"Anak hindi yan laruan" sabi nung babae at inagaw sakin ang kutsilyo. Hindi ko sya kilala,
"Mama anong nangyayari kay ate? Bakit para syang nababaliw? Natatakot ako" sabi naman nung batang babae habang nakatago sa likuran nung babae.
Teka? Anak? Ate?
Biglang nag iba yung paligid at natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa labas habang pinagmamasdan ang bahay na nasusunog. Umiiyak daw ako sa kalungkutan. . napatingin din ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng puting bestida pero puno ako ng dugo, hindi ko alam kung saan nanggaling-
Napadilat ako ng may yumugyog sakin, nakatulog pala ako sa klase.
"Tapos na ang klase" cold na sabi nung kaklase ko. Sinabit ko na yung bag sa balikat ko ng maalala ko ulit yung panaginip ko. Hindi ko kilala kung sino sila pero tinawag nila akong anak? Ate? Ang alam ko lang na pamilya ko ay sila mommy Gina at kuya kong si Ericho. Napakibit balikat nalang ako, kung sabagay panaginip lang naman yun. Speaking of kuya ericho! Hindi parin ako nakakahanap ng impormasyon kung nasaan na sya.
-
Pagpasok ko sa dorm namin napanganga ako sa sobrang gulo ng loob. Nagmadali agad akong umakyat sa taas kung saan ang higaan ko. Napakuyom ako ng kamao ng makita ko ang mga gamit kong nagkalat at may mga dugo din sa sahig. Napadako ang tingin ko sa envelop na kulay itim, pinulot ko yun at binasa.
"Your Death is Near.. Eugine"
Natapon ko agad yung sulat at nilibot ng tingin buong kwarto. Nasan na kaya si steve? Alam kaya nya ang nangyari sa kwarto namin? Tumakbo nalang ako papunta sa dorm nila charlie, malakas ang kutob ko na- napahinto ako ng may nilabas na bangkay sa mismong kwarto nila charlie at chan. Papunta din silang lahat dito.
"A-anong nangyari kay charlie?" Tanong ni sion.
"Sabihin mo chan! Anong nangyare?" Taranta namang tanong ni french kay chan na nakatulala.
"Nagpakamatay sya sa banyo" sabi ni chan na nakatulala parin. Sinabi nya ding may kausap daw kanina si charlie sa phone tapos bigla syang nagwala at sya din may kasalanan sa gulo gulo naming dorm.
"Pero bakit may mga dugo sa kwarto ko?" Tanong ko dahil imposibleng magkaroon bigla ng dugo doon.
"May pinatay si charlie na isang studyante tapos dinala nya sa kwarto nyo" napatingin kami kay kaizer na nakacross arm habang nakasandal sa wall. Lumapit sya sa bangkay ni charlie at tinuro yung kuko ni charlie na may konting dugo.
"Tignan nyo..mukhang ginamit nya yung dugo para sa isang minsahe" sabi naman ni leslie at may inabot saming litrato. Mukhang kinuhanan yun sa taas. Nakita ko yung dugo na may parang letra ngang nakasulat.
"I'm not the enemy"
Yun lang yung nabasa ko dahil yung kadugtong mukhang binura or pinunasan gamit yung mga damit ko mismo. Naawa ako bigla kay charlie dahil parang gusto nyang sabihin sakin na hindi sya ang kalaban ko? Teka? Paano nya nalamang may balak akong patayin sya? Hindi kaya?...
Pinagmasdan ko silang lahat. Hindi kaya isa sa kanila ang pumatay kay charlie? pero bakit naman? Pero may pinaghihinalaan din ako yung lalaking kapatid daw ni charlie. Ewan! Nakalimutan ko yung pangalan. Dinala na sa hospital yung bangkay ni charlie kaya naiwan kaming tahimik.
"Para saken mukhang hindi sya nagpakamatay kundi pinatay" basag ko sa katahimikan.
"Hindi ko naman sinasabing si chan ang pumatay pero-"
"So you mean isa samen ang pumatay?! WTF?! Kaibigan namen si charlie" sabi ni french.
"Baka ikaw"
sinamaan ko ng tingin si terrence! Bwisit talaga sya kahit kailan!
"Ako? Bakit ko naman sya papatayin ha? May ibidensya kaba?" Galit kong sigaw sa kanya.
"Diba muntikan ka na nyang patayin? At pansin ko rin lagi kang may kausap na lalaki" napatingin na silang lahat sakin.
"Yung lalaking kausap mo lagi ang kuya ni charlie na matagal ng may galit sa kanya, pinatay kasi ni charlie ang sarili nyang pamilya dahil lagi nalang syang pinapagalitan dahil nga sa sakit nya kinukulong sya"
"P-paano mo nalaman?"
Taka kong tanong.
"Hindi mo nga talaga pala kami kilala eugine. . galit na galit ako sayo dahil simula ng sumali ka sa grupo namin nababawasan kami"
"Terrence tumigil kana!" Biglang sigaw ni steve kaya natahimik kami.
"Hindi sya ang pumatay kay charlie kundi mismo ang kapatid nya" sabi ni steve kaya napakunot ako ng noo.
"Paano ko nalaman? Simple lang. . kaninang umaga may napapansin kasi akong lalaking umaaligid sa paligid. Hindi ko muna yun pinansin dahil baka mahalata nya na pinagmamasdan ko sya, tapos may tinawagan sya sa phone, tapos yun nakita ko si charlie na lumabas" mahabang paliwanag ni steve.
"Yun nga sinabi ko na galit na galit sya pagkatapos ng may tumawag sa kanya" singit ni chan.
"Pagkatapos?"
Tanong ko dahil nakakabitin e.
"Hindi ko na alam dahil bigla akong pinatawag sa SSC office.
"Hindi nadin pala mahanap yung kapatid ni charlie" habang nag uusap sila kung paano namatay si charlie napansin kong ang tahimik ni dave sa sulok.
Hindi kaya nasaktan sya sa pagkamatay ni charlie? Napatingin sya saken at pilit na ngumiti.
Someone's POV.
"Pres napatahimik ko na po yung dalawang magkapatid" sabi ko at umikot sya paharap sakin.
"Good mukhang pinaghihinalaan na nila ang kapatid ni charlie hahahaha ang galing mo talaga" napangisi ako dahil hinding hindi nila malalaman ang totoo.
"Hmmm.. Kamusta naman sya? Hindi ba sya nagulat sa sorpresa ko?" Kinabahan ako dahil nung tinignan ko sya kanina parang hindi man lang sya natakot or nagulat. Nakakainis din kasi! Nag iwan pa ng clue si charlie buti nalang nabura ko yung pangalan ko. Pero hindi ko na nabura yung iba dahil bigla nalang dumating si eugine.
"Natulala ka dyan?" Cold nyang sabi kaya napailing ako.
"Iniisip ko lang kung ano ang susunod na plano para mapabalik sya sa dati".
Eugine's POV.
Ewan ko! Gulong gulo na ako ngayon,
"Tulad ng sayo. . try to remember"
naalala ko nanaman yung sinabi nung kapatid ni charlie saken. Hindi ko na tuloy alam kung ano yun dahil bigla nalang syang naglaho na parang bula. Pero kung gusto nya talagang patayin yung sarili nyang kapatid? bakit kailangang ako pa? Parang may kutob ako na may gusto syang iparating sakin pero nagkagulo. Haiissst ewan!! Napasabunot ako sa sarili dahil nababaliw na ako.
"Hindi mo nga talaga kami kilala eugine"
naalala ko yung sinabi ni terrence. Tama sya! Hindi ko nga kilala yung 12 saints kung sino talaga sila pero mas hindi ko kilala kung sino ako.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?