Chapter 11. Labyrinth

7.2K 246 1
                                    

     Nagising ako sa ingay nila, nandito nanaman sila at nagtipon tipon sa dorm. Ano kayang meron? Kunot noo akong bumaba ng kwarto. May lalaking pinagkakaguluhan nila kaya nilapitan ko. Humarap sya saken kaya nanlaki mata ko.

"Dave?"

Lumapit ako tsaka nya ginulo yung buhok ko.

"Akala ko ba hindi kana babalik?"

Diba sabi nya noon, Pagod na daw sya? Anyare? Ngumiti sya saken, yung ngiting mapanlinlang.

"Hindi mo ba ako namiss?"

Napaatras ako dahil iba ang uri ng pagtitig nya sa mga mata ko. Parang may something sa kanya.

"Bakit hindi ka masaya? Akala ko ba miss mo na sya?"

Blanko kong tinignan si Steve. Walang hiya din to e, ang kapal ng mukhang kausapin ako. Buti nalang naghilom na yung sugat sa pisngi ko.

"Miss mo pala ako e"

napangiwi ako dahil hindi ko na makita ang dave na dati kong kaibigan. Yung Dave ngayon ay hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Kakaiba na yung aura nya. Saan kaya sya galing? Napatingin naman ako kay Brizon na nakatingin naman kay Dave. Tahimik lang sya sa sulok. Siguro pati sya malalim din ang iniisip. Pero hindi pa kami nag uusap simula kahapon. Nakalimutan ko na ngang alamin kung sino yung kaibigan nya noon, pati narin yung kasama ni Devien. Tsk! Masama kasi kutob ko e. Pati yung Devien na yun! Naiinis ako kasi hindi na nya talaga ako pinapansin at kinakausap. Kung sabagay wala na akong pake sa kanila ang akin lang makita ko na ang kuya ko. Yun lang naman ang dahilan kaya ako nandito. Isa pa yung letseng mga letters na yun! Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino yun. Sa tuwing nagbubukas ako ng locker kinakabahan ako na baka pagbukas ko meron nanaman akong makita. Pinagmasdan ko silang lahat, wala namang kahina hinala. Ganun parin naman sila, mga poker face.

Nagcelebrate sila sa muling pagbabalik ni dave. Ewan! Noong una miss ko na si Dave, pero ngayon parang gusto ko ulit na mawala sya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

Napangiti ako ng kinausap nanaman ako ni Sion.

"Huh? Hindi ah! Nagulat lang ako"

tumango lang sya at lumapit na kay Kaizer. Na oop ako, alam ko naman na extra lang ako sa grupo nila. Lumabas nalang ako ng dorm at hinayaan silang mag saya sa loob. Saktong pagbukas ko ng pinto may isang lalaki ang nakasandal sa wall malapit lang sa pinto pero agad ding umalis. Sino kaya yun? Hindi ko alam may sarili atang isip yung paa ko kasi hinabol ko sya. Pero sobrang bilis nya ding nawala.

     "Bakit ka lumabas? Ayaw mo bang sumali samen?"

Umusog ako ng upo dito sa may bench at nakatulala.

"Gusto kong mag isa Charlie"

ou si Charlie himala ngang normal sya ngayon. Naalala nyo yung sa beach? Yung tinutukan nya ako ng kutsilyo? Gesh that was creepy.

"Ayaw mo ba sa amin?"

Nagulat ako sa tanong nya.

"H-hindi naman sa ganun, gusto ko lang talaga mag isa ngayon"

naramdaman kong tumayo na sya

"Ikaw bahala, basta kung may problema ka sabihin mo lang samin"

bored ko lang syang tinignan at malungkot na tumango. Ewan ko gulong gulo ang utak ko ngayon. Marami na masyadong kakaibang nangyayare sakin. Pagod na ako. Parang. . parang gusto ko ng mawala. . magtago or tumakas pero mali din e! Sinimulan ko na at nandito na ako bakit pa ako aatras diba? Niyakap ko nalang yung tuhod ko. Napaangat ako ng tingin ng may mga paang huminto sa tapat ko. Pag angat ko ng ulo nakita ko ang matagal kong hindi nakausap. .

"Eugine"

namiss ko na din yung pangalan kong tinatawag nya.

"Devien" sabi ko rin.

Nakangiti sya saken yung dating ngiti nung magkakilala kame. Pero sa ngayon hindi ko kayang ngumiti, parang ang bigat sa mukha.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin? End of the world naba?" monotony kong tanong. Nagkibit balikat lang sya at tumabi sakin.

"Namiss lang kita" nakangiti sya pero hindi ko kayang gantihan.

"Alam kong may gusto kang sabihin kaya ka nandito at alam kong importante yan kaya ka napilitang kausapin ako . . Am I right?"

napatawa sya ng mahina kaya kita yung dimples nya sa right cheek.

"May nagpapabigay pala sayo"

may inabot sya sakin enveloped na kulay pula. Ano nanamang drama to? Hindi ko tinanggap dahil maiinis lang ako sa mababasa ko.

"Sino bang nagpapabigay? Bakit hindi sya mismo ang nagbigay?"

Bored kong tanong habang nilalaro yung mga daliri ko.

"Pinaabot lang din sa guard e"

pinansingkitan ko sya ng mata at sinamaan ng tingin.

"Paano naman napunta sayo kung sa guard lang pinaabot? Ikaw ba si Eugine?" napatawa nanaman sya sa sinabi ko kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Mukha ba akong nagjojoke? Anong nakakatawa?"

Tsk! Ang init na ng ulo ko.

"Halika!"

Bigla nya akong hinila kaya halos magkadapa dapa na ako.

"Teka nga! Bakit mo ba ako hinihila? Marunong naman ako maglakad!"

Huminto sya at binitawan ang kamay ko. Napalibot ako ng tingin sa lugar. Akalain mong may ganito pala dito sa school? Parang labyrinth.

"Maglaro tayo" sabi nya habang nakatalikod.

"Huh? Ano bang kalokohan to? Maglaro? As in dito? Tanga kaba?" Inis na inis kong sabi.

"Kung sino ang unang makakalabas dito ng buhay sya ang panalo. . so it means sasabihin ng natalo ang sekreto nya or else. . Gagamitin silang experimento" nanlaki naman mata ko sa narinig.

"Wag kang mag alala hindi lang tayo ang nandito" yun ang huling sinabi nya bago tumakbo.

"Uy tekaaa!!" Hinabol ko sya pero mukhang naligaw na ata ako. Pagyuko ko nakita ko yung sulat na binibigay nya saken kanina. Pinulot ko nalang at binuksan, curious ako e.

∆  §  ∆

× Π ×

] ∆ Π

[ O ¥

∆ § ¥

× ∆ +

Dead End. .

Eh? Ano naman to? Paano ko maiintindihan? Hindi ko alam pero naeexcite na ako sa mangyayareng laro. Tinago ko na sa bulsa ng blazer ko yung sulat tsaka ako nagsimulang maglakad. Napahinto ako ng may mga ahas na nagkalat pero nakuha ng atensyon ko yung pinapalibutan nila. May katana sa gitna mismo ng mga ahas.

The hell! Paano ko naman yun makukuha? 

"Ouch!" Daing ko ng may nahulog na sanga sa ulo ko. Napatitig ako sa sanga tsaka ako nakaisip ng paraan.

Napasmirk ako dahil mukhang hindi nila ako matatalo.

Dahil ako mismo ang tatalo sa kanila. . . at kailangan kong protektahan ang sekreto ko..

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon