Chapter 36. Despair

5K 136 6
                                    

Kaizer's POV.

"Ahhhhh"

Wosh Wosh*

"Ahhhhhhhh"

Napaluhod na ako sa sakit habang nakakadena ang dalawa kong kamay,

"Gustong gusto kong nakikita yang paghihirap mo hahahahaha"

Wosh wosh*

"Ahhhhhhh t-tama n-na"

Napakagat ako sa ibabang labi hanggang sa dumugo iyon, nalalasahan ko na ang sarili kong dugo.

Sobrang sakit na ng katawan ko sa bawat pag hataw nya ng latigo. Nararamdaman ko din ang mga sugat ko sa likuran,

Wosh wosh*

"Argh!" Hindi ko na kayang sumigaw sa sobrang panghihina at nanginginig nadin ang buo kong katawan.

Mamamatay naba ako?

Hanggang dito nalang ba ang buhay ko?

"Kung ako sayo kaizer mag dasal kana sa malapit mong pagtatapos" kahit hinang hina na ang katawan ko ay lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Mas mauuna ka brizon!" Matigas kong sabi pero hinampas ulit nya ako ng latigo sa mukha kaya natamaan ang isa kong mata. Naramdaman ko nalang na tumulo ang dugo mula sa mata ko.

"Ahhhhhh" napasigaw ako sa sakit dahil feeling ko mabubulag ang isa kong mata.

"Hindi mo ba alam na ako si kamatayan? Hahahahahahaha . . Kung alam mo lang na matagal mamatay ang masamang damo hahahaha" napakuyom ako ng kamao kahit hinang hina na ako. Naalala ko bigla yung itim na sulat na nakita ko sa harap ng pinto habang malakas ang ulan.

Napapikit nalang ako dahil wala na akong magagawa, hindi ko na rin kaya.

Ngayon alam ko na kung sino ang nag padala ng sulat. . .

Kaya pala nandoon sya nung kasagsagan ng bagyo.

"Kulang pa yan sa hirap na dinanas ko! Hahahahaha"

Nakita kong may kinuha syang matulis na bagay sa kahoy na lamesa at lumapit sa akin. Hinawakan nya ako sa buhok tsaka nya ako sinabunutan at pilit hinahangad ang ulo ko pataas.

Naramdaman ko ang malamig na patalim sa leeg ko kaya napapikit ako ng mariin.

I'm sorry ....

Steve .

Sion .

Terrence .

French .

Leslie .

Kristian.

Dave.

Chan.

Mukhang hindi na ako magtatagal sa mundo. Hindi ko na matutupad ang pangako ko.

Totoo ngang maikli lang ang buhay ng tao. Hindi mo alam kung kailangan ka mawawalan ng hininga.

Life is like a game, if you don't want to lose just play with it and go with the flow.

Paalam . .


Chan Hanzel POV.

"A-anong ginagawa mo dito" gulat kong tanong pagkabukas ko palang ng condominium ko. Prente pa syang nakaupo habang naka cross legs at nagawa nya pang mag kape. Napailing nalang ako, minsan talaga iniisip ko kung may lahi bang uncreature si steve dahil bigla bigla nalang nagpapakita.

Pansamantala muna ako dito sa condo ko habang nagpaplano pero hindi ko inaasahan na matutunton ako ni steve dito.

Seryoso lang syang nakatingin sa akin na parang hinihintay na may sasabihin ako.

"Steve lookㅡ"

"I'm not a fool chan, I didn't believe that you are dead because there's no proof at wala akong nakitang bangkay mo kaya naghinala na akong pinagloloko lang ako, I'm not that easy to fool" cold nyang sabi at inilapag sa mini table ang tasa ng kape.

"I know everything Chan. . Don't worry"

"What?"

"Sinabi na ni french sa akin ang lahat, kilala mo naman ako ayaw ko ng sinungaling" sabi nya sabay tingin sa akin.

"And I know you are here" sabi nya sabay libot ng tingin sa condo ko.

May kinuha sya sa bag nya at inilapag yun sa table. Nanlaki ang mata ko ng ito yung mga litrato nung nangyari sa dorm nya.

"Nakita kita sa CCTV na pumasok sa loob ng dorm ko, And I know ericho is there too right?"

"Y-yes muntikan nya pa akong mapatay"

"Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni ericho, gusto kong malaman mo kung may kinalaman ba sya doon sa nangyare"

"May tanong ako"

"Hmm?"

"Steve nandoon din ba si eugine nung nangyare yun?"

Seryoso kong tanong kaya napakunot ang noo nya saglit.

"Yeah. . Kinulong ko sya sa dorm dahil baka umalis nanaman ulit sya, may ginawa lang akong importanteng bagay kaya iniwan ko sya doon sa loob"

"Hindi kaba nagtataka steve?"

"For what?"

"From what happen, kakasabi mo lang na nandoon sa loob si eugine. . Hindi kaya sya ang pumatay sa mga studyante?"

"Naisip ko na din yan, yes sya nga ang pumatay sa mga studyante" parang wala lang na sabi nya.

"Anong gagawin mo nyan steve? Kailangan mapa alis na natin si eugine sa school na yun baka marami pang mapaㅡ"

"Aniyo!"
(NO!)

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni steve, pag nagkorean na sya talagang wag ka ng umangal.

"Weyo?"
(Why?)

"You don't care, just do what I command to you. . Don't mind eugine. Ako ang bahala sa kanya, basta gusto kong alamin mo kung ano ang pinaplano ni ericho"

"Arasso"
(Ok i get it)

As if naman may choice pa ako. .

"I'm leaving"

Tumayo na sya at lalabas na sana ng pintuan ng biglang mag ring ang phone nya. Bigla syang napahinto na parang may masamang mangyayari. Pati ako napapigil ng hininga ng bigla nalang may nabasag sa living room ko. Tumakbo agad ako doon para malaman kung ano yung nabasag. Kinabahan ako ng yung nabasag kanina ay picture naming tatlo nila dave at kaizer. Lumapit ako doon at kinuha yung litrato, nasa gitna si dave habang nahihiyang ngumiti habang naka akbay sa kanya si kaizer at ako naman sa kanan na naka akbay din kay dave habang pilit na ngumiti.

What's the meaning of this?

Napalingon ako sa direksyon ni steve na hanggang ngayon nakatayo parin sa pwesto nya habang may kausap sa phone. Agad akong lumapit sa kanya, hindi ko maitsura ang mukha nya dahil sobrang seryoso na kahit sino ay matatakot syang banggain.

"What happen?" Basag ko sa tensyon.

Lumingon sya sa akin at ibinaba na ang phone sa tenga, nakita ko ang galit sa mga mata nya na kahit anong oras susugod sya at papatay.

"K-kaizer is dead"



[Despair♤ - to no longer have any hope or belief that a situation will improve or change]

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon