Chapter 31. Lie Over

5.6K 171 15
                                    

Eugine's POV.

"Hey!"

Nagulat ako ng pumitik si devien sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What?!"

Irita kong sabe habang nakatingin sa malaking bakod. Shitness paano kami makakaakyat dito?

"Mukhang simula nung nawala ka mas dinoble nila yung security" napasimangot ako dahil dati nung umakyat ako dito wala man lang harang tapos ngayon may sangkatutak na wire na.

"Bakit hindi nalang tayo pumasok sa mismong gate? Kilala naman ata tayo dito, at siguro matutuwa pa yung 12 saints sa pagbabalik mo" dagdag nya pa kaya hinila na nya ako.

May pinakita si devien doon sa parang scanner tapos bumukas yung gate, Identification card siguro yun, huminto ako sa paglalakad at bigla nalang akong napapikit ng maalala ko yung panahon na para akong tanga na pumasok dito at nag enrol para lang hanapin ang walang kwenta kong fake brother.

Bakit ba ako nagpauto?

At bakit ba hindi ko maalala na patay na si mommy?

eh yung totoo kong ina? Buhay paba?

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo" natauhan ako ng umakbay sya saken tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Buti nalang dumaan muna tayo sa bahay at nakapagpalit ka" pagpapaalala nya dun sa suot ko kahapon. Nakawhite hospital gown kasi ako dahil itong gagong devien inadmit ako sa hospital ng mga sira ulo. Gustuhin ko mang magalit pero nangyari na eh.


"Hindi ko alam kung paano ako naloko" sabi ko sa kawalan habang naglalakad na kame sa napakalawak na hallway.

"Hindi ka naloko clarㅡ i mean eugine siguro na hypnotize ka" napatingin ulit ako kay devien na seryoso ang mukha.

"Paano mo nasabe?" Taas kilay kong tanong

"Hindi ba obvious? Naloko ka ayon sa kinwento mo saken kagabe, hindi ko nga rin magets mga sinabi mo e pero yun ang hinala ko. May naghypnotize sayo, lahat ng iniisip mo na imposibleng nangyare ay nangyare dahil nahypnotize ka"

"Kailangan paulit ulit?" Irita kong sagot. Binilisan ko nalang maglakad hanggang sa makapasok na kame sa dorm nya.

Bakit biglaan wala nanaman akong maalala? Konti lang yung naalala ko pero bakit parang may kulang? Parang may gusto akong maalala pero hindi ko magawa. Napahilot ako sa ulo ko, nababaliw naba ako?

♢♢♢♢

Napalunok ako ng ilang beses habang nakahawak sa pinto ng dorm namen. Ilang araw akong nawala at ilang araw na akong hindi nakakapasok at tulog sa kwartong ito.

"E-eugine?? I-ikaw ba yan? O imagination ko lang?"

Nawala saglit yung kaba ko at nilingon yung taong kinakatakutan ko noong una. Yung unang pumasok ako dito, napakuyom ako ng kamao ng maalala ko ulit na galit pala ako sa fake brother ko. Damn you ericho!

Nakita kong huminto si steve sa lugar nya at pinakatitig ako na para syang nakakita ng multo.


"I'm not your imagination" basag ko sa pagtitig nya saken kaya nagulat nalang ako ng bigla syang ngumiti na parang aso at lumapit na sakin.

Mas nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinila palapit sa kanya at niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"I miss you" bulong nya kaya bigla nalang akong kinilabutan, nanlaki ang mata ko at agad syang tinulak.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon