Chapter 21. Detective's Life

5.7K 165 5
                                    

Chan's PoV.

Dahan dahan kong minulat yung mata ko at nakita ko ang taong tumulong saken.

"French"

"Oh? Gising kana pala?"

"Tss!"

Dahan dahan akong bumangon at nilibot ang lugar.. nasa hospital pala ako. Paano kaya kung hinahanap na kame? Edi lagot. .

"Don't worry akong bahala dun"

Kahit hindi ko sabihin alam kong binasa nanaman nya ang nasa isip ko.

"Were brother's like?" Sarkastik nyang sabi.

"Nah. . Correction! Half brother and my enemy"

nag smirk ako at cold syang tinignan. Sa lahat ng taong tutulong sa akin bakit sya pa?

"Diba gusto mo na akong mawala? Bakit kung saan ako doon ka"

Nairita ako ng tinawanan lang ako. .

"Magiging boring na kasi ang buhay ko pag nalayo ako sayo. . Mawawala ang thrill hahaha"

Sa inis ko binato ko sya ng unan pero agad din syang nakailag.

"Babalik kana ba sa dati? Kung ako sayo babalik na ako bago mahuli ang lahat"

Makahulugan nyang sabi kaya napayuko ako. Tama sya. . Kailangan ko ng bumalik pero hindi dapat nila mahalata kung sino ba ako.

"Eh ikaw? Anong gagawin mo? Susunod at susunod karin naman sa akin diba?"

"Syempre! Sige una na ako sayo"

♤♤♤♤

Dahan dahan kong binuksan yung pinto kung saan dapat ako nabibilang.

Napatingin silang lahat sa akin. .

"Oh? Long time no see? Ang tagal na din hindi tayo nagkita kita ah?"

Sabi ni Mr. DON ang boss ko. .

"Long time detective Lim"

sabi nya ulit at nakipagkamay sa akin na tinanggap ko naman agad.

"Kamusta na ang operation?"

Napaiwas ako ng tingin dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino ba talaga ang taong pinapahanap nya.

"S-sorry boss hindi parin ako nakakahanap ng info about dun sa taong pinapahanap nyo. . Ang galing nya kasing magtago" sagot ko nalang.

Tama! Isa akong detective. . Yan ang isa sa mga tinatago kong sikreto na sana ay hindi nila malaman. . Tanging si french lang ang may alam tungkol sa akin at ako naman ay alam din ang tungkol sa kanya.

"Nagkakagulo na kasi sa school at madami din ang namatay. . Hinala ko nga sya ang gumagawa nito pero hindi pa ako sigurado"

"And why?,"

"Nasa bingit na rin ako ng kamatayan. . Hindi magtatagal isusunod nadin nya siguro ako. . Dalawa na sa kasama ko ang namatay. . Hindi ko lang alam pero pakiramdam ko nakasunod sunod kami by alpabeth"

By alpabeth. . Ou madali lang para sa akin ang mga bagay na ganun lalo na isa pa akong detective. . Walang nakakalampas sa akin maliban lang doon sa pagkamatay nila brizon at charlie. . Hindi ko alam kung iisang tao lang ba ang may gawa nun. .

"Kung sa ganun magagamit mo ito" may inabot sya saking baril. .

"Hindi ordinaryong baril yan detective lim. . .para yan sa mga mababangis na hayop na kailangang patulugin muna bago hulihin"

Agad ko naman yong tinanggap at tinago na sa likod ng damit ko. . Napasmirk ako dahil nalamangan ko nanaman si french. . Inggitero kasi ang isang yun kaya kung anong meron ako gusto nya sya din meron.

♤♤♤♤

Palingon lingon muna ako sa paligid bago pumasok na parang isang ordinaryong studyante lang. Nagkakagulo nanaman sa isang building kung saan may tumalon nanaman at wala na akong pake doon. Naagaw ng pansin ko yung isang studyante na nakasalamin. Nakikita ko sya lagi. . Ay mali sya pala yung laging kasama ni eugine. Nakapamulsa pa sya habang bored na nakatingin doon sa nagkakagulo. Nagulat ako ng tumingin sya bigla sa akin at ngumisi. . Hindi dapat ako kabahan pero bakit ganun? Parang may nagtutulak sa akin na imbestigahan ko ang taong yun. May kutob ako na sya ang may gawa nung kaguluhan pero hindi naman halata sa physical nyang anyo. Isang payat na geek lang ang maituturing ko sa kanya. Siguro nagkataon lang yun. Umiwas ako ng tingin at dumaan sa kabilang direksyon.

Hindi pa ako tapos mag imbestiga sa pagkamatay ni brizon kaya sinubukan ko ulit bumalik sa labyrinth. Ako ang taong walang kadala dala kahit na paulit ulit na akong nasabingit ng kamatayan.

Ganun parin dito amoy bulok na patay. . Alam ko narin kung nasaan ang bangkay ni brizon kaya tumakbo ako papunta doon pero agad din akong napahinto ng may taong nakatayo doon sa harap ng bangkay ni brizon at mukhang balot na balot sya ng suot na itim.

Nanlaki ang mata ko ng may tinapon syang lighter doon sa bangkay ni brizon at agad din itong sumilab na lalong nakapagpaamoy sa hangin ang sobrang baho. Masuka suka akong tumalikod dahil nandidiri ako sa amoy.

"Masyado kanang maraming nalalaman. . Chan or should I say detective Lim?"

Nanlamig ako ng hindi ko namamalayan nasa likuran ko na pala sya. Hindi ako makagalaw at pigil din ang hininga ko, bubunutin ko na sana yung baril sa likod ko pero agad nya akong hinila paharap at sinuntok.

Paanong? Paano nya nalaman na isa akong detective?

Pinilit kong lumapit sa kanya at hinila ko sya para matanggal ang takip nya sa bibig. Tagumpay naman akong natanggal yun pero nabigla ako sa nasaksihan. . Hindi ko aakalain na kaya nyang gawin ang bagay na to. Kaya nyang pagtaksilan si steve.

Sya? Sya ang traydor sa grupo. .

Nanlabo na ang paningin ko ng sinaksak nya ako sa dibdib. Napaubo ako ng dugo ng diniin nya pa lalo ang saksak sa dibdib ko kaya nahihirapan na akong huminga. . Kahit hinang hina na ang katawan ko pinilit kong kunin ang baril sa likod ko. Napangisi ako ng lumayo sya konti at agad ko iyong ipinutok sa dibdib din nya. . Hindi lang pampatulog ang nilagay doon. . Nilagyan ko narin ng lason incase of imergency. Umalingasaw naman sa buong labyrinth ang putok ng baril. Napadura ako ng dugo dahil nalalasahan ko ang lasang bakal. . Napaluhod sya habang hawak ang dibdib na dumudugo.

Napaubo ulit ako at puro dugo na ang nasusuka ko. . Hanggang dito nalang ba ako? Hindi ko na nakayanan kaya natumba nadin ako. Napatihaya ako at humarap sa mga ulap. .

"Malalaman din nila ang t-totoo. ." Bulong ko na sigurado narinig nya.


To be continued. . .

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon