Chapter 28. Abduction

5.3K 166 5
                                    

Eugine's POV.

     "Mama!! Mama!!" sigaw ko sa babaeng pilit akong tinutulak palayo.

"A-anak. . L-lumayo ka saken! Lumayo ka baka mapatay kita"

May hawak syang kutsilyo sa kanang kamay habang kinukontrol ang sarili nya.

"Bilisan mo umalis kana dito!!"

Itinutok nya yung kutsilyo sa sarili kaya kinakabahan ako baka anong gawin nya.

"Eugine. . Anak. . Patawad" nagulat ako ng sinaksak nya yung sarili nya.

"M-mama b-bakit nyo po ginawa ito" humagulhol ako ng iyak dahil wala na si mama. .

Wala na si mama. . Ang inang itinuring akong tunay na anak.

"Mama. .naiwan ko pala yungㅡ" napalingon ako sa likod at nabitawan yung kutsilyong hawak ko.

"K-kuya richo"

Akala ko nakaalis na sya papunta sa bago nyang school.

"A-anong ginawa mo kay mama? Anong ginawa mo sa mama ko?!"

Tumakbo si kuya ericho palapit samen at itinulak ako ng malakas. Okey na sana kame, pero bakit ganito? Anong nangyare?

Galit na lumingon si kuya ericho saken at bigla akong sinakal.

"Magbabayad ka!! Pinatay mo si mama!! Salot ka sa pamilya ko!!" 

Napakapit ako sa kamay nyang nakasakal sa aken, hindi na ako makahinga ng maayos.

"K-kuya hindi ko pinatay si mama"

"HINDI?!" Mas lalo nyang diniin yung pagkakasakal sa aken hanggang sa mandilim na ang paningin ko.


Napadilat ako ng mata at nasilaw sa liwanag.

"Nasaan ako?" Nilibot ko ng tingin ang lugar gamit ang mata ko dahil parang namanhid ang buo kong katawan dahil hindi ko maigalaw. Nafefeel ko din na nanghihina ako.

Paano ako napunta dito? Nakikita ko lang ay isang masikip na kwarto at sobrang sikip tignan, puro puti din ang paligid. Iniangat ko ng konti ang katawan ko kaya ngayon ko lang napansin na nakatali ang kamay at paa ko gamit ang bakal, nakasuot din ako ng parang hospital dress na kulay puti.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako at anong oras or araw naba akong nandito. Napatitig nalang ako sa kisame at pilit nilalabanan ang liwanag ng ilaw.

Unti unti akong may naaalala pero kahit ganun hindi ko parin maintindihan dahil malalabong imahe lang ang nakikita ko.

Napalingon ako sa may nakasarang pinto dahil parang may naririnig akong pamilyar na tugtog pero hindi ko talaga maalala.

"Wow ang ganda naman nyan?"

May kasama akong batang lalaki habang pinagmamasdan namen ang music box kung saan sumasayaw ang babaeng naka ballet dress.

"Alam mo ba ang title nung tugtog?" Tanong ko sa batang lalaki.

"Fur elise. . Tama fur elise. ."

"AHH!!" Gustong gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa sobrang saket. Feeling ko mabibiak yung bungo ko sa saket. Umaalingawngaw ang sigaw ko sa buong kwarto.

Biglang may pumasok na babae, at natarantang nilagyan ako ng panyo sa bibig.

"Hmmmm...hmmmm?"( Nasan ako??)

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon