Chapter 60. The Rabbit

5K 149 40
                                    


Chapter 60. The Rabbit


Dave's POV.

Sinundan ko ng tingin si steve ng bigla syang tumakbo kaya hinabol ko din sya.

Agad akong sumakay sa motor bike ko at sinundan ang pinuntahan ni steve. Nakita ko din sya sa wakas.

"Steve what are you doing? Bakit ba bigla kang tumakbo?"

Kunot noong tanong ko ng makita ko syang huminto na sa isang tabi habang nakasandal sa trunk ng puno. Naghahabol sya ng hangin dahil sa ginawa nyang pagtakbo kaya hingal na hingal nya akong tinignan ng masama.

"You don't care" bored nyang sagot at bumalik na ulit sa kinaroroonan nya kanina kaya sinundan ko nalang sya ng tingin habang palayo.

Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad,

"Hello"

(Dave nandito kana ba? If youre here meet me at my apartment)

"Yup . . I'm already here" sagot ko kay sion at tsaka binaba na ang tawag. Tumingin muna ako sa direksyon kung saan bumalik si steve tsaka ko na sinuot ang helmet at umalis.

Steve's POV.

Napasandal ako sa kotse ko habang naghahabol ng hininga.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang dami ng iniisip ko.

Gumaganti ba sya dahil hindi ko sya tinulungan?

Napasabunot ako sa buhok at ginulo iyon, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

Galit ako sa pagsisinungaling nya pero may part sa akin na gusto na syang makita.

Nasaan ka naba clariz?

Humiga ako sa harap ng kotse ko at tinignan ang langit na nagdidilim na at malapit ng umulan.

Naalala ko yung mga time na magkasama kami, naalala ko yung pagsusungit nya, yung tawa nya, yung inosente nyang mukha.

Aisshh!! Anong ginawa mo sakin clariz!

Nalilito na ako. . Bakit lagi nalang kitang naaalala?

Galit ako sayo dapat diba? Bakit gusto na kitang makita? Diba sabi ko ayaw na kitang makita?

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng bumalik sa ala ala ko yung mukha nyang umiiyak.

At yung mukha ng nakita ko kanina ay ibang iba.

Napahawak ako sa puso ko ng maramdaman kong bumilis ang tibok nito.

Tss! Nababaklaan na ako sa sarili ko kung mag emote ako daig ko pa ang babae.

Biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko agad.

[Steve gusto mo bang makita ang pinakamamahal mo? Hahahaha] napakunot ako ng noo at tinignan kung sino ang tumatawag pero unregistered number.

Naging seryoso ang mukha ko ng makilala ko ang boses nya.

"Ericho" sagot ko kaya narinig ko syang tumawa.

[Kitang kita sa pagmumukha mong gusto mo ng makita si clariz right?]

Bigla naman akong napabangon sa pagkakahiga at nilibot ng tingin ang lugar. Sobrang tahimik ng paligid kaya wala akong nakikitang tao.

"What the hell?"

[Pffft.. siguro ngayon naghahanap kana ng dahilan kung bakit ko alam]

"Don't fool me around!" Galit kong singhal sa kanya.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon