Chapter 49

9 1 0
                                    

Chap 49: Ligaw


Someone's POV

Nang makarating ako sa hospital ay agad ko nang binuhat ulit ang batang babae at dinala sa loob ng patient room. Hindi naman ako matulungin na tao kasi wala naman akong pake sa kahit sino pero shit! I feel bad for her, I hope she'll be okay.

*

"How's the patient doc?" tanong ko sa doctor nang makalabas ito sa patient room.

"Well the patient is currently experiencing a fever. We are monitoring her temperature closely and have begun some tests to determine the cause. She's resting comfortably at the moment."

"Thank you, thank you." pasasalamat ko dahil sa totoo lang nag-aalala ako kahit hindi naman dapat.

"Sige sir, mauna na ako." sambit ng doctor at nilagpasan na ako.

Nang makaalis na ang doctor ay agad akong pumasok sa patient room para tingnan yung batang babae

Ito ang unang beses na nakita ko siya pero hindi ko alam kung bakit pamilyar siya sa akin, bakit parang nakita ko na siya noon?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at dinial ang number ng pinagkakatiwalaan kong assistant na lalaki.

"Bakit sir?"

"Nandito ako ngayon sa hospital, puntahan mo ako dito at magdala ka na rin ng pagkain at mga prutas." wika ko sa kaniya.

"Bakit napano ka sir?" tanong nito.

"Wala, sige na bilisan mo na, i-text ko na lang sa'yo kung nasaang hospital ako." tugon ko at binaba na ang cellphone at nilagay ulit sa bulsa ko.

Umupo ako sa silya na nasa tabi lang ng hospital bed na hinihigaan ng batang babae at tinitigan siya ng maayos.

Pamilyar na pamilyar siya sa akin, at hindi ko alam kung bakit.

Zephyr's POV-

Nagdrive ako pauwi dahil baka umuwi lang siya ngayon sana naman nasa bahay lang siya.

Nang makarating na ako sa bahay nila ay agad na akong bumaba sa sasakyan ko. Pinindot ko na rin ang doorbell nang dalawang beses pero wala paring lumalabas na tao. Nang pindutin ko yun ulit ay narinig ko ang boses ni ate Amy at agad niyang binuksan ang gate.

"Oh Zephyr hijo bakit nandito ka? Hindi ba may pasok kayo ngayon?" tanong ni ate Amy at napatingin siya sa likod ko na para bang may hinahanap. "Hindi mo ba kasama si Celeste?" kumunot ang noo ko sa tanong ni ate Amy.

"Po?" kinakabahan ako ngayon at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hindi po ba siya umuwi ate?" tanong ko.

"Anong sinasabi mo hijo? Hindi pa naman nakakauwi si baby Celes-"

"Teka wala ba siya ngayon sa school niyo?"

Damn it, this is my fault.

"Hahanapin ko siya ate." wika ko at mabilis na lumapit sa sasakyan ko at pumasok sa driver's seat.

"Sandali, sasama ako!" narinig kong sabi ni ate Amy at binuksan ang pinto ng sasakyan at naupo sa front seat.
"Tara na!"

*

-Amy POV-

Habang nagmamaneho si Zephyr ay sinabi niya sa akin lahat ng nangyari kanina, sinabi niya rin na may lagnat si baby Celeste.

Jusko nas'an ka na ba baby? Kanina pa ako nag-aalala sa kaniya dahil na rin pagising ko kaninang umaga wala na siya sa kwarto niya nung pinuntahan ko siya dun, alam kong ayaw niyang malaman ko na may sakit siya. Sana pala mas maaga akong nagising kanina para malaman ko at maalagaan siya sa bahay.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now