Chapter 10. Hodge - Podge

7.1K 227 2
                                    

          

       Nilock ko muna yung dorm ni Devien, wala pa naman sya kasi may klase pa. Siguro naman hindi nya ako maabutan dito no? Galit parin kaya sya? Wala naman kasing ibang lugar na ligtas kundi dito lang. Namimiss ko na tuloy syang kasama. Agad kong binuhos ang mga sulat na nakuha ko sa locker kanina. Nanginginig kong binasa ang unang sulat.

'You want a game? Pwes nakikipaglaro na ako sa larong sinimulan mo'

'Hindi mo ba alam na una mo palang tungtong sa school nato ikaw agad nakita ko?'

Pinunit ko agad yung sulat! Tama! Naalala ko yun! Kaya pala pakiramdam ko may nakamasid saken. Pati yung pana na muntikan na akong tamaan. Tapos may kasamang sulat.

'Wag padalos dalos bawat oras binibilang bawat segundo'

Napahawak naman ako sa baba, parang nagkaroon ako bigla ng clue sa sulat na yun.

Wag padalos dalos - parang mean nya na dapat akong mag ingat sa bawat kilos ko.

Bawat oras binibilang - parang sinasabi na dapat akong magmadali hanapin yung kuya ko? Or parang mean nya na bawat galaw ko pinagmamasdan nya.

Bawat segundo - parang mean nya na pwede nya akong tapusin kahit ngayon.

Napailing naman ako,

Hindi ko na alam kung saan ko nalagay yung sulat na yon.

Pumulot ulit ako ng isa pang sulat.

'Alam ko ang secreto mo. . .
Alam na alam ko. . .

Dapat ngayon patay ka na'

Patay kana. .

Patay kana. .

Sa sobrang inis ko pinulot ko ulit lahat at sinunog. Peste! Sino ba yung taong yun? Hindi kaya sya ang may kasalanan ng pagkawala ni kuya? Nataranta ako ng narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa. Nakita ko ang mga paa ni devien na pumasok pero ang mas nakakagulat e may sumunod na paa. Pumasok silang dalawa. Sayang hindi ko makita yung mukha. Pigil ang hininga ko habang nakatakip parin ng bibig. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba na mahuli nila ako.

"Teka? Bakit amoy sunog?"

Nataranta ako ng hindi ko pa pala napatay yung apoy dahil sa sobrang tarantang makapagtago. Rinig kong tumakbo sila sa labas kaya tsansa ko na sanang lumabas pero naramdaman kong may humila saken pabalik sa pagtataguan. Tinakpan nya yung bibig ko, ramdan ko din ang hininga nya sa leeg ko.

"Wag kang maingay ako to"

sa boses palang alam ko na kung sino.

"Brizon? bakit ka nandito?"

Bulong ko.

"Nakita kasi kitang pumasok dito kaya sinundan kita pero hindi ako nakapasok kasi pumasok sila" umusog ako ng konti pasulok dahil hindi talaga ako sanay na nakayakap sya saken. Free touch ang peg? Narinig ko ulit na pumasok si Devien. Binalibag nya yung bag nya kung saan tapos rinig kong pumasok na sya sa banyo. Napabuntong hininga ako ng malalim at hinila na si Brizon palabas. Tumakbo kami papuntang garden at humiga sa damuhan.

"Grabe! Muntikan na ako dun!"

Sabi ko nalang para mawala ang kaba.

"Ano bang ginagawa mo dun?" Tanong nya kaya nanlaki mata ko.

"Bakit hindi ka makasagot? Ano nga ginagawa mo dun?"

Umirap ako at nagmadaling umalis. Hindi nya dapat malaman kung ano ginawa ko dun. Pero nahila nya ako pabalik kaya natumba kami pareho.

"Tsk! Bakit ba? Gusto mo nanaman ata ng away?!"

Sigaw ko kaya umiwas sya ng tingin.

"Hindi naman sa ganun, sige kung ayaw mong sabihin—" tumalikod na sya at nagmadaling umalis. Tsk! Bahala sya! Basta hindi nya dapat malaman ang mga nabasa ko kanina. Dapat ako lang nakakaalam nun. Pero tinatanong parin ng utak ko kung sino yung kasama ni Devien kanina. Lumabas na kasi sila agad.

Hanggang ngayon misteryo parin si Devien saken. Hindi ko pala nabanggit nung nakitulog ako sa kanya nun nag obserba ako sa dorm nya. Maraming mga bagay na hindi ko maintindihan, akala ko nung una mga project nya lang na mga inbento pero nakakakilabot lang, hindi ko maexplain. Tapos kanina nakita ko nanaman na may bago nanaman syang ginawa. Parang liquid na kulay green na nakalagay sa tube, tapos nasa loob ng transparent box. Pero hindi na importante yun saken, alam kong hindi na ako kakausapin ni Devien. Sana pala tinanong ko muna kay Brizon kung sino yung nakita nya pero mukhang malabo dahil nagkatampuhan nanaman kami. Pumasok nalang ako sa dorm buti nalang wala pa si Steve. Humiga na ako sa kama, namimiss ko na

si mama . . .

si kuya. . .

Simula nung pumasok ako dito parang ang hirap ng makalabas. Para akong buhay na pinasok sa kabaong at nilibing ng buhay. Ang hirap sagutin ang mga tanong ko. Sobrang hirap talaga. Buti nalang din at wala pang nakakabunyag ng pagdidisguise ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako pero hindi ko man lang nafeel. Tinanggal ko na yung band aid at tinapon kung saan. Galit parin ako kay Steve dahil sinugatan nya yung mukha ko. Ang hirap na talagang makaalis, baka sa susunod patayin nya na ako. Hanggang sa bumigat na yung talukap ng mata ko.

  

     "Mama tulungan nyo ako mama" sigaw ko habang tumatakbo sa di ko alam kung saan. Puro dugo na ang damit ko at nakisali pa ang luha at sipon ko. Hinahabol nya ako, hinahabol ako ng taong malapit sa akin at gusto akong patayin. Hindi ko naman yun sinasadya pero dahil may sakit sya kailangan kong umiwas dahil papatayin nya ako. Lahat sila gusto akong patayin. May nabangga akong lalaki at hinila nya ako. Hindi ko alam kung saan nya ako dinala. Sumigaw ako ng sumigaw pero walang gustong tumulong saken. Hanggang sa napagod ako. Pagkagising ko nakakulong nanaman ako sa isang kwarto. Puro puti lang ang pintura. Isa lang ang napansin ko, may parang CCTV ang nakatapat saken at feeling ko pinagmamasdan nila ako. Wala akong ibang maramdaman kundi galit. Pinagsasabunot ko yung sarili ko at sumigaw ng sumigaw hanggang sa marindi sila sa ingay ko. Nanginginig ako sa inis,

bakit??

Bakit nila kailangang gawin to!?

Bakit nila ako kailangan ikulong?

Ano bang kasalanan ko sa mundo?

Ano?! (×_×)

Kinagat kagat ko yung kuko ko hanggang sa dumugo pati daliri ko. Kung gagawin nila to mas mabuti ng mamatay ako. Sinamaan ko ng tingin yung CCTV dahil alam kong nakatingin sila saken. Nakakita ako ng plato sa maliit na lamesa tsaka ko binato yung CCTV.

Makakatakas din ako . .

Makikita nyo. .

At maghihiganti ako sa ginawa nyo saken! Sa pagwasak ng tahimik kong buhay. ..

An: Hodge - Podge - means mixture of different things.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon