Chapter 8. Faze

7.5K 248 11
                                    

      Hingal na hingal akong tumigil sa harap ng dorm ni devien. Kumatok ako at di naman nagtagal ay binuksan nya agad.

"Ano bang kailangan mo eugine? Gabi na" cold nyang sabi.

"Devien may kinalaman kaba sa pagkawala ni Dave?" Nakita kong kumunot ang noo nya.

"Pinagbibintangan mo ba ako? Ganun ba ako kasama ngayon para sayo? Dahil ba kasama mo na sila ako ngayon ang pinagbibintangan mo? Ganun ba yun?" Halata sa tono ng pananalita nya ang inis.

"H-hindi naman sa ganun—" nabitin sa ere ang sinabi ko ng pinagsaraduhan nya ako ng pinto.

"Wag mo na akong kausapin at simula ngayon hindi na kita kaibigan.. Doon ka nalang sa mga taong nanakit sayo tss" rinig kong sabi nya sa loob kaya medyo naguilty ako at nasaktan sa sinabi nya. Kumatok pa ulit ako para mag sorry pero hindi na nya ako pinapansin.

    

♧ ♧ ♧ ♧

     Nasa room lang ako at bored na pinapakinggan ang prof na nagsasalita sa harap pero kahit isa wala akong maintindihan. Nakarinig kami ng sigawan sa labas kaya nataranta yung iba ako naman ay lumabas. Kitang kita dito sa second floor ang lalaking nakahandusay sa semento. Duguan na sya at mukhang nabasag pa ata ang bungo sa pagkahulog.

"Tss bakit ba lahat ng graduating students nagpapakamatay?" Sabi nung isa kong kaklase. Paglingon ko sa kanan nakita ko si devien kaya hinabol ko. Pababa na sya ng hagdan habang may mga dalang libro.

"Devien!"

Sigaw ko pero mukhang ayaw nya talaga akong pakinggan. Hinabol ko parin sya at hindi ko sinasadya nabunggo ko sya sa likod at sabay kaming nahulog sa hagdan pati na din ang mga libro nyang hawak.

"Ano ba eugine? Diba sinabi ko na sayong tigilan mo na ako?" Mukhang galit na galit sya sakin. Irita nyang pinulot ang mga librong nalaglag.

"I'm sorry devien. . ."

mahinahon kong sabi kaya napatingin sya sakin.

"Hinihiling kong iwasan mo na ako"

yun ang huling sinabi nya bago ako iwan na naluluha.

    

     Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at paglingon ko nakita ko si Brizon. Ngumiti sya saken pero hindi ako natutuwa sa ngiti nya. Alam kong pagtritripan nya lang ako. Hinila nya yung bag ko kaya nakipag agawan ako sa kanya.

"Ano ba! Hindi naman kita inaano dyan! Bitawan mo nga yung bag ko!" Inis kong sigaw pero huli na ng magkalat yung gamit ko. Yumuko sya at may pinulot na kinalaki ng mata ko.

"Bakit na sayo ang dog tag ni Dave?"

Bakit nga nasa bag ko yun? Diba nga nawawala sya? Paano napunta saken yun?

"H-hindi ko alam! Diba nga nawawala sya? Paano naman napunta saken yan?"

Bakit kasi nawawala pa si Dave?

"Diba kayo naman ang mas close?" Tumango lang ako,

"Hindi basta basta hinuhubad ang simbolo ng grupo pero bakit na sayo to?" nilapit nya yung mukha nya sakin kaya napalunok ako.

"Hindi kaya may kinalaman ka sa pagkawala ni Dave? Nung sinabi ni Sion na nawawala sya bigla ka nalang tumakbo palabas. Dahil ba natatakot kang malaman namen?"

Ano bang pinagsasabi nila? Tinulak ko sya pero ang tigas nya

"Hindi porke't na sa akin yang kwintas nya e ako na agad ang may kasalanan! May ebedensya ba kayo?"

Sigaw ko tapos tumakbo na ako sa inis.

Alam ko na ang pakiramdam ng masisi, naramdaman ko ang nararamdaman ni devien.

Nakakainis pala talaga..

Kumukulo yung dugo mo sa sobrang inis. Tama lang si devien, dapat nga syang magalit saken dahil napakasama kong kaibigan. Padabog akong naglalakad sa likod ng school ng may biglang humila saken at nilock nya yung pinto pagkapasok namen sa isang room.

"Eugine pasensya kana pero kailangan ko ng umalis dito" sabi nya at nagsuot na ulit ng pang disguise.

Ganun lang yun? Pagkatapos nya akong hilain ganun lang sasabihin nya?

"Gago kaba Dave? Ako ang sinisisi nila sa bigla mong pagkawala tapos aalis ka bakit? Anong dahilan?"

Medyo naiinis parin ako.

"Pasensya kana Eugine pero di ko na kaya. . ."

yun ang huling sinabi nya bago buksan ulit ang pinto at nagmadaling umalis.

"Daveee. . . Hoy teka! Bumalik ka dito!"

Hinabol ko sya kahit saan pero nabigo ako dahil nakaalis na sya ng school. Ibang iba ang dave ngayon kaysa noon na nakilala ko.

"Sino kaba talaga Dave? Isa kabang mamamatay tao? Bakit ka kasi nagtatago?" Bulong ko sa sarili at napagdesisyon kong bumalik nalang sa dorm. Ano bang nangyare? Or should I say. .

Ano ba ang nangyayare ngayon? Bakit ba ang gugulo ng mga tao? Nakita kong tumingin sa direksyon ko si Steve kaya sa ibang daan ako lumakad. Pero bakit nya ako hinahabol? Tumakbo ako palabas ng dorm dahil mukhang iba ang pakay nya saken.

"Wait! Bakit kaba tumatakbo?" May galit sa tono nya. Nanginginig akong humarap sa kanya.

"K-kasi hinahabol mo ako" depensa ko.

"Psh! Halika!"

Sabi nya sabay hila saken.. Himala. . . kinakausap nako ni steve ngayon at may lakas pa sya ng loob hilain ako? Ano nga talagang nangyayare? May habagat ata ngayon?

Hala? Anong gagawin nya? Pagkabukas nya ng pinto bumungad saken ang ibang ka group ko.

"Saan kaba galing?" Tanong nung iba, ang sama naman ng tingin ni Brizon sa akin. Dahil ba sa isang pesteng dog tag na yan?

"Eto! Alam nyo ba kung bakit na sa kanya to?"

Natahimik ang lahat dahil sa biglang sigaw ni Brizon at tinaas nya pa yung kwintas. Nagsilapit naman sila at tinignan yun. Sabay tingin nila saken na parang naniniwala sila.

"Hindi ibig sabihin na sa akin yan e ako na dahilan! Bakit ba ako lang pinagbibintangan mo?" Ayan naiinis nanaman ako.

"Eh bakit nga na sayo to?!"

Turo nya dun sa pesteng kwintas.

"Peste ka pala e! Nagpakita lang si Dave sakin kanina at humihinga pa sya! Ang gago mo no Brizon?! Bakit ba ang init ng ulo mo saken!"

Ayan high temper pa naman ako. Natahimik sya sa sinabi ko, pumagitna si Sion samen .

"Tama na yan. . hayaan na natin si Dave ginusto nya yatang umalis e"

napa tsk-ed ako dahil ang init parin ng ulo ko sa inis.

"Excuse me!" Sabi ko at lumabas muna.

Bakit ba ako nalang lagi ang may kasalanan?!

Hindi ba pwedeng sila muna?

May naalala tuloy ako na nangyare noon. Ako agad ang sinisi diba pwedeng iba muna? 

Bago ako?


AN: faze means someone afraid or concious

√Kung kayo nagtataka . .  . bakit laging walang pake si eugine tuwing may namamatay? Hindi kaya sanay na sya?

√Kilala nyo na ba kung ano talaga ang pagkatao ni eugine? (Syempre hindi nila alam)

Inosente ba talaga sya? Or nag papanggap lang.

√Kung huhulaan nyo . .

Nasaan na kaya si Ericho?

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon