Chapter 58. Multiple Personality Disorder

5.1K 143 30
                                    

7 years ago . .

"Sinong bata yan?"

Tanong ni Dr. Park kay Dr. Han na bitbit ang walang malay na bata.

"Tumawag yung nanay nya at pumapayag na syang pag experimuntuhan natin ang bata" sagot ni Dr. Han at dineretso sa solitary room kung saan puro puti lang ang makikita.

Nagising nalang si clariz ng may pagtataka, nilibot nya ang tingin sa paligid at tanging puti lang ang lahat ng nasa paligid nya. Naalala nyang tumatakas sya sa paghahabol sa kanya at may nabangga syang lalaki na sikretong tinurukan sya ng pampatulog sa leeg. Napatingin sya sa CCTV at sinamaan nya ito ng tingin, may nakita syang plato sa lamesa at binato ito.

"Woah. . Nakakatakot naman ang batang ito" amazed na sabi ni Dr. Han habang pinapanuod nila ang kinikilos ni clariz sa loob ng room.

"Balita ko pinatay nya yung ama nya" sabi naman ni Dr. Park.


After 3 days. . .

"Tignan mo. . Pabago bago sya ng mood"

"Ou nga no?"

Nakita kasi nila na maya maya may ibibigay kay clariz na laruan. Tapos bigla nalang nya itong sisirain tapos mga ilang oras tatahimik ulit ito.

"Hoy bata. . Anong ginawa mo sa laruan mo?"

Tukoy nila sa malaking teddy bear na binigay nila na ngayon ay lasug lasug.

Napatingin lang si clariz sa speaker nang marinig nyang may kumakausap sa kanya.

"Sumagot ka bata anong ginawa mo sa laruan?"
Umiling lang si clariz at tinignan ulit ang laruan.

"Hindi ko alam" walang emosyon nyang sabi at niyakap ang mga tuhod at nagsimula nanamang umiyak.

Napahawak sa baba si Dr. Park at inulit yung conversation nila kanina.

"Hmm.. sa tingin ko pabago bago sya ng mood, hindi kaya may MPD ang batang to?"

"Sa tingin ko nga. . Base sa karanasan nya sa pamilya nya siguradong doon nagsimula ito"

"Balita ko kinukulong sya ng nanay nya at muntikan pa syang gahasain ng tatay nya kaya siguro natrauma na ang batang ito" sagot ni Dr. Han.

"Gagawa ako ng paraan para maging normal na ulit ang batang yan, may anak din ako na babae kaya parang naawa ako sa batang yan" sabi ni Dr. Park.

Lumipas ang ilang araw . . akala nila maayos na ulit ang batang pinag eexperimentuhan nila pero dumating yung araw na nagwala ito at ang daming namatay. Hindi nila aakalain na kayang pumatay ang isang batang katulad nya.

Bumalik sya sa bahay nila at gulat na gulat ang nanay nya ng makita sya habang natutulog. Napaatras ang nanay nya sa takot dahil puro dugo ang damit ni clariz.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon