Chapter 17. Throwback memories

6.2K 192 6
                                    


"Hindi ako papayag" pagmamatigas ni chan.

"Please naman chan pinapaayos pa yung dorm namin e" reklamo ko at sinubukan ulit na pumasok pero hinarangan nya yung pinto.

"Maghanap ka ng ibang matutuluyan" sabi nya sabay sara ng pinto. Tsk! Kainis naman oh! Ang damot talaga ng isang yun.

"Sa dorm ka nalang muna namin" napalingon ako sa likod at nakita ko ang cold expression ni sion habang nakapamulsa. So cool ♥_♥ . .

"Ah eh hehe pwede ba?" Naiilang kong sabi. Hindi nya ako sinagot pero parang sinasabi nya na sumunod ako. Para naman akong tuta na sumunod sa kanya.

"Wow" yun agad nasabi ko pagkapasok ko sa dorm nila. Grabe ang manly talaga pagmasdan, kulay black and gold yung theme. Mayaman nga talaga sila,

"Teka? Asan si dave? Madalang ko nalang syang makita ah?" Tanong ko at tinabi muna yung maleta ko.

"Hey? Nice talking to myself" sabi ko sabay makeface. Nakakapagod naman magsalita ng walang sumasagot. Umupo lang sya sa sofa at pumikit habang may headphone sa ulo. Lumapit ako at pinagmasdan ang gwapo nyang mukha. Pag nalaman nya kayang isa akong babae magugustuhan nya kaya ako? Nilapit ko pa yung mukha ko sa mukha nya para pagmasdan ang mahahaba nyang pilik mata. Ang astig talaga ng lalaking to. Dinaig yung kagandahan ko.

"Tapos na akong mag shower ikaw nama-" napasubsub ako sa dibdib ni sion sa gulat dahil may biglang lumabas sa kung saan.

"Anong ginagawa mo dito eugine?!" Umuusok na siguro ilong nya sa gulat. Inirapan ko lang si steve na nakatopiece lang. Shet! Ang ganda ng katawan.

"Ang ingay nyo naman tsk" bigla naman akong nahiya kay sion kasi nagising ko ata sya.

"S-sorry ito kasing si steve bigla nalang sumulpot" sabi ko pero nakatitig lang sya sa mukha ko.

"Kanina mo paba ako pinagnanasaan?" Nagulat ako sa tanong nya.

"A-ano?! Hindi ah! Kapal naman ng mukha mo tol! Hindi tayo talo! Lalaki ako. . lalaki ka at lalong hindi ako bading!" Depensa ko.

Arggghhh!! kainis muntik pa akong mahuli. Tumayo na ako at ginaya yung poker face nila.

"Sa iba nalang ako makikituloy" seryoso kong sabi at hinila na yung maleta ko palabas. Bubuksan ko na sana yung pinto ng humarang si steve sa harap ko.

"D-dito ka nalang ako nalang maghahanap ng ibang dorm" naiilang nyang sabi habang nakaiwas ng tingin. Inismiran ko lang sya at tinulak pa tabi pero nakalimutan kong nakatopiece lang pala sya kaya parang bumagal yung oras nung unti unting nahuhubad yung twalya sa katawan nya kaya napatakip agad ako ng mukha. Gyaaa . . . ayokong makakita ng ano nila!

"Bakit ka naman nagtatakip ng mukha? Diba may ganito ka rin?" Lalo akong namula dahil naabot kami sa topic ng ano! Basta!

"A-ano kasi w-wala kabang private sa mga ganyan?!" Inis kong sabi pero nagulat ako ng tumawa si steve. Teka? Tumawa si steve? Inalis ko nalang yung pagkakatakip sa mukha ko para makita ko syang tumawa. Lalong sumingkit yung mata nya at kita din yung dimples nya sa right cheek. Hindi naman pala sya nakabold may boxer short naman pala kaya i'm safe. Napailing ako at hinayaan syang tumawa ng tumawa. Nagpaalam na ako kay steve na tumango naman kaya nagmadali na akong maglakad. Kamusta kaya si leslie? Nakamove on na kaya sya sa pinsan nyang si charlie? Napakagat ako sa labi dahil naguiguilty ako sa pagkamatay nya. Kahit naman minsan mukha syang ewan pero mabait naman si charlie pag normal. Naalala ko tuloy yung sa labyrinth.

"Wag na wag mo na akong lalapitan ulit!" Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng nag uusap. Nagtago agad ako sa poste ng makita ko si devien na may kausap. Mukhang nagtatalo sila,

"Patawad wala akong nagawa" napakunot ako ng noo ng marinig ko ang boses ni dave. Don't tell me? Magkakilala sila? Tumalikod na si devien kaya naiwan si dave tapos may tinawagan sya sa phone. Lumipat ako sa kabilang poste ng papunta si dave sa direksyon ko. May kausap parin sya sa phone,

"Bakit hindi nalang natin tapusin to? Pagod na ako! Gusto ko ng lumaya"

eh? Ano kayang problema ni dave? Napakagat ulit ako sa labi dahil namimiss ko na ang dating dave na masiyahin. Simula nung umalis sya pagbalik nya dito ibang dave na. Hindi ko na sya masyadong nakakausap. Magkatulad lang sila ni devien, hindi ko na din nakakausap, ang mga taong una kong nakilala sa school nato. Speaking of school?

"Hindi mo nga talaga alam ang school nato"

naalala ko yung sinabi saken nung kapatid ni charlie dun sa garden. Ewan ko pero parang nagkaroon ako bigla ng interes na alamin kung ano ba talaga ang nangyayare sa school. Kung bakit madaming namamatay at pinapatay.

-

Napahawak ako ng mahigpit sa maleta ko bago kumatok sa dorm ni devien.

Tok tok*

"Anong kailangan mo" cold nyang sabi pagkabukas ng pinto pero nilakasan ko ang loob ko.

"Devien pwedeng makituloy ulit ako dito gaya ng dati?" Nagchant din ako na sana maalala nya yung time na yun. Kahit alam kong weird ang loob ng dorm nya basta gusto kong bumalik ang pagkakaibigan namin. Tinignan nya muna ako ng ilang minuto.

"Pasok"

napatalon ako sa tuwa ng pumayag sya kaya pumasok agad ako at umupo sa maliit na sofa. Nilibot ko ng tingin yung dorm nya. Himala wala ng mga weird experiments nya, napatingin ako sa ilalim ng lamesa. Napapikit ako ng mariin ng maalala ko yung time na nagtago kame ni brizon dito. Aaminin ko sa totoo lang nalulungkot ako sa pagkawala nya. Pinipilit ko lang maging malakas yung time na nakikita kong nalukungkot si steve. Pinipilit kong limutin nalang nya yung nangyare pero parang baliktad yung pagkakaintindi nya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?"

Napalingon ako kay devien, napangiti ako ng kinakausap na talaga nya ako, yung walang halong cold treatment.

"Napaisip lang ako. . dalawa na ang namatay sa 12 saints. . simula nung naging malapit ako sa kanila nakilala ko kung paano sila mamuhay, alam mo devien mukhang mali ka ng hinala sa nangyare kay kuya ericho. . pinapahalagahan nila ang isa't isa kaya imposibleng pinatay nila si kuya" nakita kong yumuko sya.

"May problema ba devien?" Tanong ko kaya napaangat sya ng ulo at gulat na napatingin saken. Hindi nya ako sinagot pero tumayo lang sya at lumapit sa pinto.

"May nagmamasid saten" nanlaki naman mata ko kaya lumapit din ako sa pinto. Ngayon ko lang nakita na may parang telescope sya sa pinto. Sabi ko na nga ba mapagimbento sya. Sumilip din ako kaya lalong nanlaki mata ko ng makita yung lalaki na nakatelescope din at nakatingin dito. May lumapit din dun sa lalaki na may dalang pana.

Teka?. . . Pana??

Nilibot ko ng tingin yung paligid. Yung office ng SSC ay malapit sa garden. Nakita ko yung katapat nung bintana tsaka yung puno na muntik na akong tamaan ng pana noon. Napatakip ako ng bibig dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Umiling iling pa ako ng ilang beses, sana hindi ko lang yun imahinasyon.

"Okey kalang eugine?" Tanong ni devien sabay hawak sa magkabila kong balikat. Tumango nalang ako kahit alam ko sa sarili kong hindi ako ok.

Sa tagal ng panahon kong hinanap sya at akala kong wala na ay makikita ko.

Hindi ko alam pero napangiti ako dahil buhay pa si . .

kuya ericho. .

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon