Chapter 1. Sacrifice

20.2K 425 10
                                    

Si Eugine ----->

     Kanina ko pa pinagmamasdan yung mama ko na pabalik balik ng lakad.

"Ma pwede bang umupo ka muna? Ako nahihilo sayo e" reklamo ko kaya napatingin sya saken, nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat at tinitigan ng seryoso.

"M-ma? Ano bang problema mo?" Reklamo ko ulit sabay tanggal sa kamay nya sa balikat ko.

"Anak! Sana pumayag kana please? Baby eugine please?"

Napairap nalang ako dahil hanggang ngayon pinipilit nya parin akong ipasok doon sa school ng kapatid ko.

"Are you serious? Ma naman babae po ako! All boys school kaya yun!"

Nagulat ako ng bigla syang umiyak, tss! Lumapit ako at niyakap sya.

"Anak nag aalala lang ako sa kapatid mo.. Sana nakagraduate na sya diba? Ewan ko ba sa kuya mo hindi na nagpaparamdam, alam mo naman yung school na yun masyadong strikto" jezz alam ko naman yun e . .

"K fine! Bukas na bukas mag eenrol ako doon" pagkasabi ko nun biglang sumigla yung mukha nya.

"Thank you anak! Namimiss ko na talaga yung kuya mo" napangiti nalang ako dahil hindi ko talaga sya kayang tanggihan.

By the way ako nga pala si Eugine Park. Si dad pumanaw na, at yung kuya ko ngang si Ericho Park nag aaral sa elite school chuchu na all boys lang. May dorm kasi dun at ewan ko para silang nakakulong di pwedeng lumabas.

Napabuntong hininga ako at di ko alam pero naiiyak akong iwanan yung mama kong mag isa.

*tok tok*

"Pasok" malamig kong tugon at malungkot na nag iimpake ng damit.

"Anak sorry talaga pero hindi ko na alam ang gagawin" ngumiti lang ako ng tipid.

Siguro napansin nyang hindi parin ako komportable at no choice ako.

"Ok lang ma namimiss ko na rin si kuya" niyakap nya ako kaya napaluha nanaman ako jezz ang drama.

"Ma sige na baka hindi ako makaalis nyan e. . Mag eempake muna ko" sabi ko kaya tumango sya at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkatapos kong magligpit humarap ako sa salamin at hinaplos ang mahaba kong buhok.

"Ilang buwan kitang pinahaba pero ngayon goodbye na hair" sabi ko sabay gupit ng buhok. Kada putol ko sa buhok ko sobrang saket dahil sayang ang pag aalaga ko sa buhok tapos mapupunta lang sa wala.

Pumikit muna ako ng mariin at huminga ng malalim.

Dahan dahan akong humarap sa salamin na may luha ang mata.

Shocks! O_O ang gwapo ko pala pag naging lalaki. Pumikit muna ulit ako ng mariin tsaka hinila na yung bag at lumabas na.

"Anak mag iingat ka ha? Sana pagbalik mo kasama mo na yung kuya mo ha?" Tango lang sinagot ko at niyakap nanaman nya ako.

"Ou ma mamimiss din kita" paalam ko  at sumakay na sa kotse. Lumingon ako saglit sa mama ko na malungkot pati sa bahay namin.

"Mag iingat karin ma" bulong ko sa sarili at napapikit.

Kinabukasan...

"Nandito napo tayo" napadilat ako ng mata ng marinig ko ang boses ng driver. Bumaba na ako at dala dala ko ang malaking maleta na puro damit na ng panglalaki. Tama magdidisguise akong lalaki para makapasok. Napanganga nalang ako sa sobrang laki ng gate. Bumukas yun kaya pumasok na ako, napapaiyak ako sa sobrang lawak dahil lalakarin ko lang habang guyod ang maleta ko.

Phew*

Napapunas ako ng pawis ng makarating agad ako sa office at binigay ko yung mga kailangan. May binigay naman silang guide para daw hindi ako maligaw. Tinignan ko naman yung papel.

-Henson Building.. henson building.. Ayu-

"Aray pucha ang saket nun" napasubsob ako sa semento ng may malakas na bumangga saken.

"Hahahaha ang lampa mo naman gago!"

Pumikit muna ako at nag inhale exhale tsaka hinarap yung lalaki.

"Ang laki ng daan kailangan talaga banggain nyo ako?" gigil kong sigaw sa lalaki.

Nagulat naman ako ng hilain nya ang kwelyo ko at hinila pataas.

*uggghh* hindi ako makahinga.

Nakakatakot yung mukha nya parang mangangain ng tao.

"Ang bago mo lang dito ganyan kana umasta? Hindi mo kami kilala gago!"

Jezz..

Napairap ako dahil lagi nalang may gago* yung huli. Napatingin naman ako sa mga lalaking palapit dito, lahat sila nakapamulsa at lahat sila poker face. At lahat sila ang gagwapo *o* nang dumaan sila biglang humawi ang daan, kasi nga ang dami ng nagkumpulan tapos nung dumaan sila nahawi yung ganun?.

"Anong kaguluhan to?" Sabi nung isang lalaki na matanggad sabay hawak sa balikat nung sumasakal saken. Ewan ko pero nakakatakot yung presensya nila, bigla akong tinulak nung lalaking nanakal saken kaya sumaket yung pwet ko pucha.

"So-sorry pres" napakunot ako ng noo ng lumuhod sa harap ng mga lalaking poker face yung mayabang kanina pero ngayon parang tuta na nagmamakaawa. Napatulala nalang ako ng bigla nyang sinipa yung mukha nung lalaking goon.

"Tch nakaharang kayo sa daan" cold na sabi nung isa pang lalaki. Nagpatuloy na silang maglakad kaya napaatras ako sabay tingin dun sa lalaki na wala ng malay.

Pucha! :O

Nakakatakot naman dito gusto ko na atang umatras. .

Napatingin naman silang lahat saken, mga eleven ata sila.

"Hindi bagay ang mga lampa dito" sabi naman nung isang lalaki na singkit. Lumakas yung tibok ng puso ko. .

Grabe ano bang school to?

Parang skwelahan ng mga hindi ordinaryong tao :/

Tumayo na ako at pinagpag ang pwet kong nadumihan. Tumabi na din ako sa daan kaya nagpatuloy na silang maglakad lahat.

Jezz! ano ba tong pinasok ko?

Nasan ko kaya makikita si kuya?

Tumayo na ako at nagpatuloy nalang sa paghahanap ng magiging dorm ko. Napanganga ulit ako ng makita ang dorm na sobrang elegante, mukha naman tong hotel e.

Sobra ba talagang yaman ng mga mag aaral dito?

Ang alam ko si kuya scholar sya, mayaman naman kame pero yung sakto lang. Pumasok na ako grabe ang social ng loob, may lobby, cafateria, at mga sports chuchu din.

Tinignan ko yung papel na hawak ko at yung susi ng magiging room ko.

Room #607

Nakita ko agad yung room at pumasok. . Sa wakas makakapagpahinga ulit ako dahil feeling ko napagod ako.

Pagkabukas ko ng pinto napanganga ako at nabitawan ko pa yung hawak kong susi dahil hindi ko inaasahan na sila ang makikita ko dito sa loob ng dorm ko.

A-anong ginagawa nila dito?

Hindi naman ako nagkakamali diba?

Eto naman yung number nung room hmp. .

Tinignan nila ako ng sabay sabay. .

Kaya napaatras ako . .

Napalunok pa ako ng ilang beses dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko at ang bilis pa ng tibok ng puso ko. O_O

Kainin mo na ako lupa . . T_T

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon