whatever you want there, and huwag kang mag-alala hindi magagalit si lola sa'yo,  nakalimutan ko lang sabihin kay Lola na hindi ko pa kabisado ang lugar dito sa Maynila, kaya sinama kita,"  sabi ko sa kaniya habang nakahalukipkip. "Don't forget that I'm your amo too." dagdag ko pa sabay irap, hayan natahimik ka sa limang libo. Kapal talaga ng mukha ng maid na'to.

Pagdating sa Mall ay namili ako ng mga bagong damit ko, bagong sapatos, at heels, at ibat iba pa, binayaran ko na rin naman lahat, nakakainis lang talaga na sa tuwing lumalakad ako dito sa Mall ay ang daming tumitingin sa akin ano bang meron sa mukha ko? Kahit nung paakyat at pababa ako ng escalator ganun parin, arghh! I really hate people! tusukin ko mga mata nila eh.

"Pst, hoy lumapit ka nga dito dali." sabi ko sa maid na may dala dalang mga plastic bags, syempre pinadala ko sa kaniya mga pinamili ko.

Mabilis naman siyang lumapit sa akin. "Bakit po ma'am?" tanong niya kaya bigla bigla ako napalinga linga pero yung ibang mga tao ay nakatingin parin sa akin, malapit na kami sa exit ng Mall.

"May dumi ba mukha ko?" sabay turo ko sa mukha ko, pero nagpalinga linga naman siya bago sumagot. "Wala po ma'am." aniya at ngumiti.

"Anong ningingiti ngiti mo dyan? nagtatanong ako ng maayos babae." sabi ko naman sa kaniya na walang ekspresyon ano ba yan ang weird ng isang to.

"Eh kasi ma'am alam ko po kanina pa na madami na nakatingin sa inyo, mapa babae man at lalaki." wika niya kaya napakunot naman ako sa noo ko.

"Alam mo pala eh bakit hindi mo sinabi sa akin na may dumi mukha ko tapos pangiti ngiti ka pa dyan." sabi ko naman. "Sabihin mo bakit?" tanong ko pa sabay taas ng kilay ko.

"Nasa likod mo ako kaya alam ko na madaming nakatingin sa'yo pero alam ko na naiilang ka dahil dun, ma'am Celeste ang ganda niyo po kasi eh." sabi niya kaya bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko, ano daw?

Napatingin tingin ako sa mga tao sa gilid ko, pakanan at kaliwa at ang iba sa kanila ay nakatingin parin sa akin, teka ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng diyosa ang kagandahan?

End of Chapter 4

Thank you.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now