Eugine's POV.
Nagkatinginan kami ni steve at sabay din kaming nagka iwasan ng tingin. Aishh! Sa lahat ng pwedeng maiwan bakit ako pa?!
Ang awkward sa pakiramdam. . Naalala ko nanaman yung nangyari kanina.
Yung niyakap nya ako. .
"About earlierㅡ"
"Ah! Anong nangyari pala sa mga studyante??" pag iiba ko ng topic kaya bumuntong hininga nalang sya at hinila ako papasok sa loob ng clinic.
Nanlaki ang mata ko ng biglang mag flashback sa isip ko yung pangyayaring hinalikan sya nung babae at nakita ko yung babae na nakadoctor's uniform so? . . .
So sya ang nasa loob?!
Huminto ako kaya nagtataka syang tumingin sa akin.
"Why? .. kailangan mo akong tulungan sa loob" utos nya at hihilain nanaman nya ako sa loob pero kumapit ako sa pinto. Bakit parang hindi big deal sa kanya yung nangyari? .
"W-wait, may kailangan pala akong asikasuhin" palusot ko at aakbang na sana palayo ng hilain nya yung kwelyo ko sa likod kaya napabalik ulit ako sa harap nya. Nag fake laugh ako ng taasan nya ako ng kilay.
"Hindi ba wala kang maalala? Gusto mo bang maligaw dito? Tapos magpapasama ka nanaman sa unknown person na yun?"
'Hindi sya unknown person! Kaibigan ko sya!'
Gusto ko sanang isigaw sa pagmumukha nya yun pero baka kasi lumala pa ang mangyari.
Kung magalit sya kala mo sya lang pwedeng gumawa ng kakaiba! Sya nga pumapayag na halik halikan ng kung sino!
Natauhan ako ng pitikin nya ako sa noo. .
"Nandito tayo to help don't worry" poker face nyang sabi at umuna ng pumasok. Pinagmasdan ko muna syang pumasok at nagpabalik balik ako kung papasok ba ako o hindi.
"Come on!"
Nataranta ako ng lumabas ulit sya at bigla nalang akong hinila paloob kaya hindi ko na nagawang pumalag.
Napanganga ako ng makita ko yung mga studyante na walang malay. Sa sobrang dami nila sa sahig na yung iba humiga. May mga studyante ding tumutulong. Kahit pala puro sila lalaki nagtutulungan parin sila. May mga namimilipit din sa sakit.
"Wag kang tumayo lang dyan!"
Sigaw ni steve kaya nataranta ako at lumapit sa kanya.
"A-anong gagawin ko" taranta kong sabi at hinahanap ng paningin ko yung doctora. Gusto kong makita ang mukha nya.
"I-inject mo ito sa iba" utos nya kaya kinuha ko yung hawak nya.
Napatingin ako sa injection sabay tingin kay steve kaya napangiwi ako.
"Why?!" Irita nyang tanong ng makita akong di mapakali.
"Eh ano kasi paano to i-inject?"
Lumapit sya sakin at hinawakan yung kamay kong may injection. Umiling sya kaya kinuha nalang nya sa kamay ko.
"Hawakan mo yung braso nila tapos gamitin mo itong tela at itali mo tapos hanapin moㅡ"
Hindi ko na maintindihan yung sinasabi nya dahil nakatitig lang ako sa mukha nya.
Ang haba pala ng pilik mata nya. .
Ang tangos ng ilong . .
Red lips. .
Agad akong napailing ng magflashback ulit yung time na may humalik sa kanya.
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?