Chapter 5. Pains

8.5K 266 4
                                    

"Ouch! dahan dahan lang" ang saket ng pisngi at labi ko. Ginagamot ni devien ngayon yung mukha ko.

"Bakit ka kasi gumawa ng ikagagalit nila?? ayan tuloy nangyare sayo!"

may concern nyang sabi.

"Tch nakakainis lang kasi e... May karapatan naman akong ipagtanggol ang sarili ko!" Nakita kong napailing nalang sya.

*Flashback*

Nakaupo lang ako sa sulok ng room habang nagbabasa ng biglang may bumuhos saken ng tubig. Tinignan ko naman kung sino, jezz yung isa nanaman sa poker face group. Nag smirk lang sya at lumabas na parang walang nangyare. Tinignan ko yung mga kaklase ko na nakatingin saken, Akala ko tahimik lang pero nagtawanan sila kaya tumakbo ako palabas ng room, walang hiya yung grupong yun ah! Kinuha ko yung bag ko at tumakbo na palabas. Dumeretso ako sa locker dahil may extra akong damit doon. Pagkabukas ko ng locker biglang bumuhos ang sandamakmak na basura. Napakuyom ako ng kamao, nag uumpisa na silang ibully ako. Pag pasok ko naman ng cr nadulas ako, ewan ano nilagay nila sa sahig dahil sumakit talaga yung likod ko. Iika ika akong pumasok ng dorm tapos pagpasok ko napaluhod nalang ako sa sahig. Yung mga damit ko punit punit sa labas nilagay. Tapos pag tingin ko sa pinto.

'You are not allowed to enter this room eugine'

Punong puno na ako ngayong araw. Tumakbo ako kung saan sila mahilig mag tambay, nalaman ko lang yun dahil narinig ko sa mga kaklase kong tsismoso.

Sa SSC office...

Sinipa ko yung pinto kaya napatingin silang lahat saken.

"As expected" rinig kong sabi nung isa. Walang salita'y tumakbo ako sa roomate ko at sinipa sya sa 'you know na'. Tumayo naman silang lahat at sinuntok ako nung nagbuhos saken ng tubig. Gusto ko ng umiyak dahil ang sakit ng suntok nya. Napadura ako ng dugo,

Dugo

Dugo

Dugo

Parang may naalala ako pero hindi ko alam kung ano.

"Tama na yan hindi paba sapat yung kanina?"

Tinignan ko naman ng masama yung nagsalita..

si Dave !?

. "Umalis kana" cold nyang sabi..pagkatapos nyang sabihin yun tumulo kusa yung luha ko. Akala ko kaibigan ko sya? Umiwas sya ng tingin na para bang nakakadiri akong tignan. Tumakbo nalang ako tapos narinig ko pa yung tawanan nilang nakakairita.

*Present*

"May araw din saken yung mga yun" gigil kong sabi sabay lukot ng papel.

"Psh! Kung ako sayo tatahimik nalang ako sa tabi" tumayo ako bigla sa galit.

"Paano ako tatahimik?!! Kung yung kuya ko hindi ko alam kung saan?? Haisst" padabog ulit akong naupo sabay cross arm.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon