"Every mistake has a reason"
- DaveDave POV.
"Buti gising kana" napalingon ako sa gilid at nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang taong yun.
"Ericho" tawag ko sa kanya na sya namang nakasandal sa pader habang nakacross arm.
"Dapat kasi nag iingat ka e" sarkastik nyang sabi at lumapit sa akin.
Nandito pala ako sa hospital . .
"I'm sorry" sabi ko nalang habang nakayuko.
"Alam na nila na ikaw ang traydor" sabi nya at umupo sa higaan katabi ko. Hindi sya nakatingin sa akin kundi sa labas ng bintana. Kaya pala ako nasilaw kanina dahil hinawi nya yun.
Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin . .
"Ericho ayoko na. . Gusto ko ng mamuhay ng payapa. . Please ibalik mo na ang kapatid ko"
Napatingin sya sakin ng walang emosyon.
Kinakabahan ako. . .
"No" tipid nyang sagot at tumingin ulit sa bintana.
Napakuyom ako ng kamao dahil ang tagal ko ng gustong umalis pero ayaw nya akong tantanan. Hawak nya ang kapatid ko sa leeg kaya natatakot ako. Baka anong gawin nya sa kapatid ko.
Sinubukan ko ng umalis dati dahil pagod na ako sa pagsisinungaling pero tinakot nya ako.
Napilitan akong bumalik. . .
Napakagat ako sa ibabang labi ng maalala ko ang ginawa ko.
Naalala ko ang itsura ni charlie ng tapusin ko ang buhay nya.
Si Chan. . . Naengkwentro ko sya sa labyrinth. Muntikan ko na din syang patayin.
Madami akong pinatay. .
Muntikan na akong mahuli ni eugine dati. .
[Sinong nakakaalala noong lumabas si eugine sa dorm ni devien? haha akala ni eugine na si charlie ang pumapatay pero ang totoo si dave talaga yun]
Si Steve. . . Sana mapatawad nya ako sa pagtatraydor ko sa kanya.
Sa matalik kong kaibigan na si Sion. .
Gusto ko syang kausapin pero hindi pwede. Lalo lang lala la ang sitwasyon.
Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.
"Wag kang mag alala hindi ka nila mahahanap" sabi nya at nagsmirk.
Napapikit nalang ako at pinapakalma ang sarili.
"Nasaan na ang kapatid ko?"
"Hmmm... sabihin nalang natin na sya ang player ko? Sa tingin mo? Magaling kaya syang maglaro?"
Napakuyom ako ng kamao. . .
"Damn you ericho!" Sigaw ko sa kanya pero agad syang lumayo.
"Ooppppss... wag ka namang ganyan dave haha"
Dumudugo na ang kamay ko sa diin ng pagkuyom.
"Bakit mo ba kami pinaglalaruan?!"
"Hmmm... Bakit nga ba? Siguro dahil boring na ang buhay ko?, tsaka. . . Kasalan nyo kaya kayo nadamay"
BINABASA MO ANG
School of Psycho (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMagaling kabang magtago ng kakayahan? Isa itong skwelahan kung saan maraming sikat at naggwagwapuhang lalaki. tinatawag nilang... all boys school... pero paano pag nalaman mong may secreto palang tinatago? tutuloy ka paba? or aatras nalang?