Chapter 15. Memories

6.6K 211 9
                                    

Hindi ko alam anong gagawin ko, siraulo ata yung lalaking yun. Kahapon pagkatapos nyang sabihin yun tumakbo na ako palayo sa kanya. Hindi ko sya kilala kaya feeling ko delikado yung isang yun. Hindi nga ako sure kung totoo yung sinabi nyang kapatid nya si charlie pero namassacre daw? Paano sila nabuhay? Feeling ko nga niloloko lang ako nun e! Sa pagkatulala ko naalala ko yung time na bumalik si dave at nandoon silang lahat sa dorm tapos yung lalaking nakasandal sa pader tapos biglang umalis? Hindi kaya sya yun? Sinubukan kong maalala ulit lahat ng nangyare simula nung pumasok ako dito.

Yung namatay na 4th year. . .

yung nahulog sa building. .

yung lalaking pinatay. .

"Alam ko ang gusto mong laro. . eto diba?"

Sabay tutok nya ng kutsilyo sa pagitan namin. Naalala kong sinabi yun ni charlie noong nasa beach kami.

Kutsilyo. .

Yung lalaking pinatay noong binully ako ng 12 saints at nasa dorm ako ni devien nun. Yung lalaking may hawak na kutsilyo.

Dog tag. .

Nagsway yun papunta sa likod nya.

Napapitik ako sa ere ng mapagsamasama ko yung naalala ko. Alam ko na ngayon kung sino yun. .

Si charlie. . tama. . . si charlie ang killer na una kong napansin. Pero bakit yung sa labyrinth baril gamit nya? Napafacepalm ako, ou nga pala matino sya nung time na yun. Pero ang pinagtataka ko parin kung sa lahat ng ala ala e yung bakit napunta saken ang dogtag ni brizon? Jeezz bakit hindi ko yun maalala kahit halughugin ko pa yung utak ko hindi ko talaga matandaan.

"Mamili ka. . patayin ka nya o patayin mo sya?"

Napailing ako ng mag echo nanaman yun sa utak ko. Hindi ko kayang patayin si charlie pero kung tama nga ang hinala ko na sya ang dahilan ng mga namatay. . papatahimikin ko na sya.

-×××

Sa Room...

Habang nakikinig ako sa klase may napansin akong nakasilip sa may bintana. Pero nung napansin ata nyang kanina pa ako nakatingin umalis na sya.

"Class dissmiss" cold na sabi nung teacher kaya naglabasan na sila, kala ko nga magsasaya sila tulad ng mga ordinaryong studyante pag time na. Sinabi ko na nga nung una palang na iba ang school na to at yun ang hindi ko alam. Nasa corridor na ako naglalakad ng mapansin kong nakasunod nanaman yung lalaki jeezz, nakakakilabot naman yun. Binilisan ko nalang maglakad pero ganun din ginawa nya. Huminto ako at umikot paharap sa kanya.

"Bakit mo ako sinusundan?? Kung yun ang dahilan tigilan mo na ang kabaliwan mo!" nakita kong nagsmirk lang sya habang nakapamulsa.

"Hindi mo nga ba talaga magawa?" Sarkastik nyang sabi.

"Tsk! Bakit ba gusto mong patayin ko si charlie? Ano bang kasalanan nun sayo?"

Lumapit sya sakin at tulad nung ginagawa nya bumulong sya saken.

"Tulad ng sayo.."

napakunot lang ako ng noo.

"Ano bang sina-" naputol ang sasabihin ko ng tumalikod na sya at nagwave patalikod.

"Try to remember" sabi nya sa malayo kaya napakibit balikat nalang ako.

-××××..

Ginugulo talaga ng isip ko yung sinabi nya. Sino ba talaga sya? Sino ba talaga ang 12 saints?

"Tulad ng sayo. . try to remember"

Napailing ako ng ilang beses dahil paulit ulit yun sa utak ko ang sinabi nya. Napatayo ako ng makita si devien kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Ang tagal na naming hindi nagkikita, pinatawad na nya kaya ako?

"Devi-" napahinto ako ng pumasok sya sa Office ng student council at luminga linga pa sa paligid, agad syang pumasok kaya napakunot ako ng noo. Paano sya nakakapasok sa office na yun? Hindi kaya close sila nung 12 saints? Papasok na din sana ako ng bumukas ang pinto at gulat na expression ang nakita ko.

"Steven/Eugine"

sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Napairap ako ng tinarayan nanaman ako.

"May kailangan lang akong makita! Masama ba?" Sagot ko na may pagkainis at pasimpleng sumisilip sa loob.

"Nakita ko si devien na pumasok sa loob e" sabi ko habang sumisilip parin. Nagulat ako ng sinandal nya ako sa pader at nakapatong ang dalawa nyang kamay na parang corner ako. Napatitig ako sa mata nya na seryosong nakatitig din saken.

"Bakit ganito"

Sabi nya bigla kaya natulak ko sya.

"Pinagsasabi mo?"

Mataray kong sigaw sa kanya kaya tinignan nya lang ako saglit at humawak sya sa puso nya.

"H-hindi naman ako.. Arrghhh Hindi pwede! Lalaki ako"

lalo lang kumunot noo ko

"Weird"

bulong ko at umalis nalang. Ngayon ko lang nakita yung side ni steven na ganun. Lumiko ako ng dadaanan dahil makakasalubong ko si leslie tsaka si charlie. Mamaya nyan sakalin nanaman ako nun. Pero pinakatitig ko si charlie ng madaanan nila ako.

"Tulad ng sayo. . . try to remember"

narinig ko nanaman yung sinabi nung lalaki.

Ano bang ginawa mo charlie?

Bakit sinabi nung lalaki na tulad ng sayo?

At ano namang kinalaman ko doon?

Don't tell me am I muderer too??

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon