Chapter 40. Terrence Michael Terruel

5.1K 142 2
                                    

"Trouble is my last name"
-Terrence


Terrence POV.

3 years ago. .

[Nakita mo naba ang target?]

"Yeah"

Itinaas ko na ang bow ko at finocus sa taong may kausap. Nandito ako sa taas ng puno nakatago at may tao akong tatapusin ngayong araw. Agad kong pinakawalan ang arrow at tumama yun sa noo nung target ko.

"Mission accomplish"

[Congrats]

Agad akong tumalon sa puno na parang wala lang.

Inoff ko na ang phone ko at chill lang na naglalakad.

Nagtataka siguro kayo kung sino yung tinapos ko kanina.

Yung bago kasing proffessor nagmamagaling, akala mo kung sino. Sukat ba naman batuhin ako ng marker.

Walang sino man ang kumalaban sa amin. .

Natawa ako ng pinagkakaguluhan na yung nangyari. Napapangiti akong mag isa habang pinagmamasdan yung proffessor na nakahandusay habang lirat ang mata. Pero nawala agad ang ngiti ko ng makita ko si steve sa malayo na ang sama ng tingin sa akin.

Napalunok ako ng ilang beses at kinakabahan. Mukhang nalaman nya agad na ako ang gumawa nun. Napasapo ako sa noo at tumingin ulit doon sa arrow na nakatusok sa noo nung lalaki. Liliko na sana ako ng dadaanan ng sinigaw nya ang pangalan ko. Dahan dahan akong humarap at kunyari nag aayos ng buhok.

"Yo" tipid kong sabi habang hindi sya tinitignan. Nakakatakot kasi ang presensya nya.

"Is it you?!"

"What?"

Nagulat ako ng bigla nyang hinila ang kwelyo ko at inilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"It is you right?!"

May diin nyang sabi at tinuro yung pinagkakaguluhan doon sa field.
Napalunok ulit ako at umiwas ng tingin.

"Bakit mo ba ginagawa toh?! Dinadagdagan mo lang ang responsibilidad ko!" singhal nya sakin sabay bitaw sa kwelyo ko.

Napahilot sya sa sintido habang nakapamaywang ang isang kamay.

"Lagi ka nalang gumagawa ng gulo terrence, pag ako naubusan ng pasensya sayo baka pagsisihan mo" yun ang huling sinabi nya bago ako iwan.

Bigla akong kinilabutan. .

Sya. . Si steve ang president council ang kinakatakutan ng lahat ng studyante.

"Bakit galit na galit yung si Pres?"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si ericho na nakatingin kay steve.

"E-ewan ko" palusot ko at nagmadali ng maglakad.

Nung malayo layo na ako lumingon ulit ako kay ericho at nakita ko syang nakangiti habang nakatingin parin kay steve na inaasikaso yung ginawa kong gulo.

Hindi sya ngiting masaya. . Kundi ngiting may balak.

"Terence! Terrence!" Agad akong napabalikwas ng bangon ng may sumigaw sa tenga ko.

"The Fuck!" Singhal ko kay french dahil nahulog ako sa kama.

Teka? Paano to nakapasok sa dorm ko?

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon