"I'm the player of my own game"
-Kaizer HanKaizer's PoV.
"Fur elise"
Napalingon ako sa nagsalita. Tinignan ko lang si french na umupo sa harap ko. Nandito kasi ako sa cafeteria hindi para kumain kundi para matulog. Nasa klase din naman yung mga studyante kaya walang ingay walang problema. Sinabit ko nalang ulit sa tenga ko yung headphone at sinaksak sa phone ko yung wire.
"Ang damot mo naman. . Nakikinig din ako e" reklamo nya sabay kuha sa phone ko kaya natanggal yung wire at lumakas ulit yung tugtog. Sa inis ko ay binagsak ko sa lamesa yung phone ko na patuloy paring tumutugtog yung fur elise.
"Bakit kaba nakikialam?!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang damot mo talaga kaizer, nagandahan lang ako sa tugtog dahil may naalala ako" sabi nya sabay act na may inaalala.
"The heck I care,?!"
Bored kong sabi at pinatong yung paa ko sa lamesa, record ko kasi yun habang nagpapiano ako, pampatulog ko na din. Kinuha ko sa pocket yung bubble gum ko at sinimulang kainin.
"May naalala talaga ako sa tugtog na yan e"
"Will you? . . . SHUT UP?!"
Sigaw ko ulit sa kanya dahil akala ko tahimik na.
"Ah! Tama! may nakilala kasi ako dati na babae. . Lagi nya yang pinapatugtog, may music box kasi yun"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa lahat ng kaibigan ko sya yung pinakamaingay. Tinignan nya din ako sa mata kaya nagtitigan kami ng matagal.
**
"Now I get you" nakasmirk nyang sabi kaya napakunot ako ng noo.
"What?!"
"Inaalam mo din pala kung sino si eugine at nagpatulong kapa kay kristian"
What the hell?
How did he know?
"P-paano mo nalaman?"
Takhang tanong ko at napaayos ng upo.
Wala akong pinagsabihan at lalong lalo namang tago ako nung kinausap ko si kristian.
"At ngayon naman interesado ka? Kanina lang gusto mo na akong pagtabuyan?"
Nang iinis talaga ang gagong to! Napakuyom ako ng kamao at sinipa yung upuan sa tabi ko.
"Umayos ka french! Wag mo akong ginagago" seryoso kong sabi pero ang loko nagsmirk lang.
Tumayo nalang ako at iniwan sya. Mauubusan ako ng pasensya baka ano pang magawa ko.
Paano nya kaya nalaman yung iniisip ko?
Tinignan ko ulit sya ng isang beses, nakatulala na sya ngayon at mukhang malalim ang iniisip. Nakatitig lang sya sa phone ko na patuloy lang sa pagtugtog yung fur elise.
Ano kayang kinalaman nung fur elise sa nakaraan nya? Napailing nalang ako dahil hindi ko na dapat pagtuunan ng pansin ang gagong yun.
♧♧♧♧
"How did you get here?"
Gulat kong tanong pagkabukas ko palang ng pinto ng dorm, nakita ko agad si steve na prenteng nakaupo habang nakacross arm at cross leg. Tumingin sya sakin ng walang emosyon, simula nung nawala si eugine naging ganyan na si steve tsk!
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?